Chapter 9: Sinful

313 8 0
                                    

Chapter 9

"Don't worry Cynthia malay mo kapag sinagot mo na ulit ako... Baka pwede na ulit akong tumabi sa'yo." Pang-aasar niya.

Nakapasok na ako sa kwarto ko pero nasa pinto ko siya at patuloy na nang-aasar.

I covered my ears with my both hands. "Umalis ka na nga diyan! Hindi yon yung iniisip ko no!"

"Okay." Narinig ko pa ang marahang halakhak niya bago umalis.

Nagshower ako at nagsuot ng pantulog ko. Isang manipis at maikling shorts ang pantulog ko sinuot ko din ang terno nitong spaghetti strap top.

Hinalungkat ko sa bag ko ang cream ko para sana maglagay sa mukha ko nang may kumatok sa pinto ko.

Nakangiting mukha ni Michael ang bumungad sa akin. Nakasuot siya nang white Sando at black shorts. Kitang kita ko ngayon ang biceps niya alam ko nag g-gym siya at nag aaral ng martial arts kaya siguro ang ganda ng katawan niya.

Amoy na amoy ko ang bango niya mediyo basa pa din ang buhok niya. Bagong ligo.

Nagtaas ako nang kilay sa kaniya. Bumaba ang tingin niya sa katawan ko at nawala ang ngiti sa labi niya. Hinawakan niya ang panga niya at kitang kita ko ang paggalaw niyon.

"Bakit?" Tanong ko nang nag-iwas siya ng tingin.

"Wala. I just wanna say goodnight. Pag may kumatok pa huwag na huwag mo nang pagbubuksan ng pinto ha." Bilin niya bago ako tinalikuran at pumasok na sa kwarto.

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Pag-alis niya ay parang galit din siya.

Sinarado ko ang pinto at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Huli na nang namalayan kong wala pala akong suot ma bra! Bwisit! Tiningnan ko ulit ang sarili ko at napansin kong bumakat pa sa suot ko ang nipples ko. Shit!

Kinuha ko ang unan ko at ibinaon ang sarili ko doon. Nakakahiya!

Tinanghali na akong nagising kinabukasan. Nagising na lang ako sa katok sa pinto ng kwarto ko.

"Cynthia, wake up, breakfast is ready." Narinig ko si Michael sa labas ng kwarto ko.

Sikat na ang araw at mainit na rin ang tama nito sa balat ko. Hindi ako nakatulog agad kagabi dahil sa sobrang hiya ko sa nangyari.

Bumangon ako at kinusot ang mata ko. "Susunod ako." Sabi ko na medyo inaantok pa.

"I'll wait for you in the balcony let's eat our breakfast there."

"Okay."

Tumayo ako at dumiretso sa C.R naghilamos ako at palit ng damit. Since plano naming i-spend ang araw na'to dito sa resort nila, beach dress ang sinuot ko sa ilalim nito ay ang bikini ko.

"How's your sleep?" Tanong niya pagkaupo ko sa harap niya.

Duh! Siyempre hindi ako nakatulog nang maayos!

"Fine."

Tulad kahapon ay marami nanamang nakahandang pagkain sa lamesa.

"Subukan muna natin ang mga activities ino-offer ng resort. Bukas na tayo pumunta sa mga lugar na gusto mo. San mo ba gustong pumunta?" Tanong niya sa gitna ng pagkain namin.

Nag-angat ako nang tingin at nakangiting inilabas ang cellphone ko. I made a list of the places that I wanted to visit here in Bataan.

"First, Mt. Samat, second, The San miguel peak and San Miguel lighthouse of Sisiman. Third, Five fingers, forth Corregi-"

"Okay, okay lahat yan pupuntahan natin. We have a lot of time. Let's finish our food first." Naiiling na sabi niya.

"And dami no?" Natatawang sabi ko. Gusto ko lang sulitin ang bakasiyon ko.

Forbidden Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now