Dreizehn

20 2 0
                                    

Chapter 13

"Tangadan falls is located in San Gabriel, La Union. It is one of  ten wonderfull waterfalls in town. It is a two-tier cascade along Baroro River with cold water emanating from the hinterland of the province adjacent to the Cordillera Mountain Range." saad niya sa akin

We both decided to have our road trip here. We checked out from the resort and planned according to his itinerary. Nang maisipan naming gawin 'to ay agad agad naman ang naging pagkilos niya na akala mo bata na dadalhin sa isang amusement park 

"Nag-search ka talaga sa lugar na 'to ha" natatawa kong saad sa kanya

"Syempre, plus points din yun lalo na ako nag-ayang mag-La Union tayo"

Natawa naman ako sa isipan niyang iyon. Para talaga siyang ewan but honestly, natutuwa akong makitang sinusubukan niya ang lahat ng bagay mapasaya lang ako.

"Did you know that...?" napabaling naman ako sa saad niya

"The lower cascade of Tangadan Falls is its main icon, towering at around 50 feet and width of about 100 feet, it has a deep natural catch basin perfect for quick dip." dagdag niya pa

"Did you know that you should put 'According to google' o ano mang site yang pinagkunan mo para legit" nakakrus na mga brasong saad ko

"Alam na alam mo talaga kung paano mambara. Wala talagang maliit na hindi nakakapuwing" iritado niyang saad

"Ah pumapalag ka na"

"Hindi po retsam"

"Good, ganyan ang atabs ko" natatawa kong saad sa kanya.

Nagtungo na kami sa falls na sinasabi niya. Habang naglalakad ay maririnig ang mga lagaslas ng tubig na nanggagaling sa falls. May mga iilang nagpi-picnic at ang karamihan ay nagsisitalunan at naliligo sa falls.

"Are you afraid of heights?" baling sa akin ng kasama ko

"Sakto lang naman" saad ko

"Try natin yung cliff doon" sabay turo niya sa isang cliff

Kinabahan naman ako roon. Hindi naman ako sanay na sa mga cliffs na yan. Actually, I barely went out every vacation kasi sila mommy ang nagpaplano ng mga gagawin namin o kaya naman ay kung saan niya ako papapuntahin.

"Bakit bigla kang namutla?" sabay tigil niya

"Ah wala, hindi lang ako sanay sa cliff" saad ko naman

"Do you still want to try?"

"Yeah, of course. Let's go"

Wala na nga siyang nagawa nang hatakin ko siya. Puno nang kaba ang dibdib ko habang palapit kami nang palapit sa cliff. Karamihan nang naroon ay kalalakihan ngunit may iilang nangangahas na kababaihan tulad ko. May nag-aassist din doon para mabantayan ang mga taong gusto sumubok.

"Sabay na tayo tumalon" nakangiting saad niya

Inabot niya ang kamay ko na nanginginig. Napatingin naman ako sa kanya nang titigan niya ang mga kamay naming magkahawak.

"Don't be afraid, you're safe when you are with me. I'll be your masterpiece who's with you always"

Nakaramdam naman ako nang paggaan sa kalooban ko sa mga binitawan niyang salita. Bumilang lang kami ng tatlo bago sabay na tumalon. Patusok kaming bumagsak sa malinaw na katubigan. Minulat ko ang aking mata habang nasa tubig. Kitang kita kung gaano iyon kalinaw.

Ilang sandali lang kami nagtagal sa ilalim at umangat na agad para kumuha ng hangin. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko hanggang sa umangat kami. Sinalubong ako ng matatamis niyang ngiti.

Portrait behind barsWhere stories live. Discover now