Chapter 20: Date

150 5 4
                                    

Chapter 20

Sunod sunod na mga bisita ang bumati sa amin. Marami ring kumuha ng pictures. Sa mansion nila Ronniel gaganapin ang celabration ng kasal. Narinig ko din na ipapakilala si papa at ang kompaniya niya bilang bagong kasapi ng mga Lagdameo.

Wala sa sarili akong napailing habang tinitingnan si papa na tumatawa kaharap ang tatay ni Ronniel halos mapunit na ang labi niya dahil sa kakangiti niya.

Napansin kami ni mama kaya lumapit siya sa amin.

"Ronniel, I heard about the property that you bought weeks ago. Kamusta ang ipinapagawa mong bahay?" Napalingon ako kay mama dahil sa sinabi niya.

"Pinarenovate ko lang po, malapit na matapos at puwede na rin pong lipatan."

Kaya ba tinanong niya ako kung gusto ko ng sarili naming bahay? Hindi ba't sinabi ko na sa kaniya ang desisyon ko? Agad akong nilukob ng inis.

"Ma, excuse lang." Sabi ko at tumango naman sa akin si mama ng may ngiti sa mga labi.

Hinila ko si Ronniel palayo sa mga tao. Nang mediyo malayo na kami ay hinarap ko siya.

"We have talked about this right?" Inis kong tanong.

"I'm sorry, hindi ko naman alam na malalaman pala ni tita ang tungkol sa bahay na binili ko. We can still follow what you wanted. You can go to Bataan and I will live in that house alone." Kalmado niyang sabi at hindi sinasabayan ang inis ko. "Kung mag-usisa man sila tungkol sa atin ako na ang bahalang magdahilan."

Bumuntong hininga ako para pakalmahin din ang sarili ko. Umiling ako sa kaniya bago bumalik sa loob.

Pumunta muna ako sa washroom para ayusin ang sarili ko. Paglabas ko ay nakita ko na si Ronniel na kausap sila mama at papa.

"Cynthia, sumabay ka'na sa asawa mo papunta sa mansion nila." Sabi sa akin ni papa nang makalapit ako sa kanila. Gusto kong tumawa sa sinabi niyang asawa.

"Hindi na pa, may pupuntahan pa ako."

"At saan naman? Araw ng kasal niyo at may iba kang iintindihin?!" Medyo tumaas ang boses ni papa, mabuti na lang at nauna nang umalis ang ilang bisita kaya walang nakakakita sa amin.

"Tito, okay lang po, ako nang bahalang magsabi sa mga bisita at kila papa. Nagpaalam na siya sa akin tungkol dito." Paliwanag ni Ronniel.

Kumunot ang noo ni papa sa aming dalawa.

"Kakatapos pa lang ng kasal niyo hindi ba kayo pupunta muna sa mansion ng sabay?" Si mama.

"Ma, hindi ba puwedeng kayo na lang ang pumunta? Pumayag na akong magpakasal hindi ba? Nagawa ko na ang pinapagawa niyo. Nakatulong na ako, ngayon po aalis na ako!" Tinalikuran ko silang tatlo at padabog na inilagay ang bulaklak sa isa sa mga upuan.

Bago ako tuluyang makalabas ay narinig ko pa ang tawag ni papa pero hindi ko na sila nilingon.

I went home and changed into my casual clothes. Uuwi ako sa totoong tahanan ko. Itinapon ko ang damit na isinuot ko sa kasal dahil ayokong mag iwan ng anumang makakapagpaalala sa akin sa araw na'to.

Hapon na nang makarating ako sa Bataan. Busy ang mga tauhan dahil sobrang dami ng mga humahabol sa bakasyon. Ilang linggo na lang at magsisimula na ulit ang pasukan.

Wala ang bakasyong sinabi sa akin ni Michael. Hindi na siya dumating. Kasal na ako at hindi man lang siya umuwi para pigilan na mangyari 'yon. Ano kayang mararamdaman niya kapag nalaman niya na iniligtas ko ang resort sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kapatid niya?

Inasikaso ko kaagad ang mga papeles ko para sa nalalapit kong pagpasok. Hindi ko alam kung gagamitin ko ba ang apelyidong Lagdameo pero mas pinili kong hindi. Gagamitin ko lang 'yon kapag si Michael na ang dahilan ng pagbabago ng apelyido ko.

Forbidden Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now