➷sixty

852 33 8
                                    

REIGN

"Sure ka bang kaya mo ng umuwi, Reign?" tanong ni Josh habang nakasandal sa door frame ng kwarto na tinulugan ko.

"Hindi naman ako uuwi para sa kanya. Ate Pauline wants to see us kaya gagawin ko 'to para sa kanya" narinig ko siyang bumuntong hininga at umiling.

Hindi mo rin alam kung handa na ba akong makita siyang ulit. Sa totoo lang natatakot ako, natatakot akong masayang na naman yung luha ko at ma-build up na naman yung pag-asa sa puso ko. Pero si Ate Pauline na yung nanghingi ng favor kaya ayoko siyang madisappoint.

"Let's go?" Tanong niya habang dala dala ang isang maliit na bag. Tumango lang ako at saka nilock ang kwarto na ginamit ko.

"Reign!" Salubong sakin ni Ate Pau nang makapasok muli ako sa apartment ni Sejun.

"Ate Pau!" Ngumiti ako at niyakap siya pabalik.

"It's nice to see you again" nakangusong sabi niya. Siguro yung tinutukoy niya is yung sa airport 1 day ago.

"Eh syempre ikaw nag-aya sakin. I don't want to disappoint you kaya ako nandito" sabi ko sa kanya.

"Ate Reignnnn!" rinig kong pasigaw na tawag sakin ni Justin. Eto naman parang isang taong hindi nagkita eh

"Maka-sigaw ka naman parang hindi tayo nagkita" natatawang sabi ko kay Jah.

"Eh bat ba! Namiss kita. Eh halos kayong dalawa na lang ni Kuya Josh yung magkasama" nakangusong sabi niya sakin. Napangiti na lang ako at ginulo ang buhok niya.

"Ate namaaaaan! Huwag yung buhok! Kakasuklay ko lang niyan eh!" mas lalo akong natawa. Para talaga siyang bata 

"Hi Reign!" napatingin ako sa kusina at nakita ko si Mila. Andito pala siya? Kaya ayaw kong umuwi eh.

"Hello" nakangiting bati ko sa kanya. Kasama niya si Sejun sa kusina. Napabuntong-hininga na lang ako para marelax ako ng konti at hindi ko na maisip si Sejun.

"Okay ka lang?" Mahinang tanong sakin ni Stell.

"Oo naman. Bakit hindi?" Ngumuso naman siya at tila ba may tinuturo. Nakaturo ito sa kusina. Doon ko nakita silang nagtatawanan habang naghahanda ng pagkain. Umiwas muli ako ng tingin at ngumiti kay Stell.

"Okay lang ako" sabi ko sa kanya.

"Hoy Kuya! Magkadevelop-an kayo ni Ate Mila dyan ha" pang-aasar ni Ken. I somehow want to hit his head dahil sa pang-aasar niya sa dalawa but then palagi kong naiisip na ano namang karapatan kong gawin yun? Ni hindi nga kami ni Sejun so sino ako para kumilos ng ganun.

Naramdamanan ko na namang humapdi ang puso ko. I want to stay silent as I can. Ayoko ng makasakit pa pag nagsalita ako. Pagsisisihan ko din naman eh.

For the last time, tinignan ko silang dalawa. Oo na, ako na tanga pero kase I just can't help my self. They look so perfect together. Nakita ko pang napaso ata si Mila kaya agad na kinuha ni Sejun ang kamay nito at saka inihipan. Nakita ko kung gaano ka-iba ang tingin ni Mila sa kanya.

"Labas lang ako" nakangiti kong paalam sa kanila. Hindi ko lang kaya ihandle ang sarili ko at baka mapaiyak pa ako sa harap nila.

Nang makalabas ako ay umupo na lang ako sa sahig sa labas habang nakasandal.

This is why I like every nights. Malamig at sobrang relaxing. Minsan, dito pa ako nakakapag-isip ng mga bagay bagay.

"I know you are not okay" napatingin ako sa likod ko at nakita si Ate Pau. Hindi ako nakapag-salita at ibinalik ang tingin ko sa kalsada.

"Is it about Mila?" hindi ko alam kung bakit ako nahihiya kay Ate ngayon. Basta naiisip ko na baka akalain niyang OA lang ako.

"Reign, I know that Sejun still loves you" I can't help but to laugh. Alam ko namang pinapagaan lang ni ate yung pakiramdam ko.

"Ayoko na lang umasa ate" sabi ko at saka pumulot ng bato at pinaglaruan ito.

"Nag-iba ang mood mo nung andun tayo sa airport nung makita mo si Sejun at Mila. Reign, kaibigan mo ako. Huwag ka mahihiyang mag-open sakin. Alam mo nung umalis ka, sobrang nalungkot ako kase iniwan mo ko. Pero naiintindihan ko. Alam ko na agad na may problema ka" hindi ko alam kung pang-ilang iyak ko na 'to pero tumulo na naman yung luha ko

Sobrang nagi-guilty ako ngayon sa sinabi ni Ate. Nagpadalos-dalos ako at iniwan siya. I should've done that.

"Ate, sorry" tanging nasabi ko sa kanya. She patted my shoulder at saka narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"Naiintindihan kita, Reign. As your sister, alam kong about kay Sejun kaya lagi kang umiiyak. Hindi ko lang kaya na ganun, Reign. I felt useless. Ni hindi kita matulungan or hindi kita mapasaya. I'm sorry for that"

"Andito lang ako kapag may bumabagabag sayo"  maybe kailangan ko talagang mag-open up ng feelings ko. Makakatulong din siguro yun sa pag-build up ko sa sarili ko.

"I'm sorry ate. Sobrang nasasaktan lang ako" hinila niya ako at saka niyakap. Hinimas niya ang likod ko na nakapagpa-kalma sakin.

"Bakit ganun siya, ate? Akala ko after kong masabi sa kanya lahat magiging maayos na yung lahat. Kaso mas lumala lang eh"

"Tanggap ko naman lahat ng sumbat at pagpapahirap niya sakin eh. Kaya kong harapin yun lahat. Kaso habang tumatagal, nahihirapan na ako sa sitwasyon ate. Napapagod na ako"

"Gusto kong ayusin muna yung sarili ko bago ako magkaroon ng connection ulit sa kanya. He wants us just to be friends pero ate mahal na mahal ko siya. Paano yun?"

Binitawan niya ako at saka pinaharap sa kanya. She stared at my eyes na para bang naaawa siya sa akin.

"I know that you went through a lot of struggles. Ngayon, naiintindihan na kita. Eto yung gusto ko sayo, sobra ka mag-mahal. Pero alam mo? Always remember that kapag nagmamahal ka, may disadvantage" hindi ako nagsalita at pinakinggan lang siya. I know na matutulungan din ako ni Ate. I know that I can trust her lalo na sa lahat ng doubts na nararamdaman ko.

"Kapag nagmamahal kase tayo, hindi maiwasan na ibigay natin ang lahat sa taong mahal natin. That's normal, Reign. Maganda ka at matalino kang tao. Madami pang mas karapat-dapat na lalaki para sayo. Hindi ko rin talaga maintindihan itong si Paulo eh. Maybe you feel that way kase hindi mo pa masyadong nalalaman ang side ni JP"

"Saka isa pa, maraming oras para sa pag-ibig. Siguro hindi pa kayo handang dalawa. Maybe when the time is right, paglalapitin ulit kayo ng tadhana. Tama 'yang ginagawa mo, Reign. Heal yourself first. Ilang taon din kayong nag-sama ni Paulo at nahihirapan ka mag-move on. I'll help you" napangiti naman ako sa sinabi niya. Sobrang swerte ko sa kanila ni Josh.

"You can always love someone, Reign. But always remember to love yourself more para kung sakaling iwanan ka ng ibang tao, you can always depend on yourself. Everything will be alright. When the right time comes" nakangiti niyang wika sakin. Tama si Ate, siguro kailangan ko lang iiyak 'to ng sobra hanggang sa maging okay na ako. Magiging okay din ang lahat.

Sana..

TO BE CONTINUED...

❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️ Where stories live. Discover now