Sechzehn

15 2 0
                                    

Chapter 16

I can't help but to smile everytime I remember his words. I don't know if it was true or it was because of the alcohol. I stopped thinking of it because I know I'm starting hurting myself with some conclusion running into myself.

We woke up with a great view showing us. Nalinis na rin ang mga naiwan na kalat kagabi gawa ng mga lalaki. Ang ilan ay nakatambay na sa may gazebo kaya sumunod na ako sa kanila.

"Bakit parang puyat ka?" bungad na tanong ni Adrian

"Nakakahiya kasi sainyo, nagligpit pa ako ng ilang kalat niyo" pagtataray ko

"Sus, may binabantayan ka lang" tukso naman ni Kyle

"Ha-ha-ha mama mo binabantayan"

Naupo na ako sa bakanteng upuan katabi ni Isobelle. Nasa harapan ko naman si Alfonso na walang kaemosyon-emosyon ang mukha. Iniwas ko na lang din ang paningin ko sa kanya dahil naiilang ako at naalala ang binitawan niyang salita.

Dumating si Nickie na may ngiti sa mga labi pero agad ding nabawi nang mapansing hindi siya tinutuunan ni Neil. Ako yung nahihirapan sa dalawang 'to eh.

"Ang sarap mag-stay dito. Paggising nature agad, hindi ramdam ang sobrang init" bulalas ni Claire

"Oh edi maiwan ka na dito" pangbabara naman sa kanya ni Kyle

"Tantanan mo ko ha, ang aga aga" singhal ni Claire

Tuloy-tuloy lang ang mga asaran nila. Palihim akong natatawa sa mga kakulitan nila pero si Neil at Alfonso ay napupuno ng tensyon, ewan ko sa dalawang 'to kung may problema ba sila.

Dumating na ang pagkain na pinaluto ni Nickie sa tita niya. I am amazed from the foods. Wala namang okasyon pero halos masasarap ang mga pagkain.

"Ang sarap naman po nitong hinain niyo, ano po ito?" masayang saad ni Gabriel

"Patay gutom" pangbabara ni Maine

Natawa naman ako sa dalawang 'to kasi hindi ko inaasahan na mag-aasaran ng ganito. Maine is a serious type, she's focus on reaching her dream while Gabriel is a happy go lucky man.

"Ito naman ay pochero, madalas na nakahain yan tuwing fiesta rito. Ito naman ay tinolang tagalog na manok, itong isda naman na ito ay kung tawagin dito ay dugong, inihaw yan, yan kasi ang masarap na luto. Syempre hindi mawawala ang kilalang lomi Batangas at itong malagkit ay sinugno, pwedeng panghimagas at meryenda" saad ng tita ni Nickie

All foods served to us was delicious. Iba pa rin talaga ang lutong bahay.

After we ate, we decided to went to the resort. It is Sandoval's Resort but I know hindi na sila ang may-ari nun.

I decided to wear a rashguard and swimming shorts. Halos ganun naman ang sinuot naminh mga babae at sa lalaki naman ay swimming trunks of summer shorts.

Omayghad! my virgin eyes

Natawa naman ako sa sariling isipan ko. Sumunod na lang ako sa kanila kung saan sila papunta. Nakita ko naman ang pinsan ni Nickie na kasama rin ang mga pinsan nila, hindi ko man ganun kakilala ang pamilya nila pero kilala ko ang mga nakakasama niya noon.

"Nickie, di ba pinsan mo yun?" bulalas ko

"Oo, madalas ata sila dito eh hindi ko kilala yung iba baka pinsan din namin" sagot niya naman

I just nodded and walked towards them. Nagsabuyan sila ng tubig at naglaro na. Para kaming mga bata na naghahabulan sa dagat. Ang ilan ay nagsasabay ng tubig katulad ng mga ginagawa ng mga lalaki.

Portrait behind barsWhere stories live. Discover now