H: Chapter 20

856 30 1
                                    

— 20 —


"Kay bilis ng panahon." Ani ni Mom habang nakadapa. Nandito kami ngayon sa isang spa. Kinaladkad niya ako dito para daw mag relax dahil sobrang stress raw ng college. "Mag-co-college ka na."


"Yeah." I answered while my eyes closed. I'm getting into college a month from now, and time really flew fast.


"Saan kaya mag co-college si Max?" Mom asked and the reason I opened my eyes and looked at her at the other side.


"Sa Delia U." I answered and rested my head on my arms. "He's getting business ad."


"Business? Grabe naman." I raised a brow at her. "Mayaman siguro kayo pag mag-asawa na kayo." Aniya at napa-irap ako nang nakangisi.


"Mag do-doctor ka tapos ang asawa mo'y boss ng isang companya. E 'di financially stable na kayong dalawa." Dagdag niya at napapikit na lang ako. Ewan ko talaga, asawa na agad.


Pagkatapos naming mag spa, bumisita kami kina Max dahil nag-iimbita si Tita Marie ng konting salo-salo dahil masuwerte ang kanilang business.


"Magandang umaga Marie." Ani ni Mom at nagyakapan ang dalawa.


"Magandang umaga Tamara." Bat ini Tita pabalik at lumipat ang kaniyang tingin sa 'kin.


"Good morning Tita." Bati ko sa kaniya at humalik sa pisngi. "Congrats po." Nilahad  ko ang isang bouquet na puno ng preskong rosas.


"Thank you hija." She smelled and then smiled at me. "Hali na kayo, handa na ang pagkain."


I was wondering my eyes everywhere but I cannot find Max. Wala ba siya dito? Hindi niya ba alam na dadating kami?


"Uh, Tita." Tawag ko kay Tita Marie na ngayo'y napatingin sa 'kin habang binibigyan ako ng ice cream.


"Hmm?"


"Si Max po?" Napahinto siya sa paglagay sa 'kin ng ice cream at napatingin naman ako sa kaniya.


"Ay oo nga pala! Ang batang 'yon."Aniya at nilapag ang kutsarang gamit. "Nag-enroll sa DU, 'di ko kasi sinabi na pupunta kayo."


"Ganun ba, pursigido na siguro 'yon sa pagsunod sa yapak niyo." Kumento ni Mom at napa-inom sa hawak na tsaa.


"Oo nga. Oh, ikaw nga pala hija." Napatingin siya sa gawi ko. "Saan ka nga pala mag-aaral? Sabi ng Mama mo hindi ka daw sa DU."


"Ah, opo. Sa Lynch West po." Sagot ko at nagbaba ng tingin.


"Anong kurso ba ang kukunin mo? Wala ba 'yon sa DU? Para magkasama pa rin kayo ni Max." She asked and sat on her seat.


"Medicine po at separate po yung building ng mga science related ng DU kaya malayo po sa campus nina Max." She nodded. "Malapit lang naman po ang Lynch sa DU."


Magsasalita na sana si Tita nang bumukas ang pinto ng kanilang bahay. Bumungad ang pawis na pawis na Max at halatang pagod ito. Nang makita kami, agad na napahinto siya at nanlaki ang mata.


HatidWhere stories live. Discover now