CHAPTER TWENTY-TWO

646 9 0
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO💐



"Jeon Jungkook..."

"Rain..."

Hindi ako gumalaw. Nanatili lang akong nakatayo sa kinaroroonan ko. Ayokong humakbang palapit sa kanya kasi baka mawala siya at matuklasan kong nilalaro lang ako ng paningin ko. Kaya kung tunay man siya, hinihiling kong siya na mismo ang lumapit sa akin at magpatunay na hindi lang siya dulot ng imahinasyon ko.

Pero hindi ko na pala kailangan pang humiling kasi unti-unti na siyang naglakad palapit sa akin. Lumakas ang kabog ng dibdib ko na tila may mga hayop na naghahabulan roon. Nanghihina din ang mga tuhod ko at tila ay babagsak na ako.

Pero bago pa man mangyari yun ay isang matigas na braso ang pumalibot sa beywang ko at sinuportahan ang pagtayo ko.

"Jeon Jungkook..." I raised my hand and cupped his face. Nahawakan ko siya. Naramdaman ko siya.

"Totoo ka? Totoo ka!" He suddenly chuckled because of what I've said.

"Of course I'm real. Anong akala mo sa akin poster?" Natatawa pa din niyang sabi.

Nakatitig lang ako sa kanya habang tumatawa. Hindi pa din ako makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon.

"P-paano ka nakarating dito?"

"Ano, sumakay ako ng eroplano papunta sa Pilipinas tas sakay ulit ng eroplano papunta dito. Ang kyut ko nga e. Para akong boy version ni Dora the explorer." He look so happy while talking.

"Paano mo nalamang andito ako?"

Matapos kong sabihin 'yun ay nakita kong nag-iba ang ekspresyon ni Jungkook. Nawala ang saya sa mukha niya kanina habang nagki-kwento at napalitan ito ng seryosong mukha.

"You left again Rain. Do you think hindi gagawin ang lahat para mahanap ka lang lalo pa at iniwan mo si JC?"

"Bakit mo pa ako hinanap? Di ba na sayo na naman si JC." Agad akong tumalikod matapos sabihin 'yon. Ayokong makita niya ang sakit na bumalatay sa mukha ko.

"Siyempre hahanapin kita Rain. Sinabi ko na sayong ayoko ng umalis ka na naman at iwan mo na naman ako. Bakit ba hindi mo magawang manatili sa tabi ko at hayaang ako ang lumaban para sa atin."

"Ano bang pinagsasabi mo."

"Alam ko na ang totoong dahilan ng pag-alis mo. Eunha told me about Cheska threatening you and I discovered that Cheska blackmailed you before. Rain bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi ka nanatili at lumaban?" May hinanakit sa boses ni Jungkook habang nagsasalita.

"Alam mo na ang sagot diyan Jungkook. Pwede kang makulong kung hindi ko piniling umalis. Mawawala sayo ang lahat at masisira ka. Ayokong mangyari sayo 'yun."

Natahimik siya sa naging sagot ko. Pero ilang sandali lang ang katahimikan na bumalot sa amin at muli na naman siyang nagsalita.

"Bakit mas pinili mong lumayo? Pwede mo namang sabihin sa akin ang tungkol sa pambabanta ni Cheska sa buhay ni JC. I can put her behind the bars and make you and JC safe. Hindi mo naman kailangang matakot."

"At anong mangyayari? Patuloy mo akong gagamitin at lolokohin? I had enough Jungkook!" I snapped and faced him.

Nakita kong naguluhan si Jungkook sa sinabi ko.

"I don't understand you..." Nakakunot ang noong saad niya.

"I heard you before talking to Eunha..."

Biglang nag-flashback sa isip ko ang sinabi niya;

"...Eunha? Na kaya ko lang siya pinag-stay dahil kay JC? Na hindi ko siya hinayaang umalis dahil maari ding umalis at mawala ang anak ko? Na ginamit ko lang siya para makasama ang anak ko? Na hinayaan ko lang siyang manatili para manatili at maging akin ang anak ko?..."

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now