Chapter 29: Mine

189 7 2
                                    

Chapter 29

Despite of my condition, I managed to call our parents to inform them about what happened. Pinagtitinginan ako ng mga tao sa loob ng ospital dahil puro dugo ang damit at katawan ko I guess even my hair looked like a mess. Pero wala na akong paki alam.

Kanina pa ako nandito sa labas ng emergency room. Michael and Ronniel are inside while I'm here ouside waiting for the doctors' update. Both of them were severely injured. Hindi rin nagtagal, mula sa pasilyo ay nakita ko ang ang mga magulang namin na papalapit. I saw tito Daniel's frustrated look and tita Vienna's bloodshot eyes as though she cried or maybe she did. Behind them are my parents with worried looks on their faces.

"Cynthia? What happened? Kamusta sila?" Tanong ni tito Daniel ng makalapit siya sa akin.

"H-hindi ko pa po alam tito." Nanginginig ang labi kong sagot. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila ang kalagayan nila Michael. "P-parehas po silang may t-tama."

Nakita ko ang pagbagsak ng balikat nilang dalawa ni tita Vienna nang marinig ang sinabi ko. Wala sa sariling naupo si tito sa tabi ko, parang hindi siya makapaniwala sa narinig.

Lumapit si mama sa akin at naluluhang tiningnan ako sa aking mga mata.

"Ikaw? Hindi ka ba nasaktan?" Tanong ni mama. Si papa sa likod niya ay hinahaplos ang likod ni mama para kumalma. Umiling ako bilang sagot.

"This is all your fault Daniel! Alam mo ang ginawa nila noon kay Michael! But you didn't do anything! Ngayon ay dalawang anak mo na ang napahamak! Wala ka pa rin bang gagawin?!" Umiiyak si tita habang sinusuntok ang balikat ni tito Daniel na ngayon ay nakayuko habang nakatakip ang dalawang palad sa kaniyang mukha.

Hindi ko mapigilan ang lungkot. Sa pangalawang pagkakataon ay nagawa nanamang saktan ng mga taong iyon si Michael.

Napabaling ako kay tito Daniel nang tumayo siya at humarap sa amin. Ngayon ay ibang iba ang nakikita ko sa kaniya. Noong una ko siyang makita ay para siyang taong walang kahit anong kahinaan. But now? He looks like a father; a real father to his sons. His eyes were full of worries. I thought he's invincible but he still has his weakness after all-and that is his family.

"Cynthia, thank you for taking care of them. You need to rest. Tatawagan ka kaagad namin kapag may balita na sa kalagayan nila. I am sorry that you have to get involved with our problems." He said using his low voice.

Hindi ko alam ang isasagot. Ayokong umalis. Gusto ko na nandito ako kapag lumabas na ang doktor at sabihin ang kalagayan ng dalawa.

"Anak, umuwi na muna tayo para makapagbihis ka. Tama si Daniel kailangan mo ding magpahinga." My father said while slightly brushing my shoulder.

Dahil dalawa na silang nagsabi ay may pakiramdam akong wala na akong magagawa. Tumango na lang ako bilang pagsangayon sa sinabi nila. Nagpahuli si papa at narinig ko pa ang paghingi ng paumanhin ni tito Daniel sa kaniya. Si tita Vienna sa tabi niya ay nanatiling tahimik na humihikbi.

Sa isang hotel kami nag stay. Habang naliligo ako ay binilhan ako ni mama ng nga damit. Kanina habang nasa ospital ay parang sobrang dami kong lakas pero ngayon habang nakababad ako sa bathtub ay parang ngayon lang pumasok lahat ng pagod sa akin. Both my mental and physical state were tired kaya pagkatapos kong magbihis ay kaagad din akong nakatulog.

Forbidden Romance (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora