Chapter 3: Note

282 10 1
                                    

Chapter 3

Pag-uwi ko sa bahay ay nag bless agad ako kay manang. Laging wala sila mama at papa kaya siya lang ang kasama ko sa bahay. Mediyo madilim na din kaya naligo na ako at kumain.

Sanay na rin ako na kumain ng mag-isa. Matapos kong kumain ay umakyat ako sa kwarto ko.

I keep on laughing while watching my favorite kdrama when my phone beeped. Istorbo! Kinuha ko sa gilid ko ang cellphone ko para makita kung sino ang nag text.

From: MyChael <3

Nakauwi ka na?

What the f? Hindi ko pa din nababago ang name niya sa phonebook ko?! Muli ko lang ibinalik ang cellphone ko sa tabi ko at ipinagpatuloy ang panonood.

Ilang sandali lang ay tumunog na naman. Umirap ako bago ko dinampot.

From: MyChael <3

I know you didn't change your number. Replyan mo 'ko.

Wow! Demanding! Naiinis ako na makita ang name niya sa contacts ko kaya pinalitan ko.

To: MyPast

Ano na naman? Pake mo kung nakauwi na'ko? Istorbo ka?!

Inilapag ko ulit ang cellphone ko. Hindi na ako makapag focus sa pinapanood ko kasi inaantabayanan ko ang magiging reply niya.

From: MyPast

Why? What are you doing? Homeworks? Boys, perhaps? May ka-text kang iba?

Seloso.

Hindi ko mapigilan ang pag ngiti sa nang mabasa ko ang text niya. Hinampas ko ang sarili ko.

Kailangan huwag akong kiligin. Sinaktan na'ko nito. Baka maulit na naman.

To: MyPast

Yes, I have plenty of textmates. Huwag ka nang makigulo!

Nagsinungaling ako kahit ang totoo ay siya lang naman ang katext ko. Wala naman akong pinagbibigyan ng number ko. Gusto ko lang malaman ang magiging reaksiyon niya.

From: MyPast

Okay, Goodnight then.

What?! Ayun na 'yon? Anong klaseng reply yan?

Pinatay ko ang T.V at dumapa sa kama ko habang nasa harap ang cellphone ko. Tinititigan ko. Tinitignan ko kung may mag t-text ulit pero ilang minuto na, wala pa rin.

Nakatulog na lang ako kakahintay kung magre-reply pa siya pero hanggang kinaumagahan paggising ko wala siyang reply.

Umismid ako at naghanda na lang para sa pagpasok. Pagkakain ko ng almusal ay humalik na ako sa pisngi ni manang para magpaalam.

"Wala diyan si Kuya Nelson mo kaya mag co-commute ka muna ngayon." Sabi sa akin ni manang. Tumango lang ako bilang sagot.

Bagsak ang balikat ko habang nag-lakakad palabas ng bahay. Nasa gate palang ako ay nakita ko na ang nakaparadang SUV sa labas ng bahay.

Nagtaas ako ng kilay nang bumukas ang pinto ng driver's seat nito at lumabas si Michael mula doon. Nakakuha na pala siya ng driver's license. Noong kami pa wala siyang sariling sasakyan. Siguro ngayon ay pinayagan na. Matagal niya nang gustong magmaneho ng sarili niyang sasakyan.

"Get in." Itinuro niya ang sasakyan niya gamit ang mata niya.

"No thanks, May pamasahe ako." Inayos ko ang pagkakasuot ng bag ko bago ako naglakad palayo sa kaniya.

Nakasunod agad sa akin ang sasakyan niya kaya nakaramdam ako ng inis.

"Hindi ka ba ti-" mabilis niyang binuksan ang pinto ng shot gun seat at hinatak ako papasok doon.

"Ang kulit!" Narinig ko ang bulong niya. Inabot niya ng isang kamay ang seatbelt ko para ikabit niya. Labis ang tibok ng puso ko na parang gusto ng kumawala mula sa dibdib ko.

Tong lalaking to! Parang kagabi lang ay napakawalang kwenta ng text niya tapos ngayon ay may pa ganito siya.

Mag rereklamo pa sana ako pero mabilis niya nang pinaandar ang sasakyan kaya nanahimik na lang ako.

"Bakit ang aga mo sa bahay ha? Wala ka bang klase?"

"I have class later. Inagahan ko lang ang pagsundo sa'yo alam mo na, baka maunahan ako." Mahina lang ang pagkakasabi niya. Sapat lang para marinig ko hindi ko alam kung nahihiya ba siya o ano.

"Tsss."

Pagbaba ko ng kotse niya ay madami agad ang mga matang nakamasid. Siguro iniisip nila na pinapairal ko na naman ang kalandian ko. Ano pa bang bago?

Mabilis ang ginawa kong paglalakad palayo sa kaniya. Ayoko nang mas marami pa ang makakita na magkasama kami.

"Cynthia, I will be here to pick you up later!" Ngayon ay naglingunan na sa akin ang mas marami pang estudiyante dahil sa sigaw niyang 'yon. Hays!

Malayo pa lang ako ay tanaw ko na si Lorenz sa labas ng room. May hawak pang bouquet ng bulaklak. Hindi ko na sana siya papansinin matapos niyang sabihin sakin na single siya! Dahil tuloy sa kaniya napa-away ako.

Lalagpasan ko na sana siya nang hulihin niya ang palapulsuhan ko at iharap sa kaniya. Sinulyapan ko ang mga kaklase ko sa room at lahat sila nakatingin sa amin.

"Talk to me!" Umirap muna ako bago humarap sa kaniya. Kitang kita ko ang dilim ng mga mata niya.

"Alam mo, sira ulo ka..." Hinatak ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "May girlfriend ka pala tapos nakikipaghalikan ka sa iba?"

Pati ang ilang estudiyanteng dumadaan ay tumitingin na sa amin.

"Hindi ko na girlfriend 'yon. Nagulat nga ako nung nalaman ko na sinugod ka niya kahapon. Ayos ka lang ba?" Tiningnan niya ang katawan ko na parang sinusuri niya kung may masakit ba.

Napairap ako. "Ayos lang ako. Bakit hindi mo tanungin si Macey kung ayos lang ba siya?"

"I'm sorry. Hindi ko alam na gagawin niya 'yon. Promise hindi ko na hahayaang makalapit siya sa'yo." Tiningnan niya muna ang hawak niyang bulaklak bago nakangiting inilahad sa'kin 'yon.

I rolled my eyes when I heard my boy classmates teasing me. Dahil sa kagustuhan kong umalis siya at matapos na ito ay tinanggap ko na lang ang bulaklak bago siya tinalikuran. Ilan pang asar ng kaklase kong lalaki ang marinig ko bago ko marating ang upuan ko.

Ipinatong ko lang sa ibabaw ng upuan ko ang bulaklak kaya kitang kita ng mga teacher ko. Maging sila ay naki asar na din.

Nang nag lunch time na ay may naghatid sa akin ng pagkain. Galing daw kay Lorenz. Mag isa lang akong nakaupo sa Math park ayoko na sang kumain pero sayang naman ang ibinigay ni Lorenz mukha pa namang masarap.

Hindi ko pa tuluyang nabubuksan ang pagkain ay nakita kong papalapit si Michael. May dalang paper bag.

Huminto siya sa harap ko at may dinampot sa lamesa ko. Isang post it note. Kasama siguro sa binigay ni Lorenz hindi ko lang napansin.

Nakita kong nalakunot ang noo ni Michael habang binabasa ang kung ano mang nakasulat do'n.

"Akin na nga yan!" Nakuha ko ang papel sa kamay niya.

'Made with love <3'
-Lorenz

Yun ang nakasulat sa post it note. Napangiti ako dahil sa ka corny-han niya.

"Stop smiling." Nag angat ako ng tingin kay Michael. Bakas pa din ang inis sa mukha niya.

Ano na naman ang problema nito. Pati pag ngiti ko pinapakialaman.
Nagulat ako nang bigla niyang kuhanin ang pagkain na bigay ni Lorenz.

"Eat this instead." Inilapag niya ang paper bag na dala niya. Pati ang post it note sa kamay ko ay kinuha din niya tapos ay nilukot.

Umirap ako sa kaniya. Naiinis ako pero parang bumilis ang tibok ng puso ko sa kilig. Bwisit talaga to.

"Ubusin mo yan. Mas maraming love ang nilagay ko diyan." Sabi niya bago ako iniwan do'n.

Hindi naman mawala ang ngiti ko habang kinakain ang bigay niya.

...

Forbidden Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now