Chapter 10: Her

219 9 0
                                    

Chapter 10

We tried snorkeling, scuba diving, and island hopping. Napaka ganda talaga dito. Kung bibigyan ako ng pagkakataon ay gugustuhin kong tumira dito.

Nang hapon na ay tumigil na kami para makakain at makapagpahinga. Marami ang nakahandang pagkain sa cottage. Napagod ako sa mga ginawa namin kaya naman nakaramdam agad ako ng pagkatakam sa masasarap na nakahain.

"Nakakapagod." Reklamo ko kay Michael habang kumakain kami.

"Then we should rest after this."

Nakasuot pa din ako ng bikini. Ang beach dress ko at ang polo niya ay ipinahatid niya daw kanina sa kwarto. Malamig ang hangin kaya mediyo nagtaasan ang balahibo ko.

Marahan kong hinaplos ang braso ko para maibsan ang lamig na nararamdaman ko. Napatingin ako kay Michael at nakita kong nakatingin din siya sa akin.

Bahagya akong napangiti at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Nilalamig ka?" Salubong ang kilay na tanong niya.

"Hindi naman masiyado." Yumuko ako at sumubo pa ng pagkain.

"Wait for me here." Tumayo siya at inwan ako doon.

Naglakad siya papasok ng hotel mediyo malayo dito ang villa kaya siguro mas pinili niyang doon pumunta.

Ilang sandali lang ay may dala-dala na siyang tuwalya sa dalawang kamay niya. Huminto siya sa likod ko, ibinuka niya ang tuwalya at ipinatong iyon sa aking likod. Akala ko ay tag-isa kami pero nagulat ako nang buklatin niya ang isang pang towel at ipatong iyon sa hita ko. Ngayon ay naibsan na ang lamig na nararamdaman ko.

"Ikaw? Hindi ka ba nilalamig? Ang lakas ng hangin o."

"I can manage. Besides, just by looking at you... I can now feel the heat."

Halos mailabas ko ang lahat ng kinain ko sa sinabi niya. Nag angat ako ng tingin sa kaniya at nandoon nanaman ang pilyong ngiti sa mga labi niya. Napaubo pa ako at napahawak sa aking dibdib.

Mabilis siyang tumayo sa likod ko at marahang hinagod ito. Kumuha rin siya ng tubig at ipinainom iyon sa akin. Nang makabawi ako ay muli ko siyang tiningnan at sinamaan siya ng tingin.

"Wala akong pake kung nag-iinit ka. Sana lang huwag magising yang alaga mo." Inirapan ko siya tsaka ako nagpatuloy sa pagkain.

"Galit agad, I was just kidding." Sabi niya na medyo natatawa pa.

"Ewan ko sa'yo! Kumain na lang tayo."

Matapos naming kumain at nagpunta na kami sa kaniya kaniya naming kwarto para makapagpalit at makapagpahinga.

Naligo ako at nagpahid ng night cream sa making mukha at lotion sa aking katawan. Dahil siguro sa sobrang pagod sa ginawa namin kanina kaya agad din akong nakatulog.

Nagising ako kinabukasan dahil nag-alarm talaga ako para maaga kaming makaalis papuntang mt. Samat. Nag pantalon lang ako at simpleng white shirt. Naka white rubber shoes din ako para hindi ako mahirapan sa pag-akyat namin sa bundok.

Pagbukas ko ng pinto ay si Michael ang nakita ko. Nakasuot siya ng khaki shorts at sadals White shirt din ang pangitaas niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"I was about to wake you up." Sabi niya.

"Well, you don't have to. As you can see I'm already prepared."

"Tara na, kumain muna tayo bago umalis." Sabi niya bago nagpatiunang maglakad.

Marami ang nakahandang pagkain sa hapag. Inusog niya and upuan at inilapit sa akin.

Forbidden Romance (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora