➷twenty-three

812 37 10
                                    

THIRD PERSON'S

Maagang gumising at naghanda si Reign para hindi niya maabutan ang pag dating ng step father niya pa. Siguradong pag-iinitan na naman siya nito. Nagiwan ito ng makakain para sa kanya at inabangan ang paglabas ni Sejun.

She immediately smiled nang makita niyang nagla-lock na rin ng pinto si Sejun at handa na sa paglalakad.

"Paulo!" Sigaw niya dito. Sandali lang siyang tinitigan ng binata at nagdire-diretsong naglakad palayo. Napasimangot naman ang babae nang makita niya ang ginawa ni Sejun. Kaagad siyang tumakbo papalapit dito.

"Huy! Good morning" nakangiting bati nito kay Sejun ngunit nanatili lang itong tahimik at hindi man lang siya pinasadahan ng tingin.

"May problema ba tayo?" Tanong ni Reign ngunit hindi na naman nag-abalang sumagot si Sejun.

"Galit ka pa ba sakin?" malungkot na tanong ni Reign.

Hindi alam ni Sejun pero nakaramdam din ito ng awa kay Reign. Gustuhin man nitong kausapin si Reign pero bumabalik at bumabalik ang mga ginawa nito sa kanya 4 years ago kaya hindi niya maiaalis ang galit sa dalaga.

Nakarating sila sa classroom ngunit nanatili parin silang tahimik. Napansin ito ng apat kaya naman hindi na sila naglakas ng loob na asarin ang dalawa. Kilala kase nila si Sejun na mabilis magalit at moody kaya kahit paano ay natatakot parin sila dito.

"Anong problema ni Sejun?" Bulong na tanong ni Josh kay Stell. Magsasalita na sana ang nakababata nang biglang dumating ang guro nila.

"Chat ko sayo mamaya" bulong nito. Tinignan lang siya ni Josh at tumango.

Dumaan ang ilang oras at mag-isang pumunta si Reign sa cafeteria. She never had the chance na makipag-kaibigan sa iba. Simula grade 4 kase ito sinubukan niyang makipag-kaibigan sa mga kaklase niya but then ended up being bullied.

"Reign!" Pahabol na sigaw ni Stell kaya naman humarap ito bago tuluyang makaalis.

"Sama ka na samin" nakangiting yaya ni Stell sa dalaga. Nag-alangan naman ito dahil alam niyang hindi magiging komportable si Sejun pag andyan siya.

"U-uhm, hindi na. Okay lang ako" sabi nito sabay lingon kay Sejun na wala paring kahit anong reaksyon sa mukha.

"Ano ka ba. Don't mind Sejun. Saka malungkot pag mag-isa" dagdag naman ni Justin.

Muli itong napatingin kay Sejun only to find out na nakatingin din ito sa kanya. Ngumiti ang dalaga sa kanya, when he saw it naglakad ito palayo sa kanila.

"Napaka-sutil na bata talaga ni Sejun" iiling na sabi ni Josh.

"S-sige na nga" napa-'yes' ang apat nang pumayag si Reign sa offer nila. Inabayan nila ang dalaga at hinila papunta sa canteen.

"Order muna tayo. Nasa table naman natin si Justin saka Ken" tumango lang ang dalaga at nagpunta sa cashier. Kukunin na sana nito ang last na Hotdog na nasa counter  nang may humablot din na ibang kamay dito. Napatingin ito to find out that it's Sejun.

Sandaling natulala ang dalaga dahil magkalapit ang kamay nilang dalawa. He smirked at dali daling kinuha ang Hotdog sa kamay ni Reign.

Binayaran ni Sejun at kaagad na kinagatan ito. She was left there na bukas ang bibig at hindi makapaniwala sa ginawa ni Sejun. Napanguso na lang ito at kumuha ng Hamburger bilang kapalit.

"Hoy! Bakit mo kinain yung Hotdog ko?!" Singhal na tanong ni Reign.

"Ang kapal mo! Akin 'to" bulyaw naman ni Sejun sa kanya at inirapan pa ito.

"Anak ng tokwa kayong dalawa. Mahiya nga kayo! Kung magsisigawan kayo, make sure na kayo lang makakarinig. Sasakit niyo sa tenga" galit na saway ni Josh sa kanilang dalawa. Muling napanguso si Reign dahil wala itong magawa.

"Bibilhan kita ng maraming Hotdog mamaya, Reign. Tumahimik ka na dyan" dagdag ni Josh. Kumislap ang mata ni Reign at kumapit sa braso ni Josh.

"Deal yan ah?" Nakangiting tanong ni Reign. Unknowingly, napangiti din si Josh at tumango.

"Oo na"

"Yieeee! Thank you, Josh! The be—" naputol ang pagsasaya ni Reign nang may humampas sa table na dahilan para mapatingin silang lahat kay Sejun.

Bahagyang namumula ang pisngi at tenga nito. Nakakunot din ang kanyang noo, halatang naiinis ito sa hindi malamang dahilan.

"Problema mo?" Tanong ni Ken sa kanya. Tumayo lang ito sa kinauupuan niya at lumakad palayo.

Nagkatinginan silang apat habang naiwang nakangisi si Stell.

"Hindi pala nagseselos ah"

TO BE CONTINUED...

❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️ Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin