Sieben

21 4 0
                                    

Chapter 7

More days had passed, I'm always with my brother. We went out sometimes but mostly sinasamahan niya ako mag-paint ng kung ano-ano.

"You should try different style. Why not make some portraits, like your idols or our family" suhestyon ni Kuya

"I don't know if I can. Beginner pa lang ako Kuya." pagtutol ko naman

"Just try it. Wala namang mawawala, sagot ko na art materials"

"Pinakamagandang narinig ko yan" at sabay kaming natawa.

Honeslty, ang hirap kapag wala kang pera and you really wanted to paint or do some arts. Ang mahal pa naman ng mga materials, nakakapanghinayang kapag nasasayang dahil sa mga maling nagagawa.

"I'll support you sa lahat ng gusto mong gawin" nakangiti niyang saad

"Thank you, Kuya. You're the best!"

"Go and change. We're going to find some art materials for you to practice doing some portraits." nakangiti niyang saad

Sinunod ko naman ang gusto niya. Nagpalit lang ako sandali ng damit ko at lumabas na ng kwarto. Naabutan ko naman siyang hinihintay ako habang nakaupo sa hood ng kotse niya.

He really looks so manly with his simple awra. Hindi na rin ako magtataka kung marami na 'tong napaiyak na babae.

"Oh, ano na naman yang iniisip mo?" pag-uusisa niya pagkalapit ko

"May mga pinaiyak ka na bang babae?" tanong ko bigla

"Babae, wala. Lalaki, madami" nakangisi niyang saad.

"Bakla ka?" gulat na tanong ko

"Kung hindi kita kapatid, nabigwasan na kita"

Natawa na lang ako sa biglang sagot niya. Hindi ko na siya kinulit pa. Itinuon na niya ang sarili sa pagmamaneho.

Nakatanaw lang ako sa paligid na lagi kong gawain. Hindi matapos-tapos ang paghanga ko sa lugar na ito. Nagtaka naman ako nang makita ang mga nagtataasang mga gusali at ilang busy'ng mga taong naglalakad

"Where are we going?" bulalas na tanong ko kay Kuya

"Vienna. They have lots of art supplies aslo souvenirs to take home." he simply replied

"Vienna is really far from the life you saw in Hallstatt. They are living here with a great business unlike in Hallstatt, you will live with a beautiful nature but still you will love the whole Austria if you get time to know all the places" at bumaling siya sa akin sandali.

I just nodded and looked away.

After a long drive, we reached Vienna. It really looks away from Hallstatt. You can see the city vibes here. Busy people are roaming arounds entering each stores, buying some stuffs and eating in the famous restaurants here.

"Where do you want to go first?" saad ni Kuya

"I don't know anything here, so mind tour me around" nakangiting sagot ko

"Tour you around then"

Sabay kaming naglakad dalawa. Nakaakbay pa siya sa akin. I don't care what everyone thinks about us, hindi naman kami kilala ng mga tao rito and the fact is his my brother.

Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko habang nag-iikot kami ni Kuya. This is the thing we barely do when we are in the Philippines. Sobrang limited ng mga oras na magkasama kami, puro aral dito, aral doon, yun ang routine namin. When we got time to hangout, eeksena si mommy kaya nawawalan na kami ng oras.

Portrait behind barsWhere stories live. Discover now