Fünf

30 7 0
                                    

Chapter 5

It's been a week since we stayed here. Hindi pa rin nagpapakita sa akin si Kuya Emil and I don't know what's going with my Dad's business.

Hindi naman ako kinulit ni Claire at Alfonso and it's a good thing. I just stay at home since wala naman kaming masyadong pinagkakaabalahan.

I tried to search some best places and I found many. Hindi ko naman maaya yung dalawa because I know mga tamad din yun lalo na kapag hindi nila trip yung gagawin o pupuntahan.

Tanging ang terrace ng kwartong pinaglalagian ko ang naging tambayan ko for the last days. I decided to took some photos to be posted at my Instagram account.

I put my feet on the top of the railings and angled my arms to took a photo going above. I'm satisfied with my first shot, it's a silhouette.

meowna
Stuck in a beautiful place but nothing to do, it sucks!

Then I posted it.

After a while, sunod-sunod na ang mga notification galing sa mga kaibigan ko. Itong mga 'to inaabangan lang talaga mga post ko para mang-asar.

itsmeclaire
kaunti na lang, iisipin kong 'yang terrace na yan na ang bahay mo

masterkyle
kausapin mo na raw si papi fonsi

AdriaNotaids
tama yan lods

Habang natatawa sa mga kakulitan nila ay nagulat naman ako ng biglang sumulpot doon si Alfonso na halatang iritado sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan namin. Halos naririnig ko na ang boses niya sa reply niya sa comments.

Li'l Fonsi
Mabilis pa naman akong makalimot, baka makalimot kong kaibigan ko pa kayo, Kyle at Adrian

masterkyle
'wag ganun papi, laham ka namin mwaaa

AdriaNotaids
kadiri kyle pero tatahimik na kami lods, sasabog na ang bulkang pinatubo mo jan sa puso mo

Kung ano-ano pang mga asaran ang ginawa nila. Porket alam nilang matalik kaming magkaaway ni Alfonso ay ganun na lang sila kung asarin kami. Para matigil na sila at sumagot na ako.

meowna
mama,,,, si budang oh!! nanggugulo, nagpicture lang ako rito oh

Natatawa naman ako pagkapindot ng reply button. Ewan biglang pumasok sa isip ko yun.

itsmeclaire
kinabahan ako bigla ah, parang ayaw ko nang tumabi sayo

meowna
Ikaw Claire, manahimik ka jan. Paakyatin mo si Alfonso rito, mag-uusap kami.

Li'l Fonsi
Kakausapin na lang ako kailangan pang iutos, kusa naman akong pupunta jan basta ikaw

masterkyle
oh!!!! I love the spirit

AdriaNotaids
iba ka talaga lods. para ka tuloy isda, lunod na lunod

Li'l Fonsi
Panget ng banat mo, hindi nalulunod ang isda. Tungaw!

AdriaNotaids
Nabago na lods, may hindi raw kasi nakapag-swimming lesson kaya yun nalunod.

Napailing na lang ako sa mga sagutan nila. Napupuno ang comment section ng post ng mga sagutan nila. Kabahan talaga sila kapag naging sila, charing.

Nagbibiro lang naman ako nang sabihin kong pumunta si Alfonso sa kwarto pero nagulat na lang ng dumeretso sa terrace kung nasaan ako. Umupo siya sa tabi ko na para bang wala lang sa kanya ang presensya ko.

Portrait behind barsWhere stories live. Discover now