Neunundzwanzig

36 0 0
                                    

Chapter 29

Nagising ako sa mahimbing kong pagtulog pero ramdam ko ang bigat sa mga talukap ng mata ko. Pagtayo ay dumeretso agad ako sa hagdan para bumaba at nakita ko naman si Moly na kakapasok lang ng bahay. Naagaw naman ang atensyon ko ni Neil na kakalabas lang ng kwarto niya.

"Saan ka galing?" tanong ko

"Sa hotel" simple niyang saad

"Bakit?" baling ko kay Neil

"Why? you want her stay here and stay in your room while crying the whole night?" and he smiled sarcastically

"Look at you, para kang pinagkanulo sa itsura mong yan" at napailing pa siya.

I ran to the nearest mirror and looked at myself. Gulo-gulong buhok, namamagang mga mata at namumutlang mukha, yan ang sumalubong sa akin sa harap ng salamin. I looks like terrible.

Dumeretso ako sa banyo para linisin ang sarili. The memories of him runs in my mind, the words he said flashes
and the pain on his pain showed. Paano siya nakapagdesisyon ng ganun ng hindi man lang iniisip ang sarili niya na masasaktan din siya?

"Hey" saad niya pagkalabas ko ng banyo

"I know you're not okay but I'm here" dagdag niya pa

"Thank you Moly but for now I need some space" mahina kong saad

"You want to go somewhere for you to relax yourself?"

Umiiling na lang ako sa tanong niya. May dala siyang tray ng pagkain na inihain niya naman sa kama. Ganito ba kapag nasasaktan, nawawalan ka ng gana sa lahat?

Napabuntong-hininga na lang ako habang sinusundan ang bulto ng katawan ni Moly na palakad pababa. Naisandal ko ang ulo ko sa headdress ng kama. Ilang minuto ko pang ipinahinga ang ulo ko habang pilit na binubura ang mga alaala sa isipan ko.

"Huwag mo na nang isipin yun, hindi na yun babalik"

Napabalikwas naman ako sa biglang nagsalita. Nakatayo siya sa may paanan ng kama ko kung nasaan ang railings ng hagdan. Nakakrus pa ang mga braso habang nakangisi.

"Ikaw lang yung nakilala kong na-broken sa walang label, ganyan ka ba talaga magmahal?" at natawa pa siya

"Sobra ka namang magmahal, ni hindi mo pa nga alam kung anong meron sainyong dalawa." dagdag niya pa

Tumawid siya ng tayo at dumeretso ang tingin sa akin.

"Love is not something you will look for, it will come in the right time.

"Sa lagay mo yang..." he scanned myself from bottom to top "hindi ka naman nagmamahal, you're just admiring the attention that person can give to you. Masyado kang natutuwa sa atensyon na naibibigay sayo without knowing na nahuhulog ka sa tao na yun kahit walang kasiguraduhan kung saan papunta ang lahat"

"And who are you to judge me, ha?" I lost my temper.

I know he has the point but I know to myself what I'm doing. He don't have the right to judge me kasi wala siya sa katayuan ko. Kung ano man ang nararamdaman ko ay wala siyang alam doon.

"Sino ka para husgahan ako? Husgahan kung paano ako magmahal. Bakit, bawal na ba magmahal ngayon? May batas ba na nagsasabi na bawal na magmahal ang isang De Guzman na katulad ko?" at tumayo na ako tapos hinarap siya

"Tell me, Neil... Tell me kung sino ka sa buhay ko para husgahan ako?" panghahamon ko sa kanya habang nakatayo na sa harapan niya.

"Ako? Sino ako sa buhay mo?" and a smirked showed to his face.

Portrait behind barsWhere stories live. Discover now