➷twenty-one

816 41 14
                                    

THIRD PERSON'S

"Anong nakain mo at nanglilibre ka?" Tanong ni Stell kay Sejun sabay subo sa binili nitong ice cream

"Wala lang. Trip ko lang" simpleng sagot ni Sejun sa kanya.

"Weh? Don't me tol. Kilala kita" pamimilit pa ni Stell.

"Boring lang talaga, Stellvester" seryosong sabi nito pero nakangisi lang siyang tinignan ni Sejun at tila inaasar pa ito.

"If I know, binabagabag ka lang ni Reign kaya mo ko nililibre" bulong nito habang nakatingin na sa ibang direksyon

"Ano? May sinasabi ka?" Pa-inosente niyang tinignan si Sejun at nagkibit-balikat.

"Nga pala, ano nang meron sa inyo ni Reign?" Panimulang tanong ni Stell. Napatigil sa pagkain si Sejun at napatingin kay Stell

"Anong ibig mong sabihin?" Napatawa si Stell sa reaksyon ng mukha ni Sejun.

"I mean kamusta kayo ni Reign. Wag ka ngang magpa-inosente dyan. Hindi bagay sayo" pang-asar ni Stell sa kanya. Napaiwas lang ng tingin ang binata.

"Kinukulit niya parin ako. And I hate it" sagot nito. Napangisi muli si Stell sa narinig na sagot mula kay Sejun.

"Baka naman you hate it kase nahuhulog na naman ang loob mo sa kanya" inis na tinignan ni Sejun ang kaibigan at nakita itong nakangisi kasabay ng pag taas baba ng kanyang kilay.

"Ako? Mahuhulog? Asa kayo"

"Masyado kang defensive" natatawang sabi nito.

"Kase hindi naman talaga totoo. Kayo lang naga-assume na gusto ko ulit siya" napabuntong hininga si Stell.

"How long would you deny it to yourself?" Seryosong tanong ni Stell sa kanya.

"Hindi ko dine-deny. Hindi ko naman talaga siya gusto. Saka ano bang dahilan para mahulog pa ulit ang loob ko sa kanya?"

"Maybe the two of you doesn't have closure bago kayo magkahiwalay. Malay mo dahil sa hindi kayo nagkaroon ng closure noon you still have your feelings pero nakatago lang" this time, hindi nakapagsalita si Sejun. He kinda feel na natamaan siya sa sinabi ni Stell.

"Oh diba natahimik ka"

"Kalokohan. That will never happen. Galit ako sa kanya diba? Stell, all these years alam mo kung anong pinagdaanan ko" seryosong sabi ni Sejun sa kanya.

"Alam ko, Sejun. Alam ko kung gaano ka naging down simula nung nawala si Reign. Pero hindi ako tanga para hindi mahalatang Reign still loves you. Sa tingin mo, bakit siya magpapa-pansin sayo kung hindi ka niya mahal?"

"Baka kailangan niya lang ako kase matalino ako" bahagyang napatawa ng sarkastiko si Stell sa isinagot ni Sejun.

"Immune ka na masyado. Pero masasabi ko lang sayo, wag kang magpapabulag sa galit mo. Baka sobrang focus mo sa galit mo, hindi mo alam na may mas malalim na dahilan si Reign kung bakit mas pinili niyang makipag-hiwalay sayo" deep inside, alam ni Stell na hindi magagawa ni Reign na lokohin si Sejun.

4 years ago, Sejun and Reign must have the best relationship of all. Almost perfect. Pero it suprised them when Reign broke up with Sejun.

"Bakit ba natin siya pinag-uusapan? Bahala siya" pagbago ni Sejun sa topic. Sandaling natahimik ang dalawa nang marinig nila ang bell sa pinto ng Ice cream parlor. Ibig sabihin ay may bagong pumasok na costumer.

Nanliit ang mata ni Stell when he saw the costumers na kakapasok pa lang.

"Si Reign at Josh ba yun?" Tanong ni Stell sabay turo sa dalawa. Napalingon naman si Sejun sa direksyon na tinuro ni Stell.

He doesn't know pero napakunot ang noo nito kasabay ang pag-yukom ng kanyang kamay.

"Bakit kaya sila andito?" Tanong ni Stell pero nanatiling tahimik ang kasama niyang si Sejun. He stared at them for awhile pero hindi niya maintindihan ang sarili. He wanted to grab Reign pero pinipigilan niya lang ang sarili.

Mas lalong dumiin ang pagkaka-yukom ng kamay niya nang makitang masayang nagtatawanan ang dalawa. Parang may kung anong kumurot sa puso niya when he was staring at them.

"Baka naman matunaw yan" makahulugang sita ni Stell sa kanya.

"Niloloko mo na naman ang sarili mo, Sejun" natawang sabi ni Stell. He looked at Stell for a minute at ibinalik ang tingin sa dalawa.

Even him, hindi niya din maintindihan ang sarili niya.


TO BE CONTINUED..

❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️ Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz