Vier

30 8 0
                                    

Chapter 4

"Akin na kasi"

"Apakadamot mo, titignan lang eh"

Kanina pang paggising ko kami nagbabangayan ni Claire dahil pinipilit niyang kuhanin ang cellphone ko. Titignan niya lang daw yung mga pictures sa museum.

"Bakit kasi hindi ka na lang sumama?" pagtataray ko sa kanya

"Duh! Need niyo ng quality time, eeksena pa ako" saad niya naman

Napairap na lang ako sa kanya bago ako tumayo sa higaan ko. Hinarap ko muna siya sandali.

"Kung ano-ano kasi yang inassume mo, tignan mo sa huli ikaw yang masasaktan kakaasa" singhal ko bago siya tuluyang iwanan.

Ginawa ko na ang morning routine ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Naabutan ko naman silang dalawa na nag-aalmusal na. Wala na sila daddy dahil may aasikasuhin sila.

I thought business meeting lang ang pinunta nila pero mukhang mapapatagal talaga kami rito. Wala kaming imik habang kumakain sa habag. Tanging mga kubyertos lang ang maririnig na ingay.

Naunang natapos kumain si Alfonso kaya bumalik na siya sa kwartong tinutuluyan niya. Naiwan naman kami ni Claire pero hindi pa rin nagpapansinan.

Natapos kaming kumain at nauna akong bumalik sa kwarto para mag-shower. Wala naman silang binabalak na gawin ngayon, wala rin naman akong idea sa mga lugar na narito.

I get my art materials after I took a bath. Sa terrace ulit ako tumambay para mag-paint. I looked at the surroundint and think for what should I paint.

I decided to paint the night where Alfonso waited for me to finished my work. I mixed the colors I needed. Mabuti na lang at primary colors ang dala ko dahil madali akong makakapaghalo ng mga kulay.

"Ganda ng view" nagitla naman ako sa biglang nagsalita

Na-conscious naman ako bigla kaya naitago ko ang ginagawa ko. Napapikit ako sa isipan na hindi pa iyon tuyo at kakalat ang paint.

"Itinago mo pa eh kanina ko pa nakita" bulalas niya pa ulit

"Epal mo" sagot ko

"Gwapo maman"

"Kapal"

Natawa lang siya at kinukuha sa likuran ko. Pilit ko namang inilalayo sa kanya at pilit naman niyang inaabot. Napasandal na kami sa railings ng terrace at ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.

"Omayghad!!" bulalas ni Claire

Napalingon kami sa kanya bigla. Napaayos naman kami ng tayong dalawa. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Claire, he's-"

"It's okay I understand just continue what you are doing" nakangiti niyang saad at tinalikuran kami.

"Napaka mo kasi" iritado kong saad at umalis na sa harapan niya

"Napaka ano?" nakangisi niyang tanong

"Napakapanget mo"

"Pero gusto mo naman"

Inirapan ko muna siya baka tumayo ng maayos sa harapan niya.

"Gising na hoy, tutulog-tulog ka sa kangkungan. Masyadong mataas pangarap mo ha"

"Kung ikaw ba naman ang pangarap, kahit gaanong kaliit mo pa masyado kang mataas para abutin" saad niya bago ako talikuran

Natameme naman ako sa sinabi niya. Nawindang ako bigla sa hindi malamang dahilan. Nakakalito man ang mga kinikilos niya ayoko pa ring bigyan kahulugan.

Portrait behind barsWhere stories live. Discover now