CHAPTER 2

75.4K 3.3K 2.8K
                                    


Malakas ang ulan ngayon at mabuti na lamang nakasakay agad ako ng jeep bago pa man magsimula ang ulan at nasa gitnang pwesto ako dahil ako lang naman ang sakay.

I am waiting for a new passenger para i-pasa ko ang bayad ko dahil tinatamad akong dumasog nang huminto ang jeep at sumakay si Parker na basang-basa at nasa dulo siya.

Kinuha ko agad ang bayad ko at hinintay siyang mag-abot sa akin ngunit hindi niya ginawa imbes ay pumunta siya sa likod ng driver at nagbayad and he looked at me waiting for me to pass my fare so I did.

"S-Salamat."

Umandar na ulit ang jeep ngunit hindi pa 'rin tumititigil ang ulan kaya nilabas ko na ang payong ko at nang huminto ang jeep ay pinauna niya ako at napansin kong wala siyang payong.

"Gusto mong sumabay?" I asked him. "Malayo pa lalakadin eh."

"I'll hold it for us." He took my umbrella and nababasa pa 'rin ng konti ang kanyang shoulder dahil mas sinisilungan niya ako.

"Nababasa naman balikat mo eh medyo tuyo naman na sayang naman."

"It's okay." He said and he was just looking infront of him at pag kinakausap ko alng siya tumitingin sa akin.

"Anong balak mong course?" I asked him.

"Engineering, you?" He's looking at me at sobra akong naiilang dahil grabe siya tumingin nakaka-intimidate kasi sobrang gwapo niya.

"Tourism." I answered and smiled.

"But you're in HUMSS?"

"Eh mahina ako sa mga numbers eh kaya matic na hindi ko kakayanin STEM at ABM."

"Wala namang madaling strand." He said. "But it's still your choice."

"By the way paano mong nalaman na HUMSS student ako?" I asked and he looked back infront of him again.

"Your adviser is our Oral Com teacher."

"Ohh tinanong mo ko sa kanya?" Shocks nakakahiya ang tanong ko parang ang kapal ng mukha ko.

"No, but he saw us talking when you gave me our change." He fixed my umbrella and gave it to me. "Thanks."

"Welcome." I smiled at him and he nod and started walking away. Ang pogi ng likod niya.

Mabilis akong naglakad papunta sa room namin at tumabi kay Gale. Kinikilig ako pakiramdam ko sobrang close na namin at ang raming studyante ang nakakita sa aming naglalakad na sabay.

"Problema mong babae ka?" She asked.

"Magkasabay kaming naglakad kanina ni Parker grabe sobrang kinikilig ako!"

"Oh anong pinag-usapan niyo?"

"About courses."

"Putangina kailan ka pag nagka-pake sa ganyan?" She asked and she's amused.

"Whatever." Our Oral Com teacher came in at nagsimula na ang klase grabe hindi mawala sa isip ko yung nangyari kanina sana laging umulan at hindi siya makapagdala ng payong.

Tiningnan ko ang payong ko at parang gusto ko itong sambahin pero wag nalang.

Our Oral com teacher kept on teaching while I can't help but to think about me and Parker. Grabe magkaka pag-asa kaya ako sa kanya? Ligawan ko kaya siya? Wala ng gender-gender ang mahalaga maging boyfriend ko siya.

Anong klase kaya siyang boyfriend? Feeling ko napaka-caring niya tapos lagi akong papaalalahanan na magreview tapos tuturuan niya ako bago mag-exam grabe kahit wala akong hilig sa pag-aaral baka mahilig ako bigla pagdating sa kanya.

Sailing Above the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon