H: Chapter 13

753 29 2
                                    

— 13 —


"Oh my god!" I screamed out under my pillow. I'm in my room, laying down on my bed and keep screaming on top of my lungs.


"Did I really gave him a kiss?" Napapikit ako sa kilig na nararamdaman ko pero nagising ako sa katotohanan. Bumangon ako at direstong nakatitig sa salamin. Relax, it's just in the cheeks.


"Pero paano ko naman kaya siya haharapin bukas?" Tanong ko sa sarili at bumilis ang tibok ng puso ko. Pagkatapos ko siyang halikan ng walang halong hiya, may ipapakita pa ba 'kong mukha? Nasapo ako ang ulo ko dahil 'don.


Lumabas na ako sa kuwarto at nadatnan ko si Mom na kakapasok lang.


"Hi Mom." Bati ko sa kaniya at naglakad para magmano.


"May problema ba tayo?" Tanong niya at napakunot noo naman ako.


"Anong problema naman 'yan Mom?"


"Sa 'yo. May problem aka ba? Namumula ka 'e." I was stilled in my position. Napansin niya 'yon?


"May rashes ka ba?" Patingin-tingin niya sa katawan ko. "Parang wala naman, pero bakit ka namumula?" Tanong niya sabay tingin sa 'kin at nag-iwas naman ako.


"Ah, baka sa init lang Mom." Pagpapalusot ko at tumango-tango lang ito bago nagpaalam para magbihis. Nakahinga naman ako ng maluwag at kumuha ng basong tubig.


Nasa dining table kami ni Mom at kumakain n gaming dinner habang nag-uusap tungkol kay Ate Sam. Minsan napa-isip nga ako kung merong pagkakataon na pumunta rin kami roon pero parang malabo dahil nagtitipid nga kami ng pera.


"Sa tingin mo Mom, okay lang 'don si Ate?" Tanong ko at nag-angat siya ng tingin sa akin.


"Oo naman, bakit?" Aniya at binalik ang atensyon sa pagkain.


"Parang may problema sila kasi last noong last call niya, parang kinakabahan o nagmamadali siyang patayin ang tawag." Ani ko at kumunot ang kanyang noo.


"'Wag mo na 'yang isipin. Malaki na ang Ate Sam mo at kaya na niya ang sariling problema o baka problema magnobyo 'yan." Napatango na lamang ako sa sinabi ni Mom pero hindi ko talaga maiwasang hindi mag-alala.


"Speaking of nobyo, kumusta na ba 'yang nobyo mo? Napamasid ako sa sinabi ni Mom. Agad kong inabot ang tubig at inimom 'yon. "Isang taon na 'di ba?"


"Mom! 'Di ko pa 'yon boyfriend! Manliligaw po at isang taon na rin po." Agad siyang napatingin sa 'kin.


"Ano? Manliligaw pa lamang? Aba ang bagal naman niya-"


"Mom!"


"Oo na. Isang taon na 'yang nanliligaw sa 'yo pero kahit isang pagkakataon, hindi ko pa 'yan nakikita." Tahimik akong nakikinig sa kaniya. "May balak ba 'yang magpakita sa 'kin?"


"Uh...s'yempre naman Mom." May ngiti kong sabi. "Nagkataon lang na may work kayo at hindi kayo nagkikita."


"Bukas, walang akong trabaho. Papuntahin mo siya bukas." Aniya at uminom ng tubig. Napaawang ang aking bibig sa kanyang anunso. "Bakit?"


HatidWhere stories live. Discover now