Chapter 11: Reasons

170 10 0
                                    

Chapter 11

Paatras akong humakbang. Hindi ko alam ang gagawin ang mga luha ko ay patuloy sa pagbagsak.

Tumalikod ako sa kanila tsaka pinunasan ang aking luha. Sobrang dami ng gumugulo sa isip ko. Ayoko na sanang mag-isip ng kung ano-ano kasi sinusubukan kong pagkatiwalaan siya, pero hindi ko magawa.

Bakit siya nandito? Pinapunta ba siya ni Michael? Nagkabalikan ba sila? Ttigil na ba si Michael sa akin?

Naglalakad ako pabalik sa villa nang marinig ko ang pagtawag ni Michael.

"Cynthia!" Narinig kong sigaw niya. Narinig ko pa ang isang murang pinakawalan niya.

"Cynthia, sandali!"

Bago pa siya makalapit sa akin ay mabilis na akong tumakbo. Kahit hindi ko gaanong makita ang daan ay nagpatuloy ako hanggang marating ko ang villa. Bwisit na mata to!

Paakyat na ako sa hagdan ng may marahas na humawak sa palapulsuhan ko. Lumingon ako para makita ang humawak sa akin, bakas sa mukha ni Michael ang takot at pag aalala.

Kaagad kong iniwas ang tingin ko para hindi niya makita ang pag-iyak ko.

"B-bakit?" Tanong ko nang hindi siya tinitingnan. Hindi ko alam pero 'yon kaagad ang pumasok sa isip ko. Iniwasan kong mabasag ang boses ko pero hindi ko magawa.

Ang kamay niya sa aking palapulsuhan ay bumaba sa aking kamay. Humakbang siya papalapit sa akin pero hindi ako gumalaw.

Hapon na at ang anino niya ay tumatakip sa akin upang hindi ako masilaw sa papalubog na araw.

Inabot niya pa ang isa kong kamay at pinilit niya akong iharap sa kaniya. Patuloy pa din ang pagtulo ng luha ko.

"I know I didn't give you an explanation before, even when you badly asked for it. But now, will you please hear me out?" Bakas ang pait at sakit sa kaniyang boses. Nakatitig ako sa kaniyang mata at punong puno iyon ng pagsusumamo.

Binawi ko ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Mula sa hagdan sa bungad ng villa na kinatatayuan namin ay naupo ako. Suminghap ako at pinunsan ng dalawang palad ko ang luhang umaagos sa mga mata ko. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ko pero ilang saglit lang ay naramdaman ko ang pag upo niya sa malapit sa akin.

Walang sino man sa amin ang nagsasalita. Nakatingin lang ako sa dagat na at sa alon na patuloy na humahampas sa dalampasigan.

"Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Please believe me." Sabi niya pero hindi ko siya nilingon. Nakikinig ako pero nasa dagat ang aking mga mata.

"Babalikan mo na ba ulit siya? Iiwan mo na ba ulit ako?" Tanong ko sa mababang boses at hindi pa din siya tinitingnan.

"What?! No! Cynthia, I know, what I did before was wrong." His voice broke.

Napalingon ako sa kaniya at nakita ko ang paglandas ng luha sa mata niya. Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti pero bakas ang sakit sa mga ngiting 'yon.

"Fuck this life." Mahinang bulong niya bago yumuko. "Sinabi ko naman sa'yo diba? Kahit kailan hindi ako binigyan ng atensiyon ng pamilya ko. Mahal na mahal kita Cynthia. Kahit noon pa mahal na mahal na kita. Alam kong nagkamali ako kasi mas pinili ko ang makukuha kong atensiyon mula sa pamilya ko kaysa sa pagmamahal mo. Papa told me that if I started going out with her, he will accept me as his son. I'm sorry Cynthia. I'm sorry kasi mas pinili kong sumunod sa kaniya." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Nagsisi ako sa ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit sa tagal ng panahon na hindi naman nila ako binibigyan ng atensiyon ay hindi pa ako nasanay. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako nakuntento sa pagmamahal na ibinigay mo. Nang iniwan kita, doon ko naramdaman na hindi ko na pala kailangan ng pagmamahal nila, kasi nandiyan ka naman pala... Kaya lang iniwan kita." Hindi ko na makilala ang boses niya dahil sa pag-iyak niya.

Ang mga dahilan na matagal ko ng hinihiling sa kaniya... Ngayon ay naririnig ko na. Umiiyak kami pareho pero hindi tulad ko ay tahimik ang pag-iyak niya.

Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakikinig sa kaniya. Matagal kaming nagksama pero pakiramdam ko ngayon ko pa lang siya nakikilala.

"I broke up with her immediately when I realized what I did. Ilang beses kong sinubukan na lumapit sa'yo para humingi ng tawad at magpaliwanag pero pinipigilan ako ni kuya... Sa tingin ko gusto ka niya. Hindi niya ako pinapayagang lumapit at makipag-usap sa'yo. At tingin ko siya rin ang nagpapunta kay Cathy dito."

Ilang beses kong hiniling na balikan niya ako noong kakahiwalay pa lang namin. Ilang beses kong hiniling na lapitan niya ulit ako kahit pa may iba na siya.

"Nang nagkaroon ako ng tiyempo, kahit takot ako kasi alam kong matindi ang ginawa ko, sinubukan ko pa ding lapitan ka. Sinubukan ko ulit kahit na pakiramdam ko wala ng pag-asa." Nag-angat siya ng tingin at sumulyap sa akin bago muling itinuon ang atensiyon sa dagat sa aming harapan. Ngayon ay tumigil na siya sa pag-iyak medyo kalmado na din siya at ganoon din ako.

Gumaan ang pakiramdam ko matapos kong marinig ang mga dahilan niya.

"Ngayon ba... Hinahangad mo pa din na mapansin nila?" Sa wakas ay may lumabas din sa bibig ko.

Umiling siya. "Hindi ko alam. Ang alam ko lang gusto ko nang lumayo sa kanila at bumuo ng pamilya kasama ka, pero alam kong hindi ka pa handa. Laging pinagbibigyan ni papa si kuya. Nalaman ni kuya na pinayagan mo ulit akong manligaw sa'yo kaya pakiramdam ko gagawa sila ng paraan para mapaghiwalay tayo. Ang pagpapapunta nila kay Cathy dito, tingin ko kasama yun sa plano nila." Yumuko siya ulit.

Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Ang Michael na minahal ko noon nandidito pa rin pala hanggang ngayon. Hinawakan ko ang kaniyang likod at hinagod ito. Marahan ko din itong tinapik. Nagbabaka sakali akong mapapagaan no'n ang pakiramdam niya.

"Bakit naman ganto? Ni hindi pa nga tayo nakakapagsimula, balak na kaagad nilang manira." Lumingon siya ulit sa akin. Mas lumapit ako sa kaniya at inilagay ang ulo niya sa balikat ko.

"Edi huwag natin hayaan na sirain nila tayo. Huwag natin hayaan na magpaghiwalay nila tayo." Sabi ko sa kaniya. Tuluyan ng nagdilim. Unti-unting sumisikat ang buwan at umiihip na rin ang malamig na hangin. Sumasabay ang mga puno sa ihip na 'yon.

Oo nasaktan ako noon, pero nang narinig ko ang mga hinanakit niya parang sumagi sa isip ko na tama ang naging desisyon niya dahil iyon ang tingin niyang makakapagpasaya sa kaniya. Nagtitiwala ako. Hinding hindi ko siya bibitawan at mananatili ako sa kaniya.

"Michael." Mahinang tawag ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tumitig sa mga mata ko.

Ngumiti ako sa kaniya. "Sinasagot na kita. Tayo na." Mediyo nag iwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng pagkailang.

Nanlaki ang mata niya. Mula sa liwanag ng buwan ay muli kong nakita ang pagpula ng bawat sulok nito.

"Patunayan natin sa kanila na hindi nila tayo kayang paghiwalayin." Sabi ko.

Nanatili siyang nakatingin sa akin bago siya ngumiti. Hinawakan niya ang aking pisngi bago ako dinapian ng marahang halik sa mga labi.

...

Stay updated for the next chap :)

Forbidden Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now