➷three

1K 52 14
                                    

SEJUN

"Pauloooo!" Napabalikwas ako ng tawagin ako ni Mama.

"Maaa?" Tanong ko naman at lumabas mula sa kwarto ko.

"Bata ka talaga! Ihatid mo ito dun sa bago mong kapitbahay. Buti na lang at naabutan ko bago ako umalis" bumisita lang kase si Mama dito sa apartment ko. Nag sarili na ako since malapit din ang school ko dito.

"Ma naman" kokontra pa sana ako but then tinignan niya lang ako ng masama kaya wala na akong nagawa kundi kunin yung tupperware na may pagkain para ibigay sa kapitbahay.

"Tao po!" Sigaw ko mula sa labas ng bahay nila. Alangan sa loob diba. Ang weird nun. Pero ano ba 'tong pinagsasabi ko?!

Ilang beses ako kumatok bago tuluyang may mag-bukas ng pinto.

"Bigay ni Mama sa—" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko kung sino ang nagbukas ng pinto.

"Paulo" hindi ko alam pero bigla na lang uminit ang ulo ko nang marinig ko siya. Hindi ko na lang siya pinansin

"Bigay ni Mama yan" sabi ko. Akma na sana akong aalis pero nagulat ako ng hablutin niya ang kamay ko.

"Paulo, sandali!" Napahinga ako ng malalim bago siya harapin.

"Pwede bang wag mo kong tawagin ng ganyan? Hindi tayo close" sabi ko sa kanya. Nakita ko namang bumagsak yung mukha niya. Well, dapat lang naman sa kanya yun eh

"Paulo" hindi ko maiwasang mapairap dahil ngumiti pa siya nang banggitin ang pangalan ko.

I hate her. I hate how she smile like that. Hindi niya ba natatandaan yung ginawa niya 4 years ago? Bakit kung ngumiti na lang siya sakin ng ganun, parang walang nangyare?

"Ano bang kailangan mo?" Masungit kong wika sa kanya.

"How are you?" Nakangiti niya paring tanong sa akin. Ang lakas ng loob niya.

"You don't have to know" sabi ko at marahas na tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Icha-chat kita mamaya ah. I-accept mo din yung friend request ko!" Sigaw niya bago ako makapasok ng apartment ko.

Sino ka para i-accept ko?

Bakit ka pa bumalik?

TO BE CONTINUED..

❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon