Chapter 1: Fight

550 17 2
                                    

Chapter 1

Five years ago...

"How dare you!" Galit na galit ang mukha ni Macey habang papalapit sa akin. Natapon ang iniinom kong sofdrinks ng hilahin niya ang buhok ko.

Parang matatanggal ang anit ko sa lakas ng pagkakahatak niya. Aba! Siyempre hindi ako magpapatalo. Tuluyan kong binitawan ang iniinom ko at hinatak din ang buhok niya pababa halos humiwalay ang ulo niya sa tindi ng pagkaka hatak ko.

Nabitawan niya ang buhok ko at napahiga siya. Narinig ko ang tawanan ng ibang estudiyante. Bwisit na'to. Umibabaw ako sa kaniya at sinimulang sampalin ang pisngi siya. Pilit niyang inaabot ang buhok ko pero hindi niya magawa.

"Ang kapal ng mukha mo!" Halos naiiyak na sabi niya habang nasa ilalim ko siya.

"Mas makapal ang mukha mo! Gago ka! Nananahimik ako e susugod sugod ka!" Isang sampal pa ang ibinigay ko sa kaniya bago ako tumayo.

"Mang aagaw ka!" Sigaw niya sa akin habang hawak ang pisngi niyang namumula. May luha na din sa mga mata niya. Ang kulay puti niyang uniform ngayon ay sobrang dumi na. Hindi ako natatakot dahil walang teacher ngayon. Lahat sila nasa meeting.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Dumami ang mga nanonood sa amin. Nakakahiya. Inayos ko ang buhok ko bago siya tiningnan ng masama. Ngumiti ako nang mapang-asar.

"Ah! Si Lorenz ba? Bakit? Boyfriend mo ba 'yun? Akalain mo papatulan ka pala no'n." Tukoy ko sa lalaking kahalikan ko kanina sa math park.

"Ooooh!" Narinig kong sabi ng ilang nang-aasar na estudiyante.

Pinagpag ko ang uniform ko tsaka akmang aalis na pero muli nanaman siyang sumigaw.

"Malandi ka! Pokpok ka!" Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya kaya muli ko siyang nilapitan para muli siyang saktan.

Aabutin ko na sana ang buhok niya pero may humawak sa bewang ko nakapulupot ang isang kamay niya sa tiyan ko. Inaawat akong lumapit pa sa kawawang si Macey. Dahil hindi ko na maabot ay pilit ko na lang siyang inaabot ng mga paa ko para makasipa man lang. Masiyadong malakas ang nakahawak sa bewang ko kaya hindi ko maabot si Macey.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako. Hindi pa ako nakakaganti!" Inis kong sabi sa nakahawak sa akin.

Dahil gustong gusto kong makabawi ay inabot ko na lang ang suot kong black shoes tsaka ko hinubad. Nang mahubad ko ay agad ko itong binato kay Macey. Sapul.

"Yes!" Inangat ko pa ang kamay ko dahil sa tuwa. Sapul si Macey sa mukha.

Naramdaman ko ang pagtahimik ng paligid. Pinakiramdaman ko ang nakahawak sa tiyan ko. Bumilis ang tibok ang puso ko dahil sa kaba. Nang humarap sa lalaking umaawat sa akin ay parang tinakasan ako ng lakas ng loob.

"Tangina." Mahina kong bulong habang nakayuko.

"Ang lakas talaga ng loob mo huh?!" Halos magtayuan ang balahibo ko nang marinig ang boses niya. Nakakatakot siya pero imbes na matakot ay bumilis lang lalo ang tibok ng puso ko.

"All of you!" Tinuro niya ang mga estudiyanteng nanonood. "Leave!"

May sineniyasan siyang isang estudiyante. Habang nakayuko ay nakita kong lumapit iyon kay Macey at inalalayang tumayo. Huh! kawawa naman.

Isa-isang nagsi alis ang mga estudiyante. Mahigpit niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinatak ako papunta sa kung saan.

"Ano bang ginagawa mo! Michael?! Aray!" Reklamo ko dahil muntik na akong madapa dahil sa pagkakahatak niya.

Nilingon niya ako. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa paa kong wala ang isang sapatos dahil ibinato ko kay Macey.

Binitiwan niya ang palapulsuhan ko. Akala ko ay titigil na siya pero nanlaki ang mata ko nang buhatin niya ako na parang sako. Nagpumiglas ako. Hinahampas ko ang likod niya pero parang balewala lang sa kaniya.

Huminto kami nang nasa likod na kami ng pinakadulong classroom. Tsss. Ano bang kailangan ng lalaking to?

Nang ibinaba niya ako ay isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kaniya. Inaayos ko ang buhok ko habang bumubulong ng kung ano anong mga mura.

Napansin kong naka angat ang palda ko. Nang tingnan ko siya ay nandoon din ang mga mata niya. Gagong to! Bastos!

Ibababa ko na sana ang palda ko pero naunahan niya ako. Bahagya siyang lumuhod. Siya ang nagbaba no'n habang nakakunot pa din ang noo. Nakaayos na ang palda ko pero nanatili ang kamay niya doon.

Hinampas ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.

"Umalis ka nga diyan bastos!"

Pilyo siyang napangiti. "Really?"

Tumayo siya. Dahil matangkad siya ay hanggang sa leeg niya lang ang mga mata ko. Nakatitig siya sa akin alam ko pero hindi ko kayang tumingin pabalik. Bahagya akong umubo para maibsan ang kabang nararamdaman ko.

"Bakit ka ba nandito? Huwag mo sabihing namimiss mo'ko." Tumawa ako ng bahagya para mawala ang titig niya sa akin.

"Yes, I miss you!" Nag angat ako ng tingin dahil sa sinabi niyang iyon.

Seryoso ba siya? Siya ang nakipaghiwalay. Alam nang lahat ang ginawa niya sakin kaya ang lakas naman ng loob niyang magpakita dito at sabihing nami-miss niya ako. Ha!

Bahagya akong natawa at tiningnan siya nang hindi makapaniwala.

"Talaga? Well, sorry kasi... Ako, hindi kita nami-miss. Pagkatapos mo marami kaagad ang nakapila kaya hindi naman ako nahirapang mag-mov-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan. Nanlaki ang mga mata ko habang siya naman ay nakapikit.

Kinagat niya ang ibabang labi ko. May kung ano sa akin na nagsasabing tumugon ako sa halik niya dahil namiss ko din siya pero pinigilan ko ang sarili ko at itinulak siya palayo.

"Anong ginagawa mo?!" Inis na tanong ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang labi niya. Bago nakangiting humarap sa akin.

Aalis na sana ako pero muli niya akong hinatak at isinandal sa pader. Ramdaman ko ang lamig nito sa likod ko. Ang dalawang braso niya ay nasa magkabilang gilid ko. Kinukulong ako. Nakatitig ako sa kaniya. Yumuko siya ng konti para lumebel sa mga mata ko.

"Why can't you kiss me back huh?!" Tanong niya sa mababang boses na nagpataas ng balahibo ko. "I told you. I came here because I miss you pero nadatnan pa kitang nakikipag ramubulan doon. Baka kung hindi pa kita inawat ay ikaw na ang nasaktan doon."

"Ano bang sinasabi mo? Wala na tayo kaya bakit mamimiss mo'ko. Ikaw ang nang iwan kaya wala ka nang karapatan!" Pinilit ko siyang itulak pero talagang malakas siya.

Imbes na umalis sa harap ko ay hinatak niya ako palapit sa dibdib niya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Please Cynthia. Akin ka na lang ulit."

...

Forbidden Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now