Fünfzehn

16 2 0
                                    

Chapter 15

Nakarating kami sa lugar nila Nickie. Yung utak ko ay naiwan pa rin sa byahe. Ewan pero parang sobrang sakit na makitang wala na lang ako para sa kanya.

Ano yun, free trial? After 3 days wala na, magkano ba magpa-extend? Papa-extend ako hanggang lifetime.

Lifetime na para siguradong ako na hanggang dulo.

"Tulala ka na naman jan" sita sa akin ni Isobelle

"Oh tapos?" pagtataray ko

"Kaya ka iniiwan eh" bungisngis niya

"Anong connect?"

"Wala, parang kayo"

At tumawa pa sila ng malakas ni Claire. Napailing na lang ako sa mga kabaliwan nitong dalawa. Basta kapag asaran ako talaga agad ang inuuna nila.

"Hoy, ang tahimik mo" pansin ko kay Maine

"Wala, may iniisip lang" sagot niya naman

Maine is always a quite person, hindi ko alam kung bakit. Napakamisteryoso niya ring tao lalo na't hindi ko pa siya ganun kakilala. She's a type of person na gusto mo talagang kilalanin dahil napaka-intimidating, from her soft look and prim body. Ang talino niya rin, almost a total package.

"Oh she's here!" saad ni Claire

Nawala naman ako sa mga naglalaro sa isipan ko at napalingon sa sinabi ni Claire. I saw Nickie, she looks so demure. She's unlike the Nickie we knew the first time we saw her.

Ang laki ng pinagkaiba niya simula ng magkaroon siya amnesia. It is not the usual amnesia that everyone knows.
Dissociative Amnesia is a condition where the person will forget some important information of her or his life and to Nickie's case, she suffered from Dissociative Fugue where she forget her personal information, events of her life and many more, in short she had a great memory loss.

Naawa rin ako sa kanya because she supposed to enjoy her life. Being with her friends, have fun like that but not. Itinago ng family niya ang nangyari si kanya and also they gave new information to her which she know but that was a lie.

Patuloy ang mga usapan nila at kamusta. Nagtataka naman siya bakit kami narito.

"Ito kasing si Neil, nag-ayang umuwi tapos sabi pupuntahan ka raw niya edi gora kami agad" pagsisinungaling ko

"Bakit parang ayaw mo? Ikaw nga 'tong nauunang pumunta sa hotel namin tapos dala-dala mga gamit" pagsakay naman ni Neil sa sinabi ko

While we are talking some random stuffs. I heard some vehicle that's coming. Napatingin naman ako sa isang sasakyan na tumigil sa harapan ng gate sa itaas ng rest house nila Nickie. Bumukas ito at pumasok ang sasakyan.

"May iba pa ba tayong kasama?" bulong sa akin ni Isobelle

"I don't know, baka parents ni Nickie" and then I shrugged my shoulder.

Nagulat naman ako nang maglabasan ang mga taong sakay nun. My mouth parted when our eyes met. Agad naman siyang umiwas at bumaling sa mga kasama niya sabay deretso kay Neil.

"Akala ko hindi kayo makakapunta?" saad ni Neil

Nagtinginan naman silang apat at ngumisi pero si Alfonso ay walang reaksyon.

"Sus, kami pa ba? Nandito ang love of my life ni papi fonsi, papahuli ba kami?" saad ni Kyle

Tinusok naman ni Isobelle ang tagiliran ko. I feel my cheeks now are red. My lips formed a curve but washed away when I saw where Alfonso sitted. He sat beside Claire and comfortably talking with her.

Portrait behind barsWhere stories live. Discover now