Epilogue

368 11 3
                                    

A/n: Yown! Medyo mabagal ang usad nito kaysa sa Midnight Romance pero salamat pa din dahil hanggang dito e, sinamahan niyo ako. Salamat at muli niyo akong hinayaan na ibahagi ang laman ng mapaglaro kong imahinasiyon. Alam kong hindi ako gano'n kagaling pero salamat at hindi niyo ako iniwan. Sana hanggang sa Third series support niyo pa din ako. ^.^

Epilogue

Michael's POV

Hindi ko napigilan ang pamamasa ng bawat sulok ng mga mata ko habang pinagmamasdan ko ang pinakamagandang babae na naglalakad papalapit sa akin. Nasa gitna palang siya ng simbahan ay sobrang bilis na ng tibok ng puso ko, parang gusto ko nang tumakbo palapit sa kaniya.

Habang nakatingin ako sa kaniya ay para akong ibinabalik sa mga panahong nagsisimula pa lang kami.

"Your brother likes her! Iwanan mo ang babaeng yan! Date Cathy instead." Nakayuko ako habang sinasabi 'yon sa akin ni papa.

I like Cynthia too. No, I love her. Kaya ko siya niligawan kasi mahal ko siya. Girlfriend ko na siya at hindi ko siya hihiwalayan. Bakit ako ang kailangang magparaya?

Pero dahil sa kagustuhan kong kilalanin din ako ni papa bilang anak niya, I did what he wanted me to do.

Maraming estudyante ang nakatingin sa amin. Patuloy siya sa pag-iyak at pagmamakaawa, gusto kong bawiin ang sinabi ko nang makita ko ang mga luha niya.

"I love Cathy, hindi mo maibigay sa akin ang gusto ko!" 'Yon ang mga huling salitang binitiwan ko bago ko siya iniwan.

Hindi ko rin nakayanan, isang linggo kong kasama si Cathy pero wala akong nararamdaman.

I can be part of this family. Hindi ko hahayaang sirain nila kami para lang makuha ko ang gusto ko. Pagkatapos ng isang linggo ay sinubukan kong lapitan siya ulit pero hindi na ako pinayagan ni kuya na makalapit pa sa kaniya.

Five months had passed and I heard that she's changing her boyfriend every week. Kahit anong pilit kong lapitan siya ay hindi ko magawa dahil sa mga inutusan ni kuya na magbantay sa kaniya.

Hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataon. Nakita ko siyang nakikipag-away. Napailing ako habang papalapit sa kanila. Lamang siya sa away nila pero hindi na ako papayag na masaktan pa siya.

Hindi nasayang ang pagkakataon ko dahil muli niya akong tinanggap.

"Gag* ka!" Sinuntok ako ni kuya sa mukha pero hindi ko 'yon ininda. Namumula na siya sa galit pero hindi ako natinag. "Sasaktan mo lang ulit siya!"

Pinunasan ko ang dugo sa gilid ng labi ko bago ko siya tiningnan ng masama.

"Wala akong balak na saktan siya kung hindi mo lang sinabi kay papa ang nararamdaman mo sa kaniya." Sagot ko bago ko kinuha ang mga dadalhin ko para sa plinano kong pagalis namin ni Cynthia.

Nag-iwan ng pasa ang suntok ni kuya kaya buong biyahe namin papunta sa park ay panay ang tingin sa akin ni Cynthia ng may nag-aalalang tingin.

"You're beautiful." I said as she stood beside me.

Nakikita ko ang luhang dumadaloy sa mga mata niya.

Nang dumako ang tingin ko sa mama niya at kay tita Vienna, maging sila ay umiiyak din. I held her hand as we both face the father in front.

Katabi ko na siya. Ang babaeng gustong gusto kong iharap sa inyo, nandito na siya sa tabi ko. Makita ko lang siya ay nalilimutan ko na ang mga paghihirap ko.

Hindi ko na halos maramdaman ang buong katawan ko pero pinilit kong manatiling gising at humihinga. Kakaibang pagpapahirap ang naranasan ko sa kamay ng mga taong may galit kay papa. Sa loob ng isang taon ay naging miserable ako pero hindi ko inisip na sumuko dahil iniisip ko si Cynthia, si Cynthia na iniwan ko sa Pilipinas.

Forbidden Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now