Chapter 28: Hold

151 6 5
                                    

Chapter 28

Nakatulala ako habang nag-aabang ng masasakyan. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. All this time, I thought what Michael and I have were forbidden. I thought loving Michael was wrong because I am married to his brother. When the the truth is I am actually not.

Nakatingin ako sa kawalan habang inaalala ang mga salitang binitiwan ni Ronniel.

"What did you say?" Naguguluhan kong tanong.

"Hindi ko ipinarehistro ang naging kasal natin. Walang sino man sa pamilya natin ang nakakaalam no'n. I don't want to disappoint my father and I just want to help your family dahil alam kong kami din ang dahilan ng pagbagsak no'n." He tried to reach for my hand but I don't let him. I saw how pain manifest on his eyes. "Hindi pa man tayo naikakasal ay gusto mo nang kumawala. I realized I don't want you to suffer. Mahal kita pero ayokong pilitin ka na mahalin ako. I'm sorry if I'm telling this to you right now when in fact, I should have inform you about this years ago. I'm sorry kung ngayon lang... Hindi ko kasi mapigilang umasa." Bumagsak ang balikat niya sa mga huling salitang binitawan niya.

"All those years, what made you think that I didn't suffer. I couldn't even do the things that I wanted to do with Michael because I'm afraid I might ruin him, I might ruin your family because I thought I am married to you!" I refrain myself from shouting at him.

"I'm really sorr-" I didn't let him finish his apology. Tumayo ako at iniwan siya sa loob ng cafe.

I sighed and wiped the tears on my cheeks. Dapat maging masaya ako. Kahit na kailan ay hindi ako nakasal kay Ronniel. Kahit na kailan ay hindi naging mali na mahalin ko si Michael. This is a good news. For sure Michael will be glad to hear about this.

Tumayo ako at handa nang pumara ng masasakyan. Isang itim na kotse ang humito sa tapat ko na naging dahilan ng pagkunot ng aking noo. The door of the backseat opened and I saw a man with a creepy smile plastered on his lips that made me nervous and scared at the same time. Behind him is also a guy holding a gun. Hindi ko magawang gumalaw o sumigaw man lang lalo na nang tutukan nila ako ng baril.

"Sakay." Utos ng isa sa kanila.

Nagsimulang manginig sa takot at kaba ang aking buong katawan. Who are they? Anong kailangan nila sa'kin? Lumingon ako sa paligid para malaman kung may nakakakita ba sa nangyayari, pero malayo ang mga tao sa amin at parang lahat sila ay abala kaya hindi nila kami napapansin.

Mas inilapit nang lalaki sa akin ang kaniyang baril, naging dahilan 'yon para sumakay ako sasasakyan kasama sila. Nang makapasok ako ay agad nilang isinara ang pinto.

"Paandarin mo na bilis!" Utos ng lalaking may dalang baril sa lalaki sa driver's seat.

My heart is beating so fast. I was in between the two guys, both of them is now holding a gun. Tinitigan ko silang mabuti at tinandaan ang mga hitsura nila. Anong binabalak nila?

"Huwag kang masiyadong matakot, sigurado namang hindi ka pababayaan ng mga Lagdameo."

Nanlaki ang mata at napalingon sa lalaking nagsalita. Lagdameo? Kilala nila ang pamilya ni Michael.

"Nanginginig ka na ah." Hinawakan nito ang aking balikat at hinaplos ito. may mapaglarong ngiti sa kaniyang labi. Ang iba pa niyang kasama ay tumatawa sa ginagawa niya.

Kung normal na araw lang ito at mga babae lang ang kaharap ko ay nagawa ko nang lumaban, pero iba ngayon. Apat na lalaki ang kasama ko sa loob ng kotse at may hawak na mga baril. Nanginginig ang buong kalamnan ko at pakiramdam ko ay wala akong magagawa para iligtas ang sarili ko.

The men looked at me when my phone suddenly rung. It was Ronniel who's calling.

Tumingin ako sa dalawang lalaking katabi ko. Kukunin ko na sana ang cellphone pero inunahan nila ako. Sinagot nila ang tawag at ini-loud speaker para marinig ng lahat.

Forbidden Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now