CHAPTER FOURTEEN

723 17 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN💐






"RAIN..."

Pinigilan ko ang sarili kong tumakbo palapit sa kanya. Nanatili lang akong nakatitig sa mukha niyang nakapinta ang pagkalito. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay JC na nakatitig din sa kanya.

"What--"

"Oh, kilala mo siya Jungkookie?"

Taehyung asked innocently not minding the tension and awkwardness in the air. Hindi sumagot si Jungkook bagkos ay nanatili ang titig niya sa akin habang si Taehyung naman ay palipat-lipat din ang tingin sa aming dalawa. Tumikhim si Daddy na ikinabawas ng tensyon na nararamdaman ko. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa anak ko na nakatingala sa akin at nagtatanong ang mga mata. I smiled to make him see na okay lang ang lahat. But deep inside, I know I'm not okay. Nasu-suffocate ako sa kinaroroonan ko kaya gusto kong umalis para makahinga ng maluwag. Gusto kong tumakas sa sitwasyon na 'to. Hindi pa ako handa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kung paano ko sisimulan. Kung paano ko ipapaliwanag. My head is in turmoil right now that only I can do is to stay here.

"Come on bro, let's go to cafeteria to buy foods. Hindi pa kumakain ang pamangkin ko." Kuya Storm dragged Taehyung out at nakasunod sa kanila si Kuya Thunder. Pero nanatili ang tingin ko sa anak ko. Ayoko na ulit magtaas ng tingin. Ayoko na ulit tumingin sa mga mata niya. It only brings back all our memories together.

"I think it's time for both of you to talk." Biglang nagsalita si Dad na ikinalingon ko sa kanya. "Kami na muna ang bahala kay JC."

Sunod-sunod akong umiling. "No, Daddy. We have nothing to talk about."

"Rain Park! I didn't teach you to be a coward. Face him. Tell him everything. Karapatan niya yun."

"Dad--"

"I'll take her out, Uncle. I think we really need to talk." Bago pa ako makahuma ay nakalapit na pala siya sa akin at hinawakan ang braso ko at hinigit patayo.

"Momma..." Pigil ni JC at mahigpit na humawak sa mga kamay ko na parang ayaw niya akong bitawan. Lumapit si Jungkook sa anak ko at ginulo ang buhok nito.

"I'll just borrow your momma, little guy. May pag-uusapan lang kami. Ibabalik ko din siya sayo..." He said softly to my son.

Gusto kong maiyak sa tanawing iyon. Jungkook caressing JC's head while smiling together. Their smiles are really alike. Sobrang magkamukha sila na alam kong may ideya na si Jungkook kung sino si JC sa buhay niya. From the shape of their eyes, their nose, and their lips. The way Jungkook smiles ay parehong-pareho sa pag-ngiti ng anak ko.

"Balik mo agad momma ko ah. Gusto ko kasi lagi siya nasa tabi ko."

"Of course little boy. Mabilis lang kaming nag-uusap para makabalik agad sayo ang momma mo."

"Okay po..."

Ngumiti ang anak ko habang nakatingin kay Jungkook. Napansin kong nag-iba ang kislap ng mga mata niya at ekspresyon ng mukha niya matapos siyang ngitian si JC. Parang dinurog ang puso ko sa tanawing iyon. I can see sadness and bereavement on his eyes and I can't help but to be guilty. It's my fault. Tumalikod na siya sa anak ko at humakbang na palakad.

"Let's go..."

Parang wala akong narinig na nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko. Mukhang napansin niya ito at lumingon siya sa akin.

"Stubborn..."

Humakbang siya pabalik sa akin at hinawakan ang braso ko at hinila para maglakad palabas ng kwarto ng anak ko. Muli akong lumingon at nakita ko ang anak kong nakasunod ang tingin sa amin na may kakaibang ekspresyon na nakapinta sa mukha. Tiningnan ko din sina Daddy at Mommy na tinanguan lang ako. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Jungkook na tanging likod lang niya ang nakikita ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa pakiramdam na gusto kong nasa kamay ko din ang kamay niya. It's been a long time since the last time na nagholding-hands kami. And I'm missing those moments. Bigla-bigla ay gusto kong pagsisihan ang ginawa ko na agad ko ding iwinaksi. Okupado ang utak ko na hindi ko namalayang nasa rooftop na pala kami ng hospital. Bigla akong namula ng matanto kong nakahawak na pala ang kamay niya sa kamay ko.

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now