SPECIAL CHAPTER 01

600 10 0
                                    

SPECIAL CHAPTER 01💐





NAGTATAKA ang miyembro ng BTS ng sinabi ni Jungkook na may ipapakilala daw siyang 'someone special' niya.

"Did he already got a girlfriend?" Sa isip-isip ng anim habang hinihintay si Jungkook kasama ang kanyang 'someone special'.

Hindi sila mapakaling lahat at pare-parehong kinakabahan. Hindi naman iponagbabawal ng kompanya nilang magkaroon ng girlfriend pero siyempre ay nag-iingat lang sila lalo pa't sikat na sikat na sila at padami na ng padami na ang mga fans nila na maaaring mag-selos at mam-bash o ang mas malala pa ay ang mang-harass sa oras na may maipakilala silang girlfriend nila.

Kaya hindi nila mapigilang kabahan kay Jungkook lalo pa't ito ang bunso nila at tinuturing na 'Golden Maknae' ng grupo nila.

"Hyung, kinakabahan ako." Hindi mapigilang magsalita ni Jimin na hindi talaga mapakali sa kaharap niyang si RM.

"Ako nga din Hyung, pa-suspense namin kasi si Jungkookie at may pa-'someone-special' pang nalalaman." Hindi na din mapigilang sabat ni V na karga-karga si Yeontan at pinaglalaruan ang makapal na balahibo nito.

"Hintayin na lang natin si Jungkook. Malapit na naman daw siya." Parang balewala lang na saad ng leader nila na si RM pero deep inside ay kinakabahan din talaga siya.

"Pero hindi ba talaga kayo nagtataka kung sino 'yang 'someone special' ni Jungkook? May napapansin ba kayong babaeng malapit sa kanya o madalas niyang kasama?" Sumali na din sa usapan si Jhope na talagang sobra ang pag-aalala kay Jungkook dahil masyado itong close sa kanya.

"Malay niyo aso lang pala ang tinutukoy niyang 'someone special'. Wag kayong paranoid. Kilala niyo naman si Jungkook diba? Mahilig yun sa pa-suspense tapos madi-disappoint lang din tayo pag andyan na." Hindi na nakatiis na sabat ni Suga. Hindi kasi siya sanay na ganito ang atmospera ng pag-uusap nila ng members niya. Kinakabahan man siya ay mas pinili nalang niyang tumuon sa positibong panig.

"May point ka Yoongi." Sambit naman ni Jin na pinaglalaruan ang BT21 character niya na si RJ. Gayunpaman ay kinakabahan din siya.

Ilang minuto pa ang pag-aantay na ginawa nila hanggang sa tumunog ang selpon ni RM hudyat na mayroong tumatawag.

"It's JK..." Pagbibigay alam niya sa mga miyembro niya.

Nagsilapitan naman ang lahat sa kaniya upang marinig ang sasabihin ni Jungkook.

"Hello, RM-hyung?"

"Bakit Jungkook?"

"Medyo matatagalan pa kami ng konting-konti lang naman. Dumaan pa kasi kami ng grocery kasi may nagpabili siya ng chocolates. Pwede pa ba kayong maghintay ng konting-konti lang?"

"Okay lang Jungkook."

"Sige RM-hyung, ibababa ko na 'to at baka kinuha na nun 'yung lahat ng chocolates na tinda dito. Babye."

At tumunog ang selpon hudyat na pinatay na nito ang tawag. Lulugo-lugong bumalik sa kinauupuan nila dati ang myembro ng BTS.

"ASO? May aso bang nagpapabili ng chocolates?" Nagtatakang saad ni Jimin.

Napakamot naman ng ulo si Suga. Mukha atang tama ang hinala ng mga miyembro niya. Mukhang tao at babae talaga ang tinutukoy na 'someone special' ni Jungkook.

"Hindi kaya mahilig lang talaga sa chocolates ang aso niya. Malay niyo, sosyal yung breed nung binili niyang aso." Kibit-balikat na pahayag ni Taehyung.

"Kung saan-saan na nakakarating ang imahinasyon mo Taehyung. Maglaro na nga lang kayo niyang aso mo." Nayayamot na sabi ni Jimin at lumabi lang si Taehyung bilang tugon.

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now