CHAPTER 10

54.2K 2.6K 1.5K
                                    

"Ang tagal mo." My eyes widened nang maabutan ko si Parker sa labas ng room at mukhang hinihintay ako. "Give me your books."

He took my books at kumunot ang aking noo dahil sa kanyang ginagawa? Nung nag Carron kami matapos niyang sabihin na gusto niya ako ay umuwi na kami hangang sa pag-uwi ay 'Bye' nalang ang nasabi namin sa isa't isa.

Naglakad kami papunta sa library habang siya ay diretso lang ang tingin hangang sa makapasok kami sa library at maupo.

"I know that you two will be here!" I looked at Wendy and Daisy at naupo si Wendy sa tabi ni Parker habang sila Alec naman ay sa tapat namin.

"We're here to study too." Wendy said and smiled at me. "Do you want us to teach you too? You know para mabawi yung zero mo dahil sa cheating?"

She really emphasized the word cheating and I just wanna roll my eyes but friend siya ni Parker kaya dapat lang akong magbehave.

"Hindi na salamat nalang." I said and looked at the problem at my paper.

"Ohh diyan pa lang kayong mga HUMSS? Gosh apaka dali lang niyan bat kayo stucked diyan?" Daisy laughed a little and I just looked at my paper.

"Magkaiba kasi tayo ng mga teacher." Alec explained while scrolling at his phone.

"Kahit na core subject kaya yan." Daisy said. "Baka kasi nasa mga studyante ang problema-"

"Eloisa, come on i'll take you home." He guided me to stand up.

"What? Parker we still have something to discuss." Wendy said. "Kagroup ko kayo ni Zayne sa UCSP right? You'll ditch us?"

Parker looked at me and I just nod. "Hihintayin kita."

"Aalis ka?"

"Oo andoon naman si Gale sa labas." Kinuha ko ang mga gamit ko at nagpaalam sa kanila.

While I was walking biglang nagbeep ang phone ko 'Don't go home alone, sasabayan kita.'

Hindi na ako nagreply sa totoo lang wala na talaga si Gale eh kaya naman naupo na lang ako sa waiting shed ng school at doon nag-abang.

Mga ilang minuto ang lumipas may dalawang STEM students ang naupo malapit sa akin at nag-uusap silang.

"Grabe nakakainggit talaga sila Parker at Wendy noh? Ang sweet nila." The girl said.

"True! Kung magkakajowa akong mala Parker jusko day! Hindi ko na papakawalan yon." The guy said and I think he's gay.

Umalis din sila nang dumating na ang sundo nila at ako ay naghintay lamang hangang mag 6:00PM na at pumapadyak ako upang hindi ako makagat ng lamok dahil nakaskirt ako.

I stood up when I saw them coming and my eyes widened when Wendy kissed Parker at his cheek and mukhang nagulat si Parker.

"Eloisa!" Daisy called me when I was about to walk out.

I looked at her and smiled. "Come on and celebrate with us! Umamin na si Wendy kay Parker!"

"A-Ahh talaga? C-Congrats." Parker is looking at me and I bit my lower lip. "Una na ako? Baka pagalitan na ako ni Dad eh."

I walked out while trying to stop myself from crying and wala akong nagawa nang tumulo ang isang luha sa aking mata at agad ko itong pinahid.

"I told you sabay tayo." Parker hold my wrist and pulled me hangang sa makarating kami sa sakayan ng jeep.

"P-Parker."

"What?"

"She likes you." I said and bit my lower lip while looking at him.

"So?"

"S-She's pretty, nice, and most specially she's intelligent." I whispered the last word and hold my skirt tight.

"She maybe pretty, nice, and intelligent but she's not Eloisa Andrada Hernandez." He hold my hand when a jeep came and pinauna niya akong sumakay at tumabi siya sa akin.

Agad siyang nag-abot ng bayad namin habang ako ay hindi ko mapigilan ang kilig ko.

"Tomorrow's my Mom's birthday, I want you there." He said and I looked at him. "Susunduin kita bago magstart ang party."

"H-Huh? Wag na baliw!"

"I insist and invite your Dad too."

"Sige!" He smiled and messed my hair.

"I know that you're comparing yourself to Wendy so stop it, you are who you are and not a fucking strand can change it." He said that at bumaba na siya tsaka ako inalalayang bumaba. "Stop being jealous at her okay?"

"S-Sige." Damn it! Bat ka ganyan Parker Shan?

Nang makarating kami sa tapat ng gate namin ay tiningnan ko ang loob at wala si Dad dahil wala pa ang mga kotse.

"Wait for my call, Goodnight." He came close to me and kissed me at my forehead making me blush. Damn! "Hihintayin muna kitang pumasok bago ako umuwi."

"G-Goodnight." Naglakad ako ng mabagal at hindi ko mapigilan ang kilig ko shet! Pumasok na ako sa gate at napasandal sa gate dahil sa sobrang kilig.

Binuksan ko muli ang gate at nakita ko siyang naglalakad na ngunit hindi pa naman siya malayo.

"Parker!" The moment he looked back at me I instantly hugged him and he chuckled and hugged me back. "Thank you for being part of my life."

"Thank you for being part of my life too, my angel." My brows furrowed. "What?"

"Why are you calling me angel?"

"Because you're my angel no need for more questions." He said at pinitik niya ang noo ko habang nakayakap pa ako sa kanya.

"Hey, kids! Uwi na!" Nanlaki ang mata ko nang makita si Dad na natatawa at pulang-pula ako.

"Good evening po, Mayor." Umayos kami ni Parker at mukhang nahiya siya.

"Gusto kong makita ka sa harap ng hapag-kainan namin sa Sabado, Aquino!" Dad shouted hangang sa makapasok na ang kotse.

"Good night na ulit." He smiled and nginitian niya lang ako.

"Pumasok ka na muna." Ngumiti ako at naglakad na palayo at bago ako pumasok ay lumingon muli ako at nagwave sa kanya.

"Eloisa, pasok na." I looked at Dad and pumasok na ako sa loob.

Kinabukasan ay hindi na ako naturuan ni Parker dahil kailangan na daw agad siya sa bahay dahil aayusan pa siya dahil bongga pala magbirthday ang Mama niya at andoon ang Papa niya.

Inaayos ko na sana ang dress ko nang biglang magchat sa akin si Gale at sinendan ako ng picture ni Wendy na ang sexy ng damit at nagchat sa akin si Gale na sinasabing wag ako magpapatalo.

Off shoulder kasi ang dress ko na 'to at napatingin ako sa bigay sa akin ni Mom na mini satin dress na rose gold.

Sinuot ko iyon at nagsuot ng white na heels at tiningnan ang aking sarili sa salamin at grabe ang exposed ko sobrang sexy ng suot ko.

I wore some accessories at nang lumabas ako at makita ni Dad ay napabalik ako sa kwarto at pinagsuot ng mas matino daw na damit kaya naman nag dark red lace dress na off shoulder na lamang ako at black heels tsaka hindi ko na inalis ang mga accessories ko kanina.

"That's more like it, andoon na sa labas si Parker nakapark kotse niya sa parking." He said while emphasizing the word park.

I rolled my eyes at Dad. "Haha funny Dad last mo na 'yan! Sumunod ka ah?"

Lumabas ako at nakita ko si Parker na nakablack americana at black na long sleeves na turtle neck pangloob. Tangina kailan ba 'to magiging panget?

I looked at his gold necklace na may 'Shan' na pendant.

"You look so gorgeous." He said and inalalayan ako papasok sa loob ng kotse.

Nang makapasok siya ay doon ko lang talaga narealize na sobrang gwapo niya talaga. "Parker ang pogi mo."

He chuckled and pinitik ang noo ko.

"You're gonna meet my Dad okay?"

Sailing Above the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon