➷eleven

824 38 35
                                    

SEJUN

Isinara ko agad ang apartment ko ng makalabas ako para pumasok sa school. Akma na akong maglalakad paalis nang makita ko siyang nakangiting kumakaway sakin. Teka, inabangan ba ako nito? Oh baka assumero lang ako? Umiling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Good morning!" Bati niya sakin. Hindi na ako nag-abalang tumingin pa at nanatili na lang akong nagbasa ng mga notes ko. May surprise exam kase yung prof namin ngayon dahil kulang pa daw kami ng grades.

"How are you?" Tanong niya sakin but still, hindi ko siya pinansin.

"Sungit naman nito. Baka may gusto ka parin sakin kaya di mo ko pinapansin" walang gana ko siyang tinignan.

"Pwede bang wag kang magulo dyan?" Saway ko sa kanya but then ngumiti lang siya sakin. It feels weird but after 4 years, tumibok na naman ng malakas ang puso ko. I hate to admit this but I miss her smile.

"Ang sipag mo naman. Para sa future ba natin yan?" napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Seriously, Reign?!

"Para sa future ko 'to. Stop assuming things, Reign" sabi ko at mas binilisan ko pa ang paglalakad nang matanaw kong malapit na din kami sa school.

She keeps calling me pero umiiling akong pumasok ng campus.

"Uy Paulo! Eto naman" napatigil ako sa paglalakad nang hablutin niya ang braso ko.

"Ano ba talagang kailangan mo?" Walang emosyon kong sabi sa kanya.

"Can I have a favor?" Tanong niya.

"Ano ba yun?" Tanong ko sa kanya.

"Accept mo na ako sa facebook. Dali naaa" napataas ang kilay ko sa kanya.

"Why would I?"

"Kase crush mo ko. Yieeee" napaka-feelingera nitong babaeng 'to.

"Bitawan mo ko, Reign" mahinahon kong sabi sa kanya pero hindi niya parin binitawan ang braso ko. Anak ng tokneneng, Sejun. Babae yan okay?

"Dali naaa. Bibitawan na kita pag inaccept mo ko sa fb mamaya" napairap ako sa kanya. Napaka-kulit niya parin.

"Fine fine! Bitawan mo na ako. Male-late na ako" nakita ko na naman siyang ngumiti. Jusmiyo naman, bakit ba kase ang ganda ng ngiti niya?!

Argh! Erase erase, ano ba John Paulo! Ano ba 'yang pinag-iiisip mo?!

"Sabay na tayo" sabi niya saka binitawan ang braso ko

Umiling ako ulit at saka inunahan siyang mag-lakad.

THIRD PERSON'S

"Nays, sabay pumasok. Muling ibalik na ba?" Pang-asar ni Justin nang matanaw niyang sabay na pumasok si Sejun at Reign.

"Mukha mo, Justin" sigaw ni Sejun at umirap pa dito.

"Huwaw. Attitude" natatawang sabi ni Josh.

"Hi Reign! Kamusta ka naman?" Nakangiting tanong nila Stell sa kanya. She smiled at them.

"Okay lang naman" sagot nito.

"Ang ganda niya, Josh!" Kinikilig pa na sabi ni Justin at pinalo ang braso ni Josh.

"Mas maganda ka" pilyong wika ni Josh at tumingin pa kay Justin.

"H-huy e-enebe" nagsitawanan sila nang sakyan ni Justin ang trip ni Josh at pabebe pa nitong hinawi ang kanyang buhok.

"Ba't ka nga pala nawala?" Tanong ni Ken. Awkward na ngumiti si Reign. She wanted to tell them kung ano ba talaga ang nangyare but then, she doesn't want na madamay pa sila sa gulo.

"May importante kase akong inasikaso. Pero ang mahalaga naman ay nandito na ulit ako diba?" Nakangiti niya ulit na wika. Nagsitango naman sila sa sinabi ng dalaga.

"Siguro mahal na mahal mo talaga si Kuya Sejun kaya bumalik ka 'no" pang-asar ni Justin. Nang marinig iyon ni Sejun ay nag-angat ito ng tingin at pinandilatan si Justin.

"Wag mo kong pandilatan dyan. Kinikilig ka lang eh" pang-asar naman ni Justin kay Sejun.

"I came back to fix something" nakangiting sabi ni Reign at napadapo ang tingin nito kay Sejun.

"Comeback na kase. Pabebe pa yung isa eh. Daig pa babae" natatawang singit ni Josh.

"Pwede bang tigil-tigilan niyo ko?"

"Oh bakit? Ikaw ba? May sinabi akong pangalan?" Hindi ito nakapagsalita when in the first place ay tama nga naman si Josh. Masyado siyang natamaan.

Nagtigil sa pag-aasaran ang lima nang biglang dumating ang prof nila.

"Get one and pass" namawis ang kamay ni Reign. Nakalimutan niyang may surprise exam pala sila.

Nang makarating sa kanya ang papel niya ay agad niyang binasa ang mga tanong but then ni isa ay wala man lang siyang maisagot.

"Nakakainis ka, Reign! Dapat nagreview ka kagabi eh!" She was mentally cursing at herself.

Napatigil ito sa pagsermon sa sarili nang biglang may kumuha sa papel niya. Akma itong sisigaw pero nakita niyang pinagpalit ni Sejun ang papel nilang dalawa.

"Lagyan mo ng pangalan mo. Wag na wag kang magkakamaling mag-sumbong. Thank me later" rinig niyang sabi ni Sejun. Sandali itong napatulala at ngumiti.

"Thank you" nakangiting bulong nito kay Sejun. Unknowingly, napangiti ito sa binulong ng dalaga.

"Okay now. Pass your papers" narinig niyang nag-ingay ang mga kaklase niya sa in-announce ng prof nila.

Isa isa silang pinuntahan ng prof nila to collect their papers.

Napatingin ito kay Sejun knowing that he was also staring at her.

Nang mag-tama ang mata nila ay umiwas ito agad at kunwaring nagsulat. Napangiti na lamang ang dalaga.

TO BE CONTINUED...

❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️ Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu