CHAPTER 3

68.4K 3.3K 3.1K
                                    


"Lakarin nalang natin, hapon naman na hindi naman na mainit." Alec said and my brows furrowed.

"That's not possible, bro. Nakaheels sila." Parker said dahil yung hinto ng jeep ay malayo sa mismong Plaza kailangan pa naming maglakad o magtrycicle.

"Edi pasan mo si Wendy!" Tumawa si Zayne habang ako naman ay palihim na nainis at si Gale ay kinurot ako ng bahagya.

"Bakla ka, halata ka." She laughed and I tried to maintain my posture at parang kinilig naman si Wendy tapos natingin sa akin si Parker kaya umiwas na lamang ako ng tingin.

"Magtrycicle na tayo, dalawang trycicle?" Alec asked and we all nod, pinasakay nila kaming apat na babae sa loob at si Alec naman ay nakala Daisy at nasa likod naman ng amin si Parker.

Nang makarating kami sa plaza ay magbabayad pa lamang kami ni Gale nang biglang maunang magbayad na si Parker at binayad niya na kaming lahat kaya tuwang-tuwa itong kaibigan ko.

"Gentleman na pogi pa wag mo nang papakawalan yan." Bulong sa akin ni Gale. "Ay hindi nga pala sayo, sad."

"Oh shut up." I said and nilagpasan ko siya at nang makarating kami sa mga stalls ng plaza ay dumiretso agad kami ni Gale sa ihawan at ganoon din sila.

"Ate bale apat na isaw 'to, apat na rings, tsaka apat din na barbecue." Sambit ni Gale at tumango naman ang babae.

Nang maupo kami sa lamesa ay nag-uusap sila tungkol sa mga subject sa strand nila kaya hindi kami makarelate ni Gale eh sabagay wala namang pake si Gale nagp-phone lang naman siya.

Nilapag nung babae sa harap namin yung pagkain at mayroon na din sila pero sa ibang ihawan naman. Nagsimula na kaming kumain nang may mapansin akong mga nagkukumpulan at may mga camera.

Wait, Dad is here? Nagtagpo ang aming mga tingin at lumapit siya sa amin at ngumiti sa kanya si Wendy.

"Good afternoon po, Mayor." Wendy said at ganoon din sila Parker.

"Good afternoon, Tito." Gale said and Dad smiled at her.

"Iwan niyo muna kami." Dad said to his people at naiwan kaming kasama si Dad. "Are they your friends Eloisa?"

"Yes, Dad." Except for the guy with the blue eyes and blue bag he's your future in law.

"They're top students at your school it's good for you to hangout with them!" Dad commented. "You should hangout with my daughter more often."

"Oh Mayor, madali naman po siyang pakisamahan ang bait niya po tapos walang arte sa katawan." Wendy said while smiling.

"Oh magkakaroon ng sayawan nga pala dito bukas gusto ko kumpleto kayong lahat ah?" Dad said and Daisy immediately nod.

"Nako masaya po yan, Mayor!" Daisy looks so happy. "Okay lang po ba kahit tiga ibang bayan ako?"

"Nako walang problema yan pwedeng-pwede kayong lahat dito!" Tumayo si Dad at tiningnan ako. "Pagkatapos nito diretso uwi agad kayo ah? Lalo ka na Eloisa Andrada, mauna na ako."

"Sige po, Mayor." Nagpaalam sila at gumawi ang tingin sa akin ni Daisy.

"Grabe ang pogi parin ng Tatay mo!" She said and I just shrugged and ate.

"I want some drinks, Parker." Wendy told Parker and Parker's brows furrowed. "Samahan mo ko please?"

Parker nod and they both stood up tsaka naglakad papunta sa tindahan ng drinks.

"Girl ang ganda nitong hair color." Akala ko picture talaga ipapakita sa akin ni Gale pero yung notes niya pala sa phone na nakalagay 'Gaga ka wag ka magpatalo'.

Sailing Above the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon