➷eight

776 46 13
                                    

REIGN

"Bakit kasama mo na naman yung Josh na yun? Sinabi ko na sayong lumayo ka sa kanya diba?" Galit na sabi ni Tito habang hawak hawak niya ng mahigpit ang braso ko.

"T-tito, nasasaktan po ako" sabi ko at kinukuha ang braso ko sa kanya. Heto na naman siya.

"Hindi mo ba ako susundin, Reign?" Kitang kita ko sa mata ang galit niya. Hindi ko na maiwasang umiyak dahil sa sobrang sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko

"Kaibigan ko si Josh. Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan!" Buong lakas kong sigaw sa kanya at nakikita ko kung paano siya mas nagngitngit sa galit sa ginawa ko.

"Akin ka lang, Reign. Akin ka lang! Tandaan mo yan!" Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay ang dumi dumi ko ng tao. Naiinis ako dahil wala man lang ako magawa para ipagtanggol ang sarili ko.

"T-tito, masakit po" naluluhang sabi ko pero tinawanan niya lang ako at itinulak sa pinto. Napangiwi ako sa sakit ng likod ko. Palagi na lang ba akong mahihirapan ng ganito? Ang sakit sakit na.

"Makita lang kita ulit na kasama mo 'yang Josh na yan. Hindi lang yan ang aabutin mo" sabi niya at umakyat sa kwarto niya.

Napayukom na lang ako sa galit. Nanggigigil ako sa kanya. Gusto ko siyang patayin dahil sa ginagasa niyang pagpapahirap saming dalawa ni Mama. Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginagawa niya.

Pinilit kong tumayo at kunin ang phone ko sa bag dahil naririnig ko itong tumutunog. Dahan dahan akong umupo sa sofa at nakitang si Josh yung tumatawag.

"Reign! Kamusta ka? Bakit hindi ka sumasagot sa chats ko?" Huminga muna ako ng malalim at pinunasan ang luha ko

"O-okay lang ako, J-josh" hininaan ko ang pagbanggit sa pangalan niya dahil delikado kapag narinig ako ni Tito.

"Reign, magsabi ka ng totoo. Saka bakit iba yung boses mo? Umiiyak ka ba?" Hindi ko mapigilan hindi mapaiyak. Kilalang kilala niya talaga ako.

"J-josh" naiiyak na sabi ko. Sobrang sakit na ng katawan ko. Halos palagi na lang ganito.

"Sinaktan ka na naman ba niya? Gusto mong puntahan kita ngayon?" Ramdam ko ang paga-alala niya.

"H-hindi na. Mas lalo lang yung magagalit pag makita ka niya dito. J-josh, magi-ingat ka" naluluhang sabi ko.

"Reign, isumbong na kase natin 'yang demonyong yan. Hindi ko na kayang nahihirapan ka ng ganyan"

"W-wag Josh. Ayokong madamay pa si Mama dito. Kakayanin ko 'to" kaya ko 'to. As long as buhay kaming dalawa ni Mama. Kakayanin ko.

"Reign.." alam kong gustong-gusto niya akong tulungan pero hindi ito yung tamang panahon. Hindi niya parin alam kung anong kayang gawin ni Tito.

"Magpapahinga muna ako, Josh. See you tomorrow" sabi ko at ibinaba agad ang tawag. Inayos ko ang gamit ko at pumunta sa kwarto para makapag-palit na din ako.


TO BE CONTINUED..

❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️ Where stories live. Discover now