➷sixty-three

834 36 88
                                    

REIGN

"Shh! Wag nga kayong maingay"

"Taena, sino umutot? Ang dugyot niyo ah! Ampotek"

"Punyeta, Stellvester! Hinaan mo boses mo. Masisira yung moment eh!"

"Ops, sorry. Di ko na napigilan hehehehe"

"Ang dugyot mo, Kenjiiii!"

Tangena. Ang iingay naman ng mga yun. Kitang may tulog pa dito eh.

Bumaling na lang ako sa kabilang side at napayakap kay Ate Pauline. Ang iingay nila ampotek.

Teka lang, bakit parang lumapad yung katawan ni Ate? Sa pagkakaalam ko, sobrang payat ng babaitang yun ah. Ah bahala na. Basta inaantok ako.

Hinila ko na lang siya papalapit sakin. Pero bakit ang weird? May malambot na nakadampi si noo ko ampotek.

"Kyaaaaah! Picture-an niyo daliiii!" hindi ko na ma-identify kung kaninong boses yun pero hindi ko na lang pinansin dahil inaantok parin ako.

Ilang sandali lang ay halos mabulag na ako dahil sa isang flash. Takte, may kidlat ba?

"Napaka-bopols mo, Justin Torres de Dios!" rinig kong sigaw ni Josh. Anak ng nanay mo naman talaga 'tong pandak na 'to. Ka-liit na tao pero tatlo ata bunganga sa sobrang lakas ng boses.

Dahil sa sobrang inis ay napadilat ako agad at tinignan sila ng masama.

Pagdilat ko ay nakita ko silang lima na nakapalibot sa amin. Nakita ko pa si Ate Pauline na pigil na pigil pa yung tawa.

TEKA LANG HA!

Kung hindi si Ate Pauline yung hinila ko kanina..

"Takte naman. Ang iingay niyo!" sabi nito at saka hinila din ako papalapit.

Napalingon ako agad sa kayakap ko at halos gusto ko ng magpakain sa lupa nang makita ko kung sino ito.

"Sejun!" Gulat na sigaw ko bago siya tinulak papalayo.

"Shete Reign, aray!" Daing niya nang mapalakas ata yung tulak ko sa kanya.

"Kayo!" Yan na lamang ang nasabi ko habang pinagtuturo silang lahat.

Paano nila nagawa 'to sakin?!

"Josh Cullen!" Sigaw ko nang makita ko din siyang tumatawa.

"Reign, sorry naaaa! Napag-utusan lang kami ni Pauline" sabi niya habang hawak hawak ang tiyan niya at tawa parin ng tawa.

"Tinuring kitang bestfriend tapos ito igaganti mo sakin?!" Sigaw ko sa kanya. Pero itong loko-loko na 'to tumatawa parin. Mamatay ka sana kakatawa

Charot, baka ako ang mauna mamatay dahil sa readers HAHAHAHA. Sana mabilaukan na lang siya.

"Hoy Josh? Okay ka lang?" napatingin ako ng sumigaw si Pauline. At etong gago, nabilaukan nga HAHAHAHAHAA. Buti nga

Tumayo siya at saka uminom ng tubig at saka pinagpatuloy yung pagtawa niya. Happy pill ako nito eh -,-

"HAHAHAHAHAHA. Reign, ang cute niyo dito ni Sejun oh. Nakahalik pa siya sa noo mo. Yieeee!" nanlaki naman ang mga ko sa sinabi niya.

Punyeta! Nakahalik? So yung malambot na nakadikit sa noo ko, labi ni Sejun yun?!

TANG AMA?!

"BURAHIN MO YAN SANTOS! PAG NAHULI KITANG PANDAK KA YARI KA SAKIN!" Sigaw ko at saka hinabol siya.

"Wag ka na mag-move on, bespren. Eto na ang sagot sa dalangin mo!" Rinig kong sigaw niya. Aba! Gagong 'to?!

"PUNYETA KAAAAA!"

THIRD PERSON'S

"Woy! Hindi mo ba ako tutulungan hulihin si Josh?!" hingal na sigaw nito kay Sejun na nakikitawa lang kila Justin.

"Bakit pa?" Natatawang asar niya kay Reign.

"Aba! Siraulo 'to ah" sabi nito at saka muling hinabol si Josh.

"Punyeta kang pandak ka! Ang liit liit mo pero bakit walo ata paa mo?!" Singhal ni Reign habang hingal na hingal pa.

"Asan nga pala si Mila?" Tanong ni Sejun kay Stell.

"Babalik na daw ng Manila. May kailangan daw siyang asikasuhin" tumango lang si Sejun at pinanuod muli si Reign na habulin si Josh

"Hoy, tama na 'yan at kumain na kayo" saway ni Stell kay Reign at Josh.

"Nakakainis ka, Santos. Friendship over. Traydor kang kaibigan" sabi ni Reign habang papalapit sa dining table.

"Ha! Memories din kaya 'to. Pabebe pa kase kayo eh. Ano kayo? Aldub? Kakapal ng libag niyo" sabi nito at tumabi kay Pauline.

"Yung isa, iyak ng iyak. Yung isa, deny ng deny. Alam niyo? Ang sarap niyo pag-umpugin dalawa" sabi naman ni Pauline. Nagsitawanan silang lahat pwera kay Reign dahil panay ang irap nito.

"Hoy! Isa ka pa! Kain ka ng kain! Pati Hotdog ko, kinain mo!" Sigaw niya kay Ken na tahimik na kumakain.

"Heh! Ang daldal mo kase. Eh kung kumain ka na dyan edi sana di ko kinain hotdog mo! Dzuh" mataray na sagot ni Ken. Atichona ka ghorl?

"Aba! Pigilan niyo ko, sasabunutan ko 'tong manok na panabong na 'to" muli silang nagsitawanan

"Oh" napatingin siya kay Sejun nang lagyan siya ng Hotdog sa plato niya.

Nagsitahimik sila at nang-aasar na tinignan ang dalawa.

"Anong tini-tingin tingin niyo dyan?!" Inis na tanong niya.

"Alam niyo bagay talaga kayo. Bukod sa parehas kayong mahilig sa hotdog, parehas pa kayong mukhang hotdog" sabi ni Justin at saka humalakhak.

"HAHAHAHAHAHAHAHA! Ito lang yung may saysay at nakakatawang joke mo, Jah!" Natatawang pagsang-ayon ni Josh.

"Tantanan niyo kaming dalawa at pag ako di nakapag-pigil, tutusukin ko 'yang mga mata niyo ng tinidor" natawa na lang muli sila sa itsura ni Reign dahil halatang inis na inis na ito.

Pero deep inside, kinikilig siya sa pang-aasar ng lima

"Ikaw! Tatawa tawa ka dyan!" Saway niya kay Sejun nang makita nitong nakikitawa din ito sa mga kalalakihan at kay Pauline.

"Bakit? Masamang tumawa?" Natatawang taning niya.

"Oo! Pag ako tinatawanan mo, masama yun!" Sabi niya saka umirap

"Ayan! Tinatawanan mo kase! Wag mo tawanan" singit ni Ken.

"Nakakabwisit kayong lahat!" Sabi ni Reign bago magsimulang kumain.


TO BE CONTINUED..

❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️ Where stories live. Discover now