➷forty

784 35 24
                                    

THIRD PERSON'S

"Hoy! Ang tigas talaga ng mukha mo eh 'no!?" napatigil sa paglalakad si Reign nang may humarang sa kanya sa corridor.

"Ano na naman bang gusto niyo?!" sigaw niya sa mga ito kaya't galit siyang tinulak ng babaeng humrang sa kanya. Ito ang babaeng kumorner sa kanya sa cr nung nakaraang araw.

"Ang galing mo rin eh 'no? Tumakas ka pa nung first meeting natin. Duwag ka talaga eh 'no?" Hindi nagsalita si Reign at nanatili lang na nakatingin sa mga babae.

"Wala ka namang thrill. Ano?! Titignan mo lang kami? Nagpapaawa ka?" Natatawa at nangaasar na sabi ng babae.

"Ano bang gusto niyo sakin?!" Naka-amba ang luha ni Reign na tumulo ngunit pinipigilan niya lang ito.

"Aww. Duwag ka nga. Iyak ka na ghorl" sabi nito at saka nagtawanan din ang mga babaeng kasama nito.

"Sabi ng layuan mo sila Stell diba? Ang landi landi mo!" Sa sinabing ito ng babae ay tuluyang tumulo ang luha niya. No one ever called her like that before. Ibang impact ang kumurot sa puso niya nang sinabi ito ng babae. Nagsisimula na rin silang pagtinginan ng maraming estudyante.

"Who are you to call her like that?" Napatigil sa pagsasalita ang babae at tumingin sa harap niya.

"S-sejun" utal at takot na sabi nito. Kung nakakamatay lang ang titig, malamang ay kanina pa siya nakahandusay sa sobrang sama ng tingin nito sa babae.

"Alam ba ng parents niyong nangbubully kayo ng walang ka-malay malay na babae?" Matapang na tanong nito sa tatlo. Napaawang ang bibig ng tatlo dahil sa takot.

"Ni Mama niya hindi siya tinatawag na ganyan. Tapos ikaw na walang ambag sa buhay niya, sasabihin mong malandi siya? Sino ka? Sino ka para sabihin kay Reign yan?" Nakakunot noong sabi nito.

Nagsi-alisan ang mga estudyanteng nanonood dahil sa takot kay Sejun.

"S-sorry" nasabi na lang ng babae at napayuko.

"Pangalawang beses na 'to, Chloe. Isa pang beses na mahuli kitang ginagawa 'to kay Reign, baka maubos ang pasensya ko sayo at mapatulan pa kita kahit babae ka" sabi nito habang matalim na nakatingin sa babae.

"Umalis na kayo" dagdag nito. Nagsialisan ang tatlo at mabilis na tumakbo papunta sa kung saan.

He worriedly stared at Reign na humihikbi parin at nakasalampak sa sahig. Lumuhod ito sa level ni Reign bago magsalita.

"Are you okay?" tanong ni Sejun. She slightly peeked at Sejun at umiwas muli ng tingin.

"O-okay na ako. Salamat" sabi nito at agad na inayos ang nagkalat ng gamit nito. Tutulungan pa sana siya ni Sejun ngunit mabilis niya hinablot ang librong nasa kamay ni Sejun at mabilis na tumakbo papunta sa classroom nila

He just stared at her running as fast as she can para lamang makaiwas sa binata.

Unknowingly, he smiled again slowly feeling his heart beats fast again.

TO BE CONTINUED...

❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️ Where stories live. Discover now