Drei

44 8 0
                                    

Chapter 3

"Guten Morgen"  bati sa amin ng flight attendant pagkababa ng eroplano.

Namangha agad ako sa ganda ng lugar. Hindi ko pa man alam kung nasaan kami pero alam na alam ko nang magugustuhan ko 'tong lugar na 'to. Nakakalma ang paligid, makikita ang katahimikan ng lugar.

Willkommen in der stadt Hallstat, Austria

Basa ko sa sign board pagkalabas ng terminal. Hindi ko maintindihan ang sinabi kanina sa amin ng flight attendant tsaka itong nakalagay.

I walked beside Claire, halata ang pagkaantok sa mukha niya. Kakagising lang namin, actually kaya para kaming mga ewan.

"Welcome to the town of Hallstat, Austria" nakangiting saad ni Alfonso habang nakatingin sa sign board

"Do you know how to translate that?" nagtataka kong tanong sa kanya

"Nag-aral ako before ng deutch, it's a german language kaya kahit papaano may alam ko" simple niyang sagot.

"Guten Morgen means Good morning. If you meet someone and will greet them, just say Hallo it means hi or hello" dagdag niya

I just nodded from what he was saying. Kaunti pala yung kaalaman niya ha.

"We'll go directly  to your Kuya's house.  I don't know if he's there but I hope." baling sa amin ni Daddy

"Kuya Emil's here?" gulat na tanong ko sa kanya

"Yes sweety. You're going to see your brother after a long time"

Hindi napawi ang ngiti sa mukha ko habang naglalakad kami papuntang sasakyan. Naghalo-halo na ang saya at excitement na makita at makasama ulit si Kuya. I don't know how long we didn't see each other but I hope he still remember me.

Naging tahimik ang byahe namin papunta ng bahay ni Kuya. Magkatabi kaming tatlo sa pangalawang row ng van na sinasakyan namin.

Tumigil kami sa isang vintage house. It's probably the theme of the houses here. Pumasok ang sasakyan sa gate at dinala naman kami nito sa harap ng bahay.

Agad akong bumaba at tinignan ang kabuuan. Nakakapagtaka na lalaki ang nakatira rito. Sobrang ayos at ang ganda ng paligid. Pagpasok ay puro halaman agad ang magkikita. Nakakakalma ang paligid.

"Sir Emil isn't around. He's staying in his penthouse" saad agad ng katulong na bumungad sa amin

"When he will go home?" maagap na tanong ni Daddy

"I don't know, Sir. He's so busy" sagot naman niya

"You guys will stay here. We, your dads have something to do to our business." baling naman sa amin ni Daddy. "Just wait for your brother, i'll message me so he will come over" dagdag niya pa bago ako halikan sa noo.

Nagpaalam lang sandali sa amin sila daddy bago umalis. Naiwan kami nila Alfonso at Claire sa bahay.

Dumeretso na lang ako sa kwarto na nakalaan para sa akin. Magkasama kami ni Claire sa iisang kwarto. Pinahinga ko agad ang katawan ko.

Nakatulog ako nang mahambing. Pagkagising ay magdidilim na kaya bumaba ako para tignan kung ano ang mga ginagawa nila.

"Gising na pala ang ating sleeping beauty" bati agad ni Claire na nakaupo sa couch sa sala

"Sleeping lang walang beauty" pagtatama ni Alfonso pero may halong pang-aasar

Inirapan ko lang siya at dumeretso ng kusina para kumuha ng maiinom. Kumuha lang ako ng tubig at binalik din ang lagayan. Pagbaling ko ay laking gulat ko naman nang makitang nakaupo sa island counter sila Alfonso at Claire

Portrait behind barsWhere stories live. Discover now