H: Chapter 2

2K 69 23
                                    

— 02 —


Bumaba na kaming dalawa ni Viv para umpisahan na ang kanyang celebrasyon sa kanyang kaarawan. Napamasid ako palagi sa paligid dahil may hinahanap ang aking mata.


Nang hihipan na ni Viv yung kandila sa kanyang cake, 'dun ko siya nakita. Nasa kitchen, nakaupo sa high chair, nakapatong ang dalawang siko sa counter top at parang mag-isa lamang siya. Nawala na ang atensyon ko sa pag-iihip ni Viv sa kanyang cake kung 'di sa lalaking nasa kitchen, ang lalaking nakabangga sa 'kin.


Nagsimula ng kumain at nasa desert table ako para kumuha ng buko pandan. Abala si Viv sa pakikipag-usap sa mga bisita kasama ang kanyang ama kaya hindi niya ako matulungan.


Muntik ng mahulog ang kinuha kong plato ng buko pandan nang may sumalo dito. Napatingin ako sa sumalo ng plato at nanlaki ang mata ko sa gulat dahil si Max ay nasa harapan ko ngayon.


"Uh... t-thank you." Halata ang hiya sa boses ko.


Tumango lang siya at nilagay ng maayos ang lalagyan sa aking plato. Hindi ko na siya hinintay magsalita. Nginitian ko na lang bago pumunta sa isang lamesang bakante at 'dun na kumain.


Kakain nasana ako pero nakalimutan kong maghugas ng kamaay kaya iniwan ko muna ang aking pagkain at tumungo na sa CR.
Pagbalik ko, nakita ko may katabing isa pang plato na puno ng pagkain ang akin. Baka kay Viv ang nasa tabi kong plato kaya binalewala ko na lang.


Hindi nagtaggal may umupo na sa aking katabing upuan pero napatigil ako sa pagkain ng maamoy ko ang kanyang pabango. Pabangong pang lalaki! Agad kong nilingon at halos mabulol ako sa aking kinakain nang makita kung sino 'yon.


"Okay ka lang?" Sabay lahad sa akin ng isang basong tubig. Agad ko itong ininom at nagging maayos na ulit ang aking pakiramdam.


"U-Uhh... B-Bakit ka n-nandito?" Tanong ko na nakatitig ka kanyang mga mata.


"Ah! Kasi..." Napalagay siya ng kamay sa batok. "Nakita kitang mag-isa dito at napag-isipan kong sabayan ka, puwede ba?" Tanong niya at ngumiti.


"O-Okay lang p-pero paano yung mga kasama mo?" Napalingon ako sa paligid at hinahanap ang kanyang grupo.


"Nauna na silang lahat kasi may mga emergency raw." Muli kong binalik ang titig ko sa kanya. His beautiful eyes. It's like I'm gonna melt. Oh my, what is this?


"Kain na tayo?" Yaya niya at wala sa sarili akong tumango.


Tahimik kaming dalawang kumakain. Tanging musika ng banda, usapan ng mga bisita at tunog ng kanilang mga plato ang naririnig naming dalawa. Silence ruled the atmosphere surrounding us. It's awkward.


Minsan ay nahuhuli niya akong nakatingin kanya at agad naman akong umiwas. My cheeks are burning when he chuckled at what I did.


"Ms. Perez right?" Napabaling ako sa kanya at kita kong nakatitig siya sa akin habang nagpupunas ng kanyang labi gamit ang table napkin. Dahan-dahan akong tumango sa kanya at parang hindi ko maalis ang aking mga mata sa kanyang labi.


What the hell Tina? Saglit akong pumikit at muling minulat ang aking mata.


"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya.


"Ah, yes. I'm okay. Sorry are saying something?" Dahil baka kanina pa akong wala sa isip.


A grin was on his face and I'm being honest here, he looks more attractive when he smiles. Gosh Tina!


HatidWhere stories live. Discover now