H: Chapter 1

4.2K 100 10
                                    

— 01 —


"Wala pa si Viv?" Tanong ko sa mga kaklase ko pagdating ko ng classroom.


"Hindi ko pa nakita eh, baka wala pa." Tumango lang ako sa sagot ni Yasmin, ang class president namin. Agad akong dumiretso sa aking upuan. May oras pa akong makapaghanda ng aking supresa sa kanya.


Today is Viv's day, my best friend's birthday. Ang babeng 'yon ay isa sa mga pinaka importanteng tao sa aking buhay. Kapag gusto niyang mag cr, mag si-cr rin ako. Kapag gutom siya, gutom rin ako. Kung natatae siya, sinasamahan ko, pero sa labas lang ng restroom. You know naman.


Kung may nakitang guwapo, susuportahan ko siya sa kalandian niya. Kung nalulungkot siya, nalulungkot rin ako at ako ang magiging sandalan niya. Kung masaya siya sa ginagawa niya, masaya na rin akong nakikita siya nakangiti. Ganyan din siya sa akin, she always supports me and always there for me. Lahat naman ng sinabi ko ay ang gawain ng isang kaibigan.


Viv is my other half of me, like my little sister.


Patapos ko ng ginawa ang supresa ko para kay Viv nang nagsimula ng nag-ingay ang classroom dahil dumating na siya. Nagsimula na silang kumanta at bumati sa kanya at napasabay na rin ako.


"Happy Birthday!" Bati ng aming mga kaklase.


"Viv, Happy Birthday!" Bati ni Yasmin at sumunod na ang ibang bati.


"Thank you!" Ngumiti at nagsimula ng naglakad si Viv papunta sa aming upuan.


Agad niya akong nakita at bigla siyang napahinto nang bumaling siya sa kanyang upuan. Kita ko ang gulat ng kanyang mukha at hindi nagtagal umangat ang kanyang tingin sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.


"Happy Birthday Vivian Joelle!" Bulong ko sa kanya at niyakap siya pabalik.


Humiwalay siya sa yakap at muling tinanaw ang tatlong pulang rosas, assorted chocolates and especially ang isang itim na jewelry box.


"Tina, ano ba 'to ?" Tanong niya at hinawakan ang mga rosas. "Bakit mo 'to ginawa? Jowa ba kita?"


"Bakit? Mag jowa lang ba ang kayang gumawa ng supresa?" Tanong ko pabalik.


"Naiisip ko tuloy na BI ka at gusto mo ako." Kumunot ang noo ko at kinurot siya sa tagiliran.


"Ano ka ba Viv! I'm straight." Mahinang sabi ko sa kanya dahil baka marinig ng buong silid. Tumawa lang siya at napahinto nang mapansin ang jewelry box sa tabi ng assorted chocolates.


"Ano 'to?" Nagtatakang tanong niya at inaalog-alog pa.


"Open it to answer your question." Sabi ko at sinunod naman niya.


Her eyes widen when she saw what's inside, an anklet with a letter V and heart symbols. She was unable to speak and a smile creep on her face and immediately gave me another hug.


"Magsi-upo na ang lahat dahil nandiyan na si Ma'am!" Napatingin kaming lahat sa nagdeklarang si Yasmin at agad namang sumunod.


Nagdidiscuss si Ma'am Prudo, ang aming mahigpit na English teacher nang kinurit ako ni Viv sa braso.


"Ano?" Tinaasan ko siya ng kilay.


"Thank you sa anklet! And sa choclates and flowers na rin babe." Biro niyang sinabi at inangat ang kanyang kaliwang paa para ipakita ang anklet nabigay ko.


HatidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon