➷nineteen

794 41 15
                                    

REIGN

Kasalukuyan akong palabas ng locker room dahil may kinuha akong libro. Tinatahak ko na ang daan papunta sa cr dahil kailangan ko ulit na takpan ang mga pasa sa pisngi ko. Napapadalas na kase ang pagbuhat niya ng kamay sakin. I don't know pero siguro immune na rin ako sa pananakit niya.

"Well well well, nandito pala ang malandi" napalingon ako sa paligid ko. Mamaya kase hindi naman ako yung kinakausap tapos sasagot ako. Nakakahiya kaya yun.

Pero wala namang kahit sino pa ang tao bukod sakin at yung tatlong babae.

"We are talking to you, freak" napalingon ako sa kanila.

"A-anong kailangan niyo?" Tanong ko sa kanila. Nagsimula akong kabahan nang ngumisi yung babaeng nasa pinakagitna at inirapan ako.

"You know what? Napaka-landi mo. Talagang sila Stell pa talaga ang napili mong landiin ah. Ang lakas ng loob mo" sarkastiko niyang sabi sakin.

"Una sa lahat, hindi ko sila nilalandi. They're my friends kahit pa nung wala pa kayo dito. Anong karapatan mong sabihin na malandi ako?" Buong lakas kong tugon sa kanila. Hinding hindi ko talaga gustong may makasagutan ako. Sa totoo lang, nanghihina ako kapag may mga ganitong misunderstanding. Sobrang hina ko sa pakikipag-sagutan.

"Gasgas na 'yang linya mo girl. Friends? Look at you. Hindi ka naman maganda para kaibiganin nila. So stop dreaming" hindi ko alam pero sobrang tamang tama ako sa sinasabi nila. Alam kong panget ako pero ang sakit pala pag sa iba nanggaling.

"Girls, kayo na bahala" ngumisi yung dalawa niyang kasama sa akin. Akma nila akong lalapitan pero naglakas loob akong itulak silang lahat at tumakbo.

Bakit ba napaka-hina mo, Reign?

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero hinayaan ko lang ang paa kong tumakbo. Palabas na ako ng hallway nang may humila sakin. Napapikit na lang ako at hinayaang mahila ng kung sino man iyon.

Atleast he saved from those crazy girls kahit paano.

"Where did she go?! Ang babagal niyo kase!" Rinig kong sigaw nung babae sa mga alipores niya. Nakahinga ako ng malalim at inilibot ang tingin ko kung nasaan man ako.

Madilim ang buong paligid at tanging ang maliit na butas lamang sa kahoy na pader ang pinapasukan ng liwanag mula sa labas. Medyo luma na din kasi itong Stock Room ng school.

Nakarinig ako ng mabilis na pag-hinga kaya napadapo naman ang tingin ko sa humila sa akin.

Madilim ang paligid pero mukhang makikilala ko parin kung sino ito despite of darkness

My heart started to beat eratically. Para bang may nagkakarerang mga kabayo sa loob nito. I was anxious and still speechless.

"A-are you alright?" Halos hindi ako makagalaw nang marinig ko ang boses na yun. That voice, sobrang miss na miss ko yan.

"Y-yeah" tanging nasagot ko. Hindi ko parin alam kung paano siya kakausapin ng maayos.

"I'm sorry" dagdag kong sabi. My mind is not working at all. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. I just miss him so much. I wanted to shout out that to him pero natatakot ako. Natatakot na naman ako sa sasabihin niya.

"Magi-ingat ka nga sa susunod" sabi niya pa sabay pitik sa noo ko.

"Thank you" I just can't express my gratitude properly. Parang katulad lang din 4 years ago, he was still saving me from my bullies.

"A-ahm, o-okay na" kaagad akong lumayo sa kanya when he stutter. Ganyan kase siya pag naiilang.

"I should go first. Iwan na kita. Bye" nagmamadali siyang lumabas ng Stock Room. Leaving me here, hanging.

"I missed you, Sejun" nasabi ko na lang bigla out of nowhere. I truly miss him. Kaya nga bumabawi ako sa lahat ng pagkukulang ko 4 years ago.

I want him back


TO BE CONTINUED..

❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon