CHAPTER 19

48.3K 1.9K 742
                                    



Lumipas ang mga araw at linggo hangang sa kinabukasan ay birthday na ni Parker at aligagang-aligaga ako sa kung ano ang mga dapat kong gawin. March 20 na bukas pero wala parin talaga akong naiisip na ibibigay sa kanya eh.

"Ibigay mo ang bataan." Sabi ni Gale habang may kachat na naman sa phone niya at si Ken yon. Nagkakamabutihan na silang dalawa, boto naman na ako dahil pareho naman naming kilala ng matagal na si Ken at sigurado naman akong hindi niya kakayaning saktan si Gale.

"Wala kang kwenta." Sumagi na din sa isip ko ang suggestion ni Gale eh pag ginawa naman namin yon parang ako naregaluhan hindi siya eh.

"Bigyan mo ng sapatos mahihilig mga lalake don."

"Baka takbuhan ako." I said and she rolled her eyes.

"Bataan nalang talaga ibigay mo." Na-upo ako sa aking kama at nag-isip na ng regalo. "May party ba?"

"Wala daw, bibigyan daw kasi siya ng isa pang kotse ng Tatay niya ewan ko kung ano ibibigay ng Mama niya." Tumango siya at nag-isip muli ako "Paano kaya kung ibigay ko sa kanya relo?"

Napatingin siya sa akin at kumunot ang kanyang noo. "Relo? Bakit naman relo? Ano? Rolex?"

"Oo, Rolex basta secret ko na yon tsaka yoon pumasok sa isip ko eh." Tumango siya at tumingin kami sa online ng mga magagandang relo hangang sa may mapili akong sigurado akong babagay kay Parker.

Susunduin ako ngayon ni Parker dahil nag-aya akong manuod kami ng sine at nang dumating siya ay bumaba na ako. Naka simpleng black na hoodie lang siya at lumapit ako sa kanya tsaka yumakap.

"Arbor ng hoodie."

He chuckled and gave me a kiss at my forehead. "Ang dami mo ng hoodie ko but sige."

Sumakay na kami sa kanyang kotse. "Ano ibibigay sayong kotse?"

"BMW." He simply said and focused at the road. "Ikaw anong regalo mo sa akin?"

"Katawan ko." He glared at me and I laughed. "Secret muna!"

He nod and nang makarating kami sa harap ng mall ay bumaba na kami at dumiretso na agad sa sinehan. Naka high waisted pants at crop top na orange shirt lang ako at sigurado akong giginawin ako sa sine.

Wala pa man din sa gitna ng palabas ay hindi pa naman ako nakakaramdam ng masyadong ginaw hinubad na ni Parker ang hoodie niya at sinuot sa akin.

Sinuot niya ang hood sa akin at sinamaan ko siya ng tingin tsaka tinanggal 'yon.

He was holding my hand the whole time we're watching at kung minsan pag naka-focus na ako ay guguluhin niya ako.

"Parker, hindi ko magets."

I said and he laughed. "That girl who acted as his lawyer is actually the mother of the victim."

My eyes widened and he laughed a bit. "So ibig sabihin hindi sila ang pumatay sa babaeng kasama nung guy?"

"Yeah, and the guy who died... buhay pa talaga siya bago itulak ang car kung nasaan siya. Hindi mo ba naintindihan?"

Sailing Above the CloudsWhere stories live. Discover now