➷fifty-three

784 37 36
                                    

REIGN

10 mins ago ng makarating ako dito sa airport. Mag-isa. Ayaw ko namang abalahin yung 4 kase baka busy sila at saka isa pa, nakaya ko din naman na ako lang mag-isa eh

Umupo muna ako sa mga nakahilerang upuan at tinext si Ate Pau.

"Reign!" Napaangat ang tingin ko ng may pamilyar na boses ang tumawag sakin.

"Ate Pau!" Tumayo ako agad at niyakap siya ng sobrang mahigpit. Waaaahhh! Namiss ko siyaaaa!

"Kamusta ka naaaa?" Tanong niya sakin

"Okay lang ateee! Ite-text pa lang sana kita kaso nauna ka na pala dito hahaha" tinawanan niya rin ako at saka lumingon sa likod. Ngayon ko lang napansin na may kasama pa pala siya.

"Mila! Halika dito. Ipapakilala kita kay Reign" nakangiting sabi ni ate sa isang babae. Mukhang ka-edad ko din siya.

"Reign, this si Jamillah. Mila, this is Reign. Kaibigan ko" ngumiti ako atsaka nakipag-shakehands sa kanya. Ang ganda niya jusko. Nakakatibo yung ganda nito ey.

"Hi! I am Jamillah Garcia" pakilala niya.

"Reign Gabrielle Cruz" sabi ko naman sa kanya.

"Nga pala ate, tara na?" Tanong ko.

"Wait lang, may service tayo. Parating na daw siya" tumango lang ako

Sandali kaming umupo at nagkwentuhan. Kababata pala ni Sejun 'tong si Mila. Napilitan lang pumunta ng States para mag-aral.

"Pauline!" Napatingin kaming tatlo nang may tumawag kay Ate Pau.

Halos magwala ang puso ko nang makilala ko kung sino ito.

"Woy JP! Andito ka na pala" umirap naman siya sa tawag sa kanya ni Ate. He doesn't like being called JP. Parang pambata daw kase eh.

"Wag mo nga akong tawaging JP! Hindi ako bata" sabi nito.

"Whatever JP" natawa naman ako dahil sobrang kulit at mapang-asar parin ni Ate Pau kahit kailan.

"By the way, hindi mo ba siya naaalala?" Sabi ni Ate. Tinutukoy niya si Mila.

"Jam?" Tawag niya kay Mila at saka ito niyakap. Umiwas ako ng tingin at kunwaring kinalikot ang phone ko.

"I miss you!" Rinig kong sabi niya kay Mila. Para bang hindi ako makahinga. He never said I miss you sakin kahit pa nung kami pa lang. Never

"I miss you too, Paulo! How are you?" Rinig kong tanong naman ni Mila kay Sejun. Pag si Mila, okay lang na tawagin siyang Paulo. Kapag ako, magagalit siya? Taena lang.

Josh, kailangan kita ngayon :((

"Okay naman. So ano? Tara na?" nagpanggap parin akong kinakalikot yung phone ko hanggang sa si Ate Pau ang tumawag sakin para sumunod sa kanila.

Kasama ko lang si Ate Pau habang nauuna maglakad si Mila at Paulo. Mukhang miss nga nila yung isa't isa dahil panay ang harutan nila habang naglalakad.

"Reign, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Ate Pau. Ngumiti lang ako ng pilit.

"Okay lang ako, Ate" sabi ko kay Ate. Kahit hindi naman talaga. Ang hapdi hapdi ng puso ko.

"Okay daw. If I know nagseselos ka lang kay Mila" napatingin ako agad kay Ate.

"A-ako? Hindi 'no" pilit kong deny kahit yun naman talaga ang totoo.

"Reign-" naputol ang sasabihin ni ate nang makarating na pala kami sa parking lot. Isabay mo pa ang biglang pagsasalita ni Sejun

"Ate! Sasama daw si Mila sa apartment" sabi ni Sejun nang makapasok kami sa dala niyang kotse.

"Sige lang. Bahala kayong dalawa" papaandarin na sana ni Sejun yung sasakyan pero nagsalita ako.

"Wait lang!" Sabi ko.

"Ate, ingat kayo ah. May pupuntahan pa pala ako. Una na kayo" sabi ko at saka bumaba ng kotse.

Paglabas ko ng kotse ay hindi ko mapigilan ang luha ko. Tangena naman. Palagi ka na lang umiiyak, Reign! Hindi ka ba naaawa sa mata mo?

Inilabas ko ang phone ko at dinial ang number ni Josh.

"Hello?" hindi ko mapigilang mapaiyak nang marinig ko ang boses ni Josh. Maaasahan ko talaga 'tong lalaking 'to.

"Hoy Gabrielle! Umiiyak ka ba? Asan ka ngayon? Pupuntahan kita" hindi ako makapag-salita dahil naiiyak parin talaga ako. Bigla tuloy may lumitaw na tanong sa utak ko.

Bakit hindi na lang si Josh?

"Nasa airport ako" tipid kong sabi.

"Ehh? Anong ginagawa mo dyan?" Hindi ko siya sinagot

"Josh, I need you" sabi ko habang humihikbi.

"S-sige. Wait. Papunta na ako" binaba niya na yung tawag kaya naman hinintay ko siya dito sa may entrance ng airport.

-

"Reign!" napatigil ako sa pag-iyak nang makita ko si Josh na hingal na hingal na papalapit sa akin.

Naglakad ako papalapit sa kanya at saka niyakap siya ng mahigpit. Kailangan ko lang ilabas 'to tapos okay na rin ako pagkatapos.

"Anong nangyare?" mahinang tanong niya sakin

Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakayakap sa kanya. Wala ako sa wisyo para mag-explain ngayon. Sobrang sakit na ng katawan ko, emotionally and physically. Taena naman kase. Bakit nagkaka-ganito? Nabawasan nga ako ng isang problema pero may dumagdag na namang isa. Bakit ba kase ang hina hina kong tao?

"C'mon. Iuuwi na kita" sabi niya. I held his sleeve saka ko naramdamang tumulo na naman ang luha ko.

"Ayoko muna umuwi. Makikita ko lang naman silang dalawa ni Mila" nginitian niya ako saka tumango.

Hindi man ako pinalad sa lovelife, maswerte naman ako sa friendship na meron kami ngayon nila Josh.


TO BE CONTINUED..

❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️ Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt