➷thirty-two

801 40 18
                                    

THIRD PERSON'S

"Josh! Josh!" umiiyak na tawag nito kay Josh mula sa labas ng dorm nila Josh.

"Reign?!" kaagad itong lumabas at nakita si Reign. Gulo gulo ang buhok nito at naka-pajama pa. Nang makalabas si Josh ay sinaluong siya ng mahigpit na yakap ni Reign at saka humagulgol ng iyak.

"May ginawa na naman ba yung hukluban na yun sayo?" hindi sumagot si Reign at nanatili lang itong umiiyak. Nangibabaw ang awa nito kaibigan. Siya lang ang piagkakatiwalaan ni Reign kaya't kahit na kaibigan niya si Sejun ay mas sinasamahan niya si Reign dahil mas kailangan siya ni Reign at siya lang ang katangi-tanging kaibigan ng dalaga.

"Tara, pasok tayo" niyaya niya sa loob si Reign para makapag-pahinga na ito. Alam niya kung gaano nahirapan ang dalaga sa kamay ng stap-father niya. Dito lang naman tumatakbo si Reign lalo na kapag sinusubukan siyang babuyin ng matanda.

"Ate Reign?" salubong na tanong ni Justin nang nakita niya si Reign na kasama ni Josh. Pinaupo niya si Reign sa sala.

"Justin, kuhanan mo muna ng makakain si Reign saglit" walang nagawa ang nakababata kundi sundin si Josh kaya dali-dali itong pumunta sa kusina.

"Reign? Josh, bakit andito si Reign?" tanong ni Stell kasama si Ken.

Napatingin si Josh kay Reign ngunit nginitian siya nito bago magsalita.

"Okay lang, Josh. Panahon na rin para malaman nila" sabi nito. Bumuntong hininga si Josh at sakto ang pagdating ni Justin. Ibinigay ni Justin ang pagkain kay Reign at pinaupo ni Josh sila Justin para makapagsimula na itong magsalita

"Alam mo na 'to Stell diba?" Napatango lang si Stell.

"Justin, Ken wag na wag niyong sasabihin 'to kahit kanino" paalala nito sa dalawang nakababata.

"Opo" sabay na sagot ni Justin at Ken.

"Reign has been abused by his step-father. Ilang beses niya na ring sinubukang gahasain si Reign but thankfully, nalalabanan ni Reign yung gagong yun. Please don't tell it to anyone" nagulat naman sila sa sinabi ni Josh. They never knew na ganito pala ang pinagdadaanan ni Reign.

"Alam ba ni Kuya Sejun?" Tanong ni Justin. Ngumiti si Reign at umiling.

"That is the reason why I broke up with him. Nung nalaman niya na kami ni Sejun nun, pinagbataan niya akong may gagawin siyang hindi maganda kay Sejun at Mama noon kaya nag-desisyon ako na hiwalayan muna siya kase sinabi ko sa sarili kong babalikan ko siya" hindi nakapag-salita ang apat at tinignan lang si Reign. They felt even more pity to her nang makita nilang naluha ito.

"Pero mukhang huli na ako" she smiled at them bitterly

"He doesn't want me back" the younger felt sorry for Reign kaya tumabi ito kay Reign at niyakap ito.

"Ate Reign, sorry. Sorry kase nagalit ako sayo noon sa ginawa mo kay Kuya Sejun. Sorry po" napatawa si Reign. She finds Justin cute dahil sobrang galang parin nito gaya ng dati.

"Naiintindihan ko, Jah. I know that you love your brother at okay lang yun. Normal lang naman yun" sabi nito.

"Ayaw mo po bang isumbong yun? Tae, akala ko dati ang bait bait niya nung nagpunta kami sa inyo noon"

"Akala mo lang yun" sabi ni Reign at tatawa tawang piningot ang ilong ni Justin.

"Wag niyo munang sasabihin kay Sejun ha? I don't want him to get involve"

"Maiintindihan ka naman niya, Ate" ngumiti lang si Reign, a fake one. Naalala niya na naman lahat ng chinat ni Sejun sa kanya. It keeps on going her mind round and round.

It breaks her heart how he pleased her to stay away from him. Mukhang ayaw na talaga nito sa kanya.

"Reign, are you okay? May nangyare ba sa inyo ni Sejun?" Tanong ni Stell. Naipon muli ang luha sa kanyang mata.

"Ayaw niya na, Stell" nakangiting sabi nito at tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata niya. 

"Alam ko namang kasalanan ko kung bakit kami naghiwalay pero tagos-tagusan kase yung sinabi niya. He even never let me explain simula pa lang. Maybe tama nga siya, hindi na nga talaga kami pwede"

"Stell, mahal na mahal ko siya. Alam niyo kung gaano ko siya kamahal pero tama na siguro 'to. Andito lang ako palagi kung sakaling gusto niya ulit ng kausap. Hindi ako manunumbat. Lalapitan ko siya agad. Ganun ko siya ka-mahal" mas lalong nalungkot ang apat sa sinabi ng dalaga.

Pero this time, naintindihan na nila ang lahat. Malinaw at maliwanag. Alam na nila kung bakit mas pinili ni Reign na iwanan si Sejun, because she wants to protect him from danger. Kahit pa alam ni Reign na masasaktan siya, she still choses to sacrifice herself. Maybe ganun nga talaga siguro pag mahal na mahal mo yung tao.

"We understand you, Reign. And we'll respect your decision. Kung kailangan mo ng kaibigan, andito kaming apat para sayo"

"Please take care of Sejun for me. Samahan niyo siya palagi. If he wants me to stay away from him, gagawin ko para sa kanya"

"We're sorry for you, Reign. We'll try to talk to Sejun" nakangiting sabi ni Ken. Ngumiti naman si Reign at tumango.

This time, she wants to sacrifice again. She wants to give Sejun what he wants... Space and Peace

TO BE CONTINUED..

❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon