Chapter 24: Caught

183 6 2
                                    

Chapter 24

Weeks, days and months passed, hanggang lumipas na ang dalawang taon. Tinupad ni Michael ang sinabi niya. He didn't leave me. Although he's now working under their company, he never forget to come home. Kahit na madalas siyang pagod dahil sa trabaho at mahabang biyahe ay sa akin pa din siya umuuwi. May mga pagkakataon man na sobrang dami niyang trabaho at hindi siya makakauwi, ipinapaalam niya kaagad 'yon sa akin.

Matagal nang ganito ang sitwasiyon namin ni Michael. Nagtataka nga ako kung bakit walang sinuman sa pamilya namin ang nag-uusisa. Masaya ako na kahit hindi namin masabi sa kanila ang relasiyon namin parehas naming gusto ito. Alam namin pareho na marami bagay na hindi namin magagawa kung pananatilihin naming sikreto ang relasiyon namin. What should we do? I am married to his brother and no one would ever accept this relationship of ours.

"How are you?" Tanong ni Ronniel sa mababang boses. Mula sa kabilang linya ay ramdam ko ang lungkot niya.

"I'm fine here, Ronniel. You don't have to worry." Walang gana kong sagot.

Hindi man maganda ang relasiyon namin ni Ronniel, sinasagot ko pa din ang mga tawag niya. Nirerespeto ko pa din naman siya at nagpapasalamat ako sa mga bagay na ginawa niya para sa'kin. Pero hanggang doon lang ang kaya kong isukli sa kaniya.

Alam kong hindi dapat ganito ang pakikitungo ko sa kaniya lalo pa't matagal din kaming naging malapit, but I can't stop myself from thinking but about his feelings for me. Paano kapag ibinalik ang pagiging magkaibigan namin ay bigyan niya iyon ng ibang kahulugan? Ayoko siyang bigyan ng pag-asa dahil sigurado ako sa nararamdaman ko para sa kapatid niya.

"Are you with him?"

Halos bulong ang pagkakasabi niya. Nagulat ako doon at agad ding nakabawi. All this time, he knew that me and his brother were living together pero bakit hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam sa sino man sa mga magulang namin?

"You don't have to keep it from me Cynthia. I know you. I know you that would still love him kahit na ang tagal niyang nawala." His voice broke. "Pero sana man lang binigyan mo din ako ng pagkakataon. Sana binigyan mo ako ng pagkakataong patunayan ang nararamdaman ko."

Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

"I'm sorry, Ronniel." Hindi ko alam pero iyon ang unang lumabas sa bibig ko.

Gumawa sila ng paraan para makasal ako sa kaniya. Pero hindi niya ako pinagbawalan sa mga bagay na gusto kong gawin. He didn't force me to live with him. Instead, he supported me for whatever I want to do. Walang dudang mabait si Ronniel, pero nang dahil sa nararamdaman niya para sa akin ay nag-iba siya at nagiba din ang tingin ko sa kaniya- sa buong pamilya niya.

"You don't have to say sorry Cynthia, pero... pwede bang humingi ako ng huling pabor? Alam mo na ba ang pinaplanong party ni papa para sa kompaniya?" Tanong niya na mediyo umayos na ang tono.

Alam ko na ang ibig niyang sabihin. "Ronniel..."

"Please, Cynthia. Gusto ko lang ipakita kila papa na nasa maayos ang pagsasama natin. Promise this would be the last. Hindi ko na kayo guguluhin." He said desperately.

I sighed. "I will asked Michael about this." Pagkasabi ko no'n ay ibinaba ko na ang tawag.

Gusto niyang isama ako sa gaganaping party sa mansion nila. Michael already informed me about this and he told me that he won't come. Gusto ko ding pagbigyan si Ronniel kahit sa huling beses lang.

Marami nang party ang naidaos ng mga Lagdameo. Ronniel never forget to invite me but I always refuse. Maraming mga pagdiriwang ang pinupuntahan niya at nakikita ko sa mga magazine articles na uma-attend siya ng mag isa. Maybe I should accept his invitation this time. But I will make sure to talk to Michael about it.

Forbidden Romance (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt