Chapter 21: Cross

158 8 4
                                    

Chapter 21

Habang pinagmamasdan ko silang naglalakad papalapit sa harap ay parang pinipiga ang puso ko. Pinunasan ko ang luha ko at nanatiling nakatingin sa kanila.

He's changed a lot. Sa unang tingin ko pa lang ay napansin ko na kaagad ang maraming pagbabago sa kaniya. Isang taon din kaming hindi nagkita. Masiyadong mahaba ang panahong 'yon para hindi siya magbago.

Nakarating sila sa harap sa tapat ng kinaroroonan namin ni Ronniel. He smiled at his father then faced the crowd. Nakatagilid sila sa amin pero kitang kita ko ang ngiti niya.

Sobrang namiss ko siya. Gusto kong umiyak dahil muling nagbalik sa akin ang mga alaala naming magkasama. Kung hindi lang ako nahiya sa mga bisita ay nilapitan ko na siya. Bumaling siya sa amin. Nanatili sa kaniya ang mga mata ko. Our eyes locked but I couldn't see anything on his eyes. Ang ngiting iginawad niya kanina sa mga bisita ay nawala nang magtama ang aming mga mata.

Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa kamay ni Ronniel sa akin. Hindi ko alam kung ngisi ba ang nakita ko pero tumingin siya sa babaeng katabi niya at muling ngumiti. One of the servers handed him a glass of wine. Iniangat niya ito sa ere para sa isang toast.

"I would like to congratulate my brother for the celebration of his first wedding anniversary. Honestly, hindi ko maisip na meron palang tatagal sa'yo." Nagtawanan ang mga bisita dahil sa sinabi niyang 'yon. "Sana ay magsama kayo ng masaya at matagal." Lumingon siya sa amin ngunit tulad kanina ay walang bahid ng kahit anumang emosyon ang nakikita ko.

The celebration started and some guests went to us to give their greetings. Pinipilit ko ang sarili kong ngumiti sa bawat bisitang lumalapit. Mula sa lamesang malapit sa amin ay may nakikita akong nakatitig sa amin. Hindi ko alam kung napaparanoid lang ba ako o ano. Natapos ang mga pagbati at sinimulang maghatid ng mga tauhan ng mga inumin at pagkain para sa mga bisita.

Nilagyan ni Ronniel ng kaunting alak ang aking baso. Wala akong balak na uminom ngayong gabi pero dahil sa nangyayari, tingin ko ay walang makakapigil sa gusto kong gawin.

A romantic music suddenly played and the lights dimmed. Nagsiupo ang mga tao at tumutok sa amin ni Ronniel ang spotlight. Mabuti na lang at napunasan ko na ang luha ko kaya hindi na 'yon nakita ng mga bisita pagtapat ng ilaw.

Ayaw ko sanang tumayo at magsayaw pero nagsimulang magbulungan ang mga tao ang iba ay natutuwa pa dahil nahihiya daw ako. Tumayo si Ronniel sa harap ko at naglahad ng kamay. Agad napadpad ang mata ko kila Michael. Nakatingin siya sa gawi namin habang ang babaeng katabi niya ay nakangiting nakatingin sa kaniya.

Nag-iwas ako ng tingin dahil parang muli ko nanamang naramdaman ang kirot sa dibdib ko. Kung umasta siya ay parang hindi niya ako kilala. Wala sa sarili kong inabot ang kamay ko kay Ronniel. Nagpalakpakan muli ang mga bisita. Ang kamay ni Ronniel sa kamay ko ay lumipat sa bewang ko habang iginigiya niya ako papunta sa gitna.

He then turned to me when we stopped at the dance floor. He held both my arms and put it around his nape. He put his both hands on my waist and we started dancing to the rhythm of the slow music.

Dalawa lang kami ni Ronniel na nagsasayaw sa gitna kaya alam kong lahat ng atensiyon ay nasa amin. Matangkad si Ronniel, kaya kahit na naka heels ako ay hanggang leeg niya lang ang paningin ko.

I stiffened when he moved his face closer to my ear. "Are you tired?" He asked.

Tumingin ako sa mga mata niya at pilit na ngumiti.

"After this song let's go back to our seat."

Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagsasayaw. This dance is making me uncomfortable knowing that Michael is watching us. I'm dying to know what's on his mind.

Forbidden Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now