Prologue

749 18 1
                                    

Prologue

"Hey stop it!" Hinampas ko siya dahil patuloy pa din siya sa paghalik sa leeg ko.

My phone rang Tumatawag ang kapatid niya. Agad akong napatingin sa kaniya at kitang kita ko ang pagbabago ng ekspresiyon niya. Kumunot ang noo niya at umalis sa kama. Sinuot niya ang damit niya bago nag salin ng alak sa baso niya.

"Aren't you going to answer that?" Tanong niya sabay turo sa cellphone ko na patuloy pa rin sa pagtunog.

Mariin siyang nakatitig sa akin, hinihintay na sagutin ko ang tawag.
Tumingin ako sa cellphone ko bago muling bumaling sa kaniya.

Tumingin ako ng mariin sa kaniya. Kitang kita ko ang pait ng ekspresiyon niya. Gusto ko munang sulitin ang oras ko kasama siya bago ako gumawa ng desisyong alam kong pagsisisihan ko.

Kusang kumilos ang kamay ko at pinatay ang tawag. Agad akong lumapit sa kaniya ipinulupot ko ang kamay ko sa batok niya at siniil siya ng halik. Gusto kong pagbigyan ang sarili ko sa huling pagkakataon. Kauuwi lang niya at nabalitaan niyang napapadalas ang pagkikita namin ni Ronniel.

Binitawan niya ang hawak na baso. He snaked his arms around my waist before he answered my kisses. He slightly bit my lower lip and put his tongue inside my mouth tasting every bit of it.

Parehas kaming hingal na hingal pagkatapos. Ipinatong ko ang noo ko sa noo niya. Ipinikit ko ang mga mata ko para pigilan ang luhang nagbabadiyang tumulo pero hindi ko pa rin napigilan. Yumakap ako sa kaniya at umiyak sa malapad niyang dibdib.

"Hey, what's wrong?" He asked in a worried tone. Pinilit niyang iangat ang mukha ko at iharap sa kaniya.

My tears are still flowing when I look at him. I realized I can't do this, I will miss him, his hug, his kisses, everything. I can't do this but I have to.

Marahan kong hinawakan ang pisngi niya. Kitang kita ko ang pagkunot ng noo niya na parang naguguluhan. His hands were still on my waist slowly caressing it.

"Michael, let's end this." I said looking straight in his eyes. Gusto kong umiwas ng tingin dahil hindi ko kaya.

"What?!"

"Michael hindi na ako masaya." Patuloy sa pag-agos ang luha ko. Nag-iwas ako ng tingin ayokong makita niya sa mga mata ko na nagsisinungaling ako. "Ayoko na lagi na lang tayong ganito, nakatago." Sinabi ko iyon kahit wala naman akong pakialam kung habang buhay niya ako maging sikreto.

"No! Hindi ako papayag! Kung ayaw mo na ng ganito, sige, kakausapin ko si papa tungkol sa'tin. Hiwalayan mo si kuya." Mariin ang bawat pagkakasabi niya sa bawat salita.

"Sa tingin mo ba papayag ang papa mo? Itigil na natin to."

Kumalas ako sa kaniya pero hinuli niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. Ikinulong niya ako sa mga bisig niya at niyakap ng sobrang higpit.

"No, I love you Cynthia please don't do this to me. You said you won't leave me." His voice broke.

I closed my eyes. Dinama ko ang init ng yakap niya. Ma mi-miss ko to.

Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin.

"I'm pregnant Michael, and this child is not yours." Naramdaman ko ang panlalambot niya. "I'm sorry." I lied.

"No, that can't be." Umupo siya sa kama, yumuko siya at tinakpan ang kaniyang mukha ng dalawa niyang palad. He's crying.

I'm sorry Michael. I know how much you wanted to have a child but I can't give it to you. Hindi kita pwedeng bigyan ng anak dahil magiging kahihiyan yon sa pamilya mo at maaarong mawala ang lahat sa'yo pag nangyari 'yon.

Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa noo sa huling pag-kakataon. Nanatili siya sa gano'ng ayos.

Kinuha ko ang mga hinanda kong gamit at lumabas na sa aming kwarto. I will miss this place.

I'm sorry, my love. I'm your brother's wife and this feelings of us is forbidden.

...

Dark Romance #1: Midnight Romance
Dark Romance #2: Forbidden Romance

Forbidden Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now