Chapter 30: Ready

224 5 5
                                    

This is the last chapter for this story. Enjoy ^.^

Chapter 30

Matapos ang pakikipag-usap ko kay Michael ay hinayaan ko na siyang mas makapagpahinga pa. Hindi ko akalain na yung araw araw na pagsasama namin ni Michael ay may mas isasaya pa pala. Noong marinig ko ang balitang ligtas siya, pakiramdam ko 'yon ang pinakamagandang balita na narinig ko.

Michael fell asleep and I decided to visit Ronniel. Katabi lang ng kay Michael ang kwarto niya kaya hindi na ako nahirapan na maghanap. Pagbukas ko nang pinto ay nakapalibot sila tito sa kaniya ganoon din sila papa. Lumapit ako sa kanila at tumabi kay mama. Parang seryoso ang pinaguusapan nila dahil pagpunta ko ay siya ring pagbaling nilang lahat sa akin.

My forehead wrinkled as I looked at my mother beside me.

"Alam mo na ang tungkol dito?" Gulat na tanong ni mama.

Wala akong alam sa pinag-uusapan nila kaya naguguluhan akong tumingin kay Ronniel.

"I informed her about it just yesterday. Wala po siyang alam sa ginawa ko." Sabi ni Ronniel habang palipat-lipat ang tingin sa mga magulang namin.

"My God!" Tita Vienna's shocked reaction made us all looked at her. "I can't believe this! All this time?! At hindi mo man lang kami nagawang sabihan?"

I think wrong timing ang naging pagbisita ko. Hindi ko alam na ngayon din sasabihin ni Ronniel ang tungkol sa naging kasal namin na hindi naman pala rehistrado. Napatingin ako kay tito Daniel at naghahada na para sa galit niya pero natigilan ako nang ngumiti siya at hinawakan ang balikat ni Ronniel.

Tama ba itong nakikita ko? Imbes na galit ay tuwa ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. He looks like a father who's very proud of his son.

"I should be happy that you didn't turned out just like me. Akala ko magiging masaya ang mga ama kapag nakitang nagmana sa kanila ang mga anak nila, pero nang marinig ko ang sinabi mo... Masaya ako na hindi mo namana ang ugali ko. Masaya ako na ibinigay kayo sa akin ng kapatid mo." Kita ko ang pagpula ng sulok ng mga mata ni tito habang sinasabi 'yon kay Ronniel.

"Kamusta na po ang mga lalaking 'yon?" Tanong ni Ronniel kay tito Daniel kaya napatingin ako sa kaniya.

"Matindi ang natamo nilang nga sugat kaya hindi na nila nagawang makatakas. Nahuli na rin ang tao sa likod nito, kaya hindi na kailangang mag-alala pa."

Napahinga ako ng maluwag nang marinig ko 'yon. Tumabi si mama sa akin at marahang tinapik ang balikat ko.

"Bilhan mo muna ng mga prutas sina Michael at Ronniel. Kakailanganin nila 'yon para mabilis silang makabawi ng lakas." Utos niya.

Tumango ako sa sinabi ni mama. I walked out of the room, making sure that I don't disturb them.

Outside the hospital is a market. I bought fresh fruits and drinks for Michael and Ronniel and also for our parents.

Nang makabalik ako sa ospital ay nakita ko si tita Vienna sa bungad ng ospital na diretsong nakatingin sa akin. Nandoon pa din ang mataray niyang aura na naging dahilan para manlambot ang mga tuhod at bumilis ang tibok ko.

"Let me help you." Sabi niya tsaka kinuha sa kamay ko ang isang plastic bag. Gulat akong nagpaubaya sa ginawa niya.

Tapos na ba ang pag-uusap nila? Ayos lang ba sa kaniya ang ginawa ni Ronniel? She's walking slowly while I was following her from behind.

"Are you happy?" Napaangat ako agad ng tingin ng marinig ko ang tanong niya. Ngayon ay nakahinto na siya at nakaharap sa akin. She raised her brow.

Walang ibang tao sa pasilyo ng ospital maliban sa amin kaya alam kong ako ang tinatanong niya. Alam kong masaya ako lalo pa't nasa maayos na kalagayan na sila Michael. Pero nang mainig ko ang tanong mula sa kaniya parang nag-aalinlangan akong sumagot dahil alam kong alam niya na ang sagot.

Forbidden Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon