➷forty-six

837 39 18
                                    

REIGN

"Anak, nag-usap na kami ni Sejun and dito ka muna sa apartment niya titira" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. I mean kaya ko naman mag-isa, bakit kasama pa siya? Taena, magmo-move on na nga ako. Bakit ba nananadya 'tong tadhanang 'to. Masaya ka na ba at nakakapag-laro ka?

"Ma, kaya ko namang tumira mag-isa!" Sabi ko sa kanya.

"Anak, may trabaho ako kay Maynila. Walang maglilinis ng sugat mo. Walang magluluto para sayo. Walang mag-aalaga sayo. Walang magbabantay sayo" wag naman ganito please.

"Ma, kaya ko po lahat gawin yan ng mag-isa. Hindi niyo naman kailangan abalahin pa si Sejun"

"Ako ang mismong nag-suggest nito kay Tita, Reign. And besides, pinapagawa pa ni Tita yung mga sirang parts ng bahay niyo" oh. Great!

"Anak please? Mas mapapanatag ang loob ko kapag kasama mo si Sejun. Anak, please?" Napabuntong hininga na lang ako at saka tumango. May choice pa ba ako?.

"Great! Sabi ko sayo, Tita eh" nakakainis! Bakit close kase sila ni Mama? Ang galing galing mo talagang mag-laro, tadhana ano? Masaya ba yan? Taena naman.

"Dun ka na lang matulog sa kwarto ko" rinig kong sabi niya sa akin.

"Ha? Hindi na. Dito na lang ako sa sofa" sabi ko at saka umupo sa sofa para makitang komportable ako.

"Reign, isa" napairap na lang ako at saka pumunta sa kwarto niya.

"Good" rinig kong sabi niya ulit. Nakakainis!

Napahiga na lang ako sa kwarto niya. Naalala ko 'tong amoy na 'to. He still uses the same perfume I gave him.

Aghh! Erase erase, baka bet niya lang talaga yung amoy. Walang ibang ibig sabihin yun, Reign. Asa ka naman dzuh.

Hindi ko maiwasang di malungkot. Andami dami kong naaalala. Takte naman. Bakit ba kase kailangan ko pang tumira kasama yun? Napailing na lang ako at saka lumabas.

Nakita kong nakahiga na siya sa sofa at tulog na tulog pa ang asungot. Sanaol mabilis makatulog diba?

Para bang kinurot ang puso ko nang makita ko siya. Halatang komportable siya pero medyo malamig kase kaya siguro naka-crossed arms siya. I immediately grab the blanket on his room at dahan-dahang inilagay sa kanya iyon.

Ang gwapo niya parin kahit mahimbing siyang natutulog. My heart started to ache again. Kahit ilang beses kong kumbinsihin ang sarili kong maayos na kami, I just can't help to be hurt to the fact that we are just friends. Siguro mas maganda muna kung i-level up ko muna yung pag-iwas ko sa kanya para naman I can be the best friend for him.

Siguro we are friends pero hindi gaya ng friendship namin ni Josh. Sobrang mahal na mahal ko siya and I don't think that I can act na parang wala lang nangyare. Alam ko kaseng mahihirapan ako eh.

"I'm sorry" mahinang sabi ko. Hindi niya naman siguro ako maririnig diba?

"I still love you. Sobra. Pero if that's what you want, hindi na kita kokontrahin pa. Gusto ko munang iwasan ka kahit na sandali. I'll just build myself again saka ako magiging kaibigan mo. I'm sorry kung tinago ko sayo ang lahat. I'm sorry kung iniwan kita noon. I'm sorry for everything" I wiped my tears at saka bumalik sa kwarto.

Kung ito yung makakabuti sa kanya, susundin ko. Kung ito ang gusto niya, hindi ko na siya kukulitin pa. Ano pang sense? He doesn't love me anymore at mas masasaktan ko lang ang sarili ko kapag pinagpilitan ko lang ang sarili. Maybe I was wrong from the very start. I will not be able to get him again. At tama siya na kasalanan ko ang lahat.

Kaya dahil kasalanan ko, pagdudusahan ko lahat ng consequences. Haharapin ko lahat ng kapalit. Kase siguro ito yung nakatadhana para saming dalawa.

TO BE CONTINUED..

❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️ Where stories live. Discover now