Chapter 17: Home

135 8 1
                                    

Chapter 17

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Gusto niya bang ihatid si Michael? malungkot ba siya dahil umalis ang kapatid niya? O masaya siya dahil wala nang makikigulo sa kanila? Hindi ko alam. Pakiramdam ko, matapos kong malaman lahat kay Michael ay nag iba na ang tingin ko kay Ronniel. He's not the Ronniel I know anymore.

Nang nagtangka siyang lumapit ay nag iwas ako ng tingin at umiling bago pumasok sa sasakyan. Sa biyahe ay iniisip ko kung paano lilibangin ang sarili ko habang wala si Michael. Di tulad noon na nasa Bataan ako at Manila siya, iniisip ko na mapupuntahan ko naman siya agad kung sakaling magkaproblema.

Pero ngayon, sobrang layo niya.

Bago umalis si Michael ay napagusapan na namin ang oras na ilalaan namin sa isa't isa. We have different time slot so we have to compromise.

Nagsimula na ang pasukan. Same school pa din ako pero dahil college na ako ay malayo na ako sa magulong building ng highschool.

Katulad ng ginagawa sa first day of class, we intoduced ourselves. Wala akong kaklaseng kakilala ko pero tingin ko maganda na 'yon, malayo sa gulo at sa maaarte kong kaklase noon. Mas marami ang kaklase kong bakla kesa sa mga babae. Well, that's fine I guess, because based on what I heard gays are fun to be with. I hope this time, I could make my self some friends para hindi ko rin laging mamiss si Michael.

"Hi." I was looking at my photos taken in Bataan on my phone when someone approached me. Someone with a manly voice but with a girly accent. Isa sa mga kaklase kong bakla ang umupo sa tabi ko. I smiled at him.

"Hi. I'm Cynthia."

"Oo te, narinig na kita kanina. Pwede naman siguro akong umupo dito no? Or hindi?" He said like he's trying to sound like a girl. He's cute. His hair was on a clean cut and he's wearing a color red headband, a pair of contact lens and he wears red lipstick too.

Natawa ako. Looks like he talks a lot.

"No, of course you can sit there."

"Okay, thank you. By the way I'm Dave." Sabi niya sa maarteng tono na mas nagpangiti sa akin.

"Who's that?" Tanong niya habang nginunguso ang screen ng cellphone ko.

We looked at the photo that were taken in Sisiman. Dalawa kami ni Michael. He's hugging me from behind and were both looking at the lighthouse.

"This is my boyfriend, His name is Michael. Gwapo no?" Sabi ko sa kaniya habang kinikilig pa. Masarap siyang kausap at mukhang makakasundo ko din.

"Naku te! Hindi lang gwapo, mukha pang masarap!" Sabi niya na may pakagat labi pa kaya parehas kaming nagtawanan.

Since kaka-start pa lang ng klase wala kaming ginawa at maaga din kaming na dismissed. Dave and I spent our time talking and getting to know each other. Wala rin daw siyang kakilala sa school dahil kalilipat lang nila dito sa Manila. He's two years older than me, he stopped because he wanted to work to help his family. While he was working, he realized that education is really important, indeed, it is.

Sabay kaming pumunta ng parking lot. Nakita ko na si kuya Nelson pero napahinto ako nang makita kung sino ang kausap niya.

"Pa'no Cynthia babes, una na ako." Paalam sa'kin ni Dave. Ngumiti ako sa kaniya at tumango bago siya umalis.

Nang makalapit ako sa kotse namin ay nakita ko ang pag-aalinlangan ni kuya Nelson kung pagbubuksan niya ba ako o kakausapin ko muna si Ronniel.

"Cyn," Ronniel held my arm but I pulled it immediately.

"B-babalik na lang ako, bibilhan ko lang ng meryenda si Manang." Umalis si kuya Nelson nakita siguro niya ang tensiyon sa pagitan namin ni Ronniel.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong tanong. "Hindi na dito nag-aaral si Michael kaya wala ka nang dahilan pa para magpabalik-balik dito."

Forbidden Romance (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora