Zwölf

15 2 0
                                    

Chapter 12

Para pa rin akong nasa ulap sa mga katagang binitawan niya kagabi. Hindi ko na nagawang sumagot sa sobrang bilis ng pangyayari. Ang tanging naalala ko na lang ay ang pagdampi ng mga labi niya sa noo ko.

Why I feel so special when a man kisses my forehead?

I woke up and get out of the bed with a smile. I silently walked beside him to wake him up para lumipat sa kama. Kita ko kung paano niya pilit na isinisiksik ang sarili sa maliit na couch. I don't know kung paano siya nakatulog sa nakabaluktot na katawan.

"Hey, wake up" mahinang tapik ko sa braso niya

"Hmmm" ungol niya

"Doon ka na sa kama humiga para ma-stretch mo yung katawan mo"

Bahagya naman siyang nagmulat at ngumiti sandali. Bumangon naman agad siya at naupo sandali.

"I'll prepare our breakfast. Mahiga ka na muna sa kama" nakangiti kong saad

Sumunod naman siya sa sinabi ko. Dumeretso na agad ako sa maliit na kusina ng kwarto at naghanap ng maluluto. Good thing, they have a small fridge that has some easy foods to cook.

Ang lakas ng loob ko na magsabi na ako ang magluluto eh wala nga akong alam na lutuin. I opened one cabinet above and I saw some instant noodles and pancit canton. I don't know if he eats the foods like this pero sa tingin ko naman ay mas madali iyon lutuin.

Kumuha ako ng pancit canton at itlog sa ref. Kumuha na rin ako ng paglulutuan ko. I put all of the things I needed malapit sa stove. I tried to open the egg pero sobrang hirap. The first time I cracked it, lahat nahulog sa sink. Sumunod naman ay pati balat napasama sa lalagyan.

"It's a great disaster" saad ko sa sarili ko

I tried more and more. Buti na lang ay maayos ko na ring nagawa ang pagbubukas ng itlog, hindi naubos ang laman ng ref. I put a cup of water in casserole pot. Sinunod kong ilagay ang pancit canton and waited to boiled. After it I put the mixing ingredients. Niluto ko na rin ang itlog at inihain na. Tinapon ko na rin ang tubig ng niluto kong pancit canton

I'm so proud sa niluto ko kaya nakangiting inihain ko iyon sa may veranda ng room namin. Pagkatapos ay ginising ko na ulit si Alfonso para makakain na kami.

"Nagluto ka talaga ha" nakangiting saad niya habang naglalakad kami

"I tried" and I gave him a shy smile.

Bigla namang nag-iba ang itsura niya nang makita ang nakahain. Hindi naman masama ang niluto ko ah. Hindi naman nasunog yung itlog pero medjo maputla ang pancit canton, siguro dapat hindi ko itinapon yung tubig.

"May problema ba?" alanganing tanong ko sa kanya

"Wala naman. I want to try this" saad niya at naupo na

Magkaharap kaming nakaupo. Agad naman siyang nagsalin sa plato niya pero pansin ko ang pasimple niyang pag-iling. Kinakabahan naman ako kaya ako na ang naunang kumain. Hinintay ko ang magiging reaksyon niya pero wala akong nakita.

"Ayos lang ba yung pagkakaluto ko?" nahihiyang tanong ko

"Masarap ha, pwede ka na magbukas ng sariling mong restaurant. Hindi ko akalain na marunong ka pala magluto. You're a wife material talaga" dere-deretsong saad niya

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa sinabi niya. I know I cooked bad. Nawala ang ngiti sa mga mukha niya na tila ba'y may mali siyang nasabi

"I know I cooked bad. Wala ngang kalasa-lasa yung itlog tapos may ilang mga shells pa na nakakagat. Yung pancit canton, wala ring lasa." malungkot kong saad

Portrait behind barsWhere stories live. Discover now