➷thirty-six

788 34 17
                                    

THIRD PERSON'S

"Reign!" halos manginig sa takot si Reign nang marinig niyang sumigaw ang matanda mula sa baba.

"Taragis ka talagang bata ka! Asan ka?!" Sigaw nito at rinig pa niya ang padabog na pag-akyat niya sa hagdan. She felt more anxious at hindi malaman kung anong dapat niyang gawin. Nagtabon na lang ito ng kumot at pumikit ng mariin.

"Punyeta ka!" halos malaglag ang puso niya nang marinig niya ang malakas na pagbagsak ng pinto.

Kita niya ang galit na galit na matandang papalapit sa kanya bago hablutin ang buhok nito at kinaladkad siya palabas ng kwarto niya.

"Bakit ka ba kase binuhay ng nanay mo ha! Wala ka namang pakinabang!" Hindi niya alam kung ano ang mas masakit. Kung ang paghablot nito sa buhok niya o ang sinabi ng matanda. Napaluha na lang ito sa sobrang sakit ng katawan niya.

"Pagod na pagod ako sa duty tapos ni hindi ka man lang nagluto! Anong klase kang anak?! Wala kang pakinabang!" Sabi nito at saka malakas na itinulak si Reign sa sahig.

"T-tito, kakauwi ko lang po galing ng scho—" naputol ang sasabihin niya ng sampalin siya ng matanda.

"Ang lakas ng loob mong sumagot?! Ganyan ba ang tinuro ng tatay mo sayo?!" napaangat ang tingin nito at tinignan ito ng masama.

"Oh ano!? Anong tinitingin tingin mo dyan!?" singhal nito kay Reign.

"Wag mong idadamay si Papa dito!" Sigaw nito. Tumawa naman ang lalaki at saka lumuhod para pantayan ang dalaga na nakasalampak sa sahig.

"At bakit hindi? Totoo naman diba? Like father, like daughter. Parehas na masama ugali niyo" nangiinis na sabi nito kay Reign. She was just forcing herself to calm dahil tatay niya na ang inaagrabyado nito.

"Mas masama naman ugali mo" tugon ni Reign habang nakatingin ng masama. Sandaling tumawa ang matanda at agad na sinampal muli si Reign. Napahawak ito sa pisngi niya dahil sa sobrang lakas ng sampal ng lalaki. Napaiyak na lamang ito sa sakit. She cannot do everything.

"Wag mo kong kinakaya-kaya, Reign. Baka sa isang iglap, mapatay ko kayong dalawa ng mama mo" nakangising sabi nito.

"Edi patayin mo kami! Hindi naman kami magsa-suffer sa kulungan eh" buong lakas na tugon muli ni Reign na mas lalong nagpainit ng ulo nito.

"Ang lakas ng loob mong sumagot" sabi nito at saka mahigpit na hinablot ang panga ng dalaga. Namilipit muli ito sa sakit but then nilabanan niya ito dahil ayaw niyang magmukhang mahina sa harap ng matanda.

"Pagod na ako sa panga-abuso mo. Ang lakas ng loob mong magpakitang-tao kay mama ang sama naman ng pagkatao mo!" Madiin na sabi ni Reign kahit pa hindi siya makapag-salita ng maayos.

"Sa tingin mo ba gagawa ako ng ikakapahamak ko? Wag kang bobo, Reign" sabi nito at marahas na namang binitawan si Reign.

"Hindi ba sa ginagawa mo ngayon, mapapahamak ka na? Kahit anong oras pwede kitang isumbong" this time, si Reign naman ang napangisi. Kita niya ang inis sa mukha ng matanda. This time, she want to fight for herself and for her mother.

"Hindi mo gagawin yan, Reign Gabrielle!" Galit na sigaw nito.

"Magkapatayan na tayong dalawa pero kailangan mo ng mag-suffer sa kulungan. Hinihintay ka pa ni Satanas" nakangising sabi nito.

"Putangina ka! Wag na wag ka lang magkakamali!"

"Ilang beses mo na ba ako pinagbantaan niyan? Apat? Lima? Hindi na ako natatakot sayong demonyo ka" sabi nito saka buong lakas na itinulak ang matanda at iniwan itong tulala. Dali-dali siyang lumabas para muling makatakas.

TO BE CONTINUED...

❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon