Chapter 13: Sleep

173 9 1
                                    

Chapter 13 (Unedited)

Dedicated to: LoveIsInvisible & YeltsaAjas

"Ronniel? What are you doing here?" Tanong ko nang nakilala ang taong nakaharang sa daanan namin.

Muli akong tumingin kay Michael at kitang kita ko pa din ang talim ng kaniyang mata.

"Can I talk to you?" Tanong nito sa akin dahilan ng pagpunta ni Michael sa harap ko. Itinago niya ako sa likod niya.

"You can't talk to my girlfriend kuya." Mariin ang pagkakasabi niya sa bawat salita.

Napatingin ako kay Ronniel at kitang kita ko ang gulat ngayon sa kaniyang mga mata. Sumulyap siya ulit sa akin at muling ibinalik ang tingin sa kapatid niya.

"Really? Michael? Pagkatapos mo siyang lokohin, babalikan mo ulit siya? Tapos ano? Uulitin mo na naman!" Mediyo tumaas ang boses ni Ronniel dahilan para pagtinginan kami ng mga tao sa paligid namin.

"We both know the reason why I did that before." Si Michael sa mababang boses.

Nag-aalala ako dahil pati ang mga nagsasaya sa stage ay nakatingin na din sa gawi namin.

"Mike, please huwag nating sirain ang party." Hinawakan ko ang braso ni Michael at hinaplos ito. Kita ko ang paglipat ng mata ni Ronniel sa ginawa ko.

Isang malalim na buntong hinga ang pinakawalan ni Michael bago tumingin sa kapatid niya.

"Let's talk outside." Sabi niya sa kapatid niya. Lumingon siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Mag-uusap lang kami, wait for me here." Hinalikan niya ako sa noo bago nagpatiunang maglakad palabas ng hotel.

Sinulyapan ako ni Ronniel pero iniwas ko lang ang tingin ko sa kaniya. Narinig ko pa ang pagbulong niya ng isang mura bago sumunod sa kapatid niya.

Bumalik ako sa upuan na para sa amin. Ang mga tao na kanina'y nakatingin sa amin ay naging abala na din sa party. Sinubukan kong enjoy-in ang party pero hindi maalis sa isip ko ang posibleng dahilan ng pagpunta ni Ronniel dito.

Mediyo na tagalan ang pag-uusap nila kaya tumawag ako ng isa sa mga nag s-serve at pinalagyan ko ng wine ang baso ko.

Nagpatuloy ako sa pag inom at panonood sa harap nang may nagsalita sa gilid ko.

"Hi, do you mind if I sit here?" Boses ng isang lalaki. Hindi ko siya tiningnan dahil nasa harap ang atensyon ko. Pinagmamasdan ko ang mag-asawang masayang nagsasayaw sa stage. Lahat ng tao ay nakangiting nanonood sa kanila.

Biglang pumasok si Michael sa isip ko. Kung wala ang mga taong gustong sumira sa amin, sigurado akong dadating din kami sa araw na magiging ganiyan din kami kasaya.

"Are you with someone?" Muling nagsalita ang lalaki. Tumingin ako sa kaniya para sana sabihin na hinihintay ko ang boyfriend ko pero naunahan na ako.

"Yes, she's with me. Leave my girl alone." Mababang boses ni Michael ang sumagot sa lalaki. Iginilid ko ang ulo ko para makita siya.

Nakakunot ang noo niya at salubong ang dalawang kilay. Nang makita siya ng lalaki ay agad itong umalis hindi ko tiningnan kung saan pumunta. Tumayo ako at dumiretso kay Michael.

"Kilala mo 'yon?" Tinuro niya yung lalaking umalis.

Umiling lang ako at kumapit sa braso niya. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya. Matangkad siya pero dahil naka heels ako ay mediyo nadagdagan ang taas ko.

"Uwi na tayo." Sabi ko habang hinahaplos ang balikat niya. Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang panga bago ako hinawakan sa bewang at tumango.

Lumabas kami ng hotel, ang bastos siguro namin dahil hindi na kami nakapagpaalam nagkaroon pa ng konting gulo na dahil din sa amin.

Forbidden Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now