Chapter 8: Rooms

240 9 3
                                    

Chapter 8

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya? Lumingon ako sa kaniya. Pinapanood pa din niya yung pamilya.

"Don't worry I know you're not yet ready. I won't force you." Sabi niya sa akin ng nakangiti. "

Nakahinga ako ng maluwag. Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa. Pero kapag nakikita ko ang reaksiyon niya habang nakangiti sa tinitingnan niyang masayang pamilya, parang may kung anong humahaplos sa puso ko. Naiisip ko kung— paano kaya siya maging ama? Paano kaya siya maging asawa?

Maalaga na siya noon pa man. Kaya mas lalo akong nahulog sa kaniya noon.

"Gustong gusto mo na bang umalis sa inyo?" Tanong ko sa kaniya habang pareho kaming kumakain.

"There's a part of me saying that I should try harder for them to recognize my efforts. Pero may kung ano din sa akin na nagsasabing tumigil na ako." Nagkibit siya ng balikat.

"Bakit? Hindi ka ba tanggap sa inyo?" Takang tanong ko.

"I don't know. Anak lang ako ni papa sa kabit niya. Para sa kaniya si Kuya lang ang tunay niyang anak."

Binitawan ko ang kinakain ko at mas lumapit pa sa kaniya. Hinila ko ang balikat niya palapit sa akin at niyakap siya. Hinagod ko ang balikat niya habang nasa ganoong posisyon kami.

"I'm doing my best Cyn, God knows that I'm doing my very best." Ang sakit sa boses niya ay hindi maikubli. "I swear kapag nagkapamilya ako hindi ko hahayaan na maramdaman to ng mga anak ko."

Pinalipas namin ang oras sa panonood sa magandang tanawin at sa mga batang masayang naglalaro.

Madilim na nang inihatid niya ako sa bahay. Hindi muna ako bumaba.

"Okay ka na ba?" Tanong ko.

"Yeah, thank you." Nakangiti niyang sabi. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo bago ako bumaba ng sasakyan niya.

Pumasok ako sa loob ng bahay. Naligo ako at inayos ulit ang mga dadalhin ko para sa pag-alis namin ni Michael bukas.

Natulog ako na binabagabag ng mga sinabi ni Michael. Hindi ko alam na may mabigat pala siyang dinadala. Naguluhan ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya kanina. Sino naman ang pipigil sa aming dalawa? Pinalis ko ang isiping 'yon para mas makatulog ako ng maayos.

"Naku, Michael ingatan mo 'yang alaga ko ha. Magiingat kayong dalawa." Hindi mapalagay si manang habang naglalakad kami palabas ng gate.

"Don't worry manang, I will take care of her." Michael assured her.

"Eto na lahat?" Tanong ni Michael pagkalagay namin ng bag ko sa backseat. Nandoon na din ang backpack niya na sa tingin ko masiyadong maliit para lagyan ng mga damit niya.

"Ayan lang dala mo?"

"I have my clothes there."

"Sige manang mauna na kami. Magingat kayo dito ha?" Sabi ko kay manong bago ako pinagbuksan ni Michael ng pintuan.

"Alis na po kami." Paalam ni Michael bago pinaandar ang kotse.

Dahil aabutin ng mga limang oras bago namin marating ang Bataan, nagpatugtog muna ako sa kotse niya.

"Do you understand the song?" Salubong ang kilay na tanong niya.

Malakas ang pagpapatugtog ko ng kpop song kaya narinig niya.

"Siyempre hindi. I know some of the lyrics but not the whole song. Why? Shall I change it? Pangit ba?" Tanong ko at akmang papatayin na sana ang tugtog nang pigilan niya ako.

Forbidden Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now