➷forty-three

787 33 28
                                    

⚠️TRIGGER WARNING: ABUSIVE WORDS⚠️

THIRD PERSON'S

"Thank you sa pag-hatid, Josh" nakangiting sabi ni Reign. 7:45 na ng hapon kaya nag-pumilit si Josh na ihahatid niya na lang si Reign pauwi. Galing kase sila sa paggawa ng project mula sa school at medyo madilim na rin para kay Reign na maglakad mag-isa.

"Una na ako" paalam ni Reign. Ngumiti lang muli si Reign at kinawayan si Josh nang makalayo na ito sa kanya.

Dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay nila nang sinalubong siya ng step-father niya na nakatayo sa sala at masama ang tingin sa dalaga

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong nito habang masama parin ang tingin. Amoy na amoy sa buong bahay ang alak kaya malamang ay umuwi na naman ito ng lasing.

"Galing po ako sa school. Kakatapos lang namin gumawa ng project" sarcastic itong tumawa bago magsalita.

"Sa tingin mo maniniwala ako sayo?" Sarkastikong tanong nito kay Reign. Nanatili lang itong tahimik habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa harap niya.

"KASAMA MO NA NAMAN YUNG LALAKING YUN SA TINGIN MO MANINIWALA AKO SAYO?!" singhal nito at saka sinampal si Reign. Napaiyak ito agad sa sakit ng pisngi niya sa pagkakasampal. Mas dumoble ang sakit nito kesa sa nakaraang sampal sa kanya.

"Maaayos naman sana natin 'to kung di mo inubos ang pasensya ko sayo, Reign" nakakatakot itong ngumiti kay Reign na nagpakaba sa dalaga. He was more aggressive than the usual he is.

"Inuubos mo ang pasensya ko, Reign. At hindi ko papalampasin yun" sandali itong may kinuha sa likod niya at saka nakangiting ipinakita ito sa dalaga.

"T-tito, wag po please. Maawa po kayo" pagmamaka-awa nito ngunit nagsimula itong lumakad papalapit sa dalaga.

"I'm your father, remember?" Parang baliw na sabi nito habang nakatutok parin sa dalaga ang kutsilyong hawak nito.

"Hindi kita kailanman naging tatay!" sigaw nito.

"Talaga lang ha?" mabilis na tumakbo si Reign pataas sa kwarto nito nang makita niyang tumatakbo na rin palapit sa kanya ang matanda. Mabilis niyang nilock ang pinto nang hindi makapasok ang matanda sa kwarto niya.

Ilang sandali lang ay nakarinig siya ng malakas na kalabog sa pinto niya.

Nanghihina ang tuhod nitong umupo sa pinakasulok ng kwarto niya habang nakatakip ang dalawang kamay nito sa tenga niya at nakayuko ang ulo.

"Oras na nabuksan ko 'tong pinto mo, papatayin kita!" Napaluha na lang ito at walang tigil sa pagdadasal na sana ay may makarating na tulong sa kanya kahit alam niyang imposible iyon.

"TANGINA REIGN LUMABAS KA SABI D'YAN!" sigaw nito at saka pinagpapalo ang pintuan ng kwarto ni Reign.

Tahimik na lumilinga-linga si Sejun sa paligid. Kakalabas niya lang mula sa bahay niya at balak niya sanang magpahangin.

"TITO WAG PO PLEASE!" napatingin siya sa bahay nila Reign when he heard her voice. May mga malakas na kalabog din ang naririnig niya mula dito.

❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon